Chapter 2
"Kruise, nasa bahay niyo ba ngayon si Lolo Benjamin?" Tanong ko habang abala kami sa pagkain ng lunch.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumango.
"Kagagaling niya lang ng Manila last week. Next month ay pupunta ulit siya ro'n para magpatingin sa doctor. Why?"
Ngumuso ako at inisip kung kakayanin ba ng oras namin para magawa ang proyekto.
"We have this interview slash project that needs to be passed before this month ends. We need to find a person who honorably served for our country. Akala ko nga ay mahihirapan kami pero naisip ko si Lolo. I'm just worried dahil baka wala siya rito." I said.
Tumango tango siya at uminom ng Real Leaf.
"Meron siya until the end of the month. Tutuloy ba kayo para masabihan ko siya?"
"Sige. I'll talk to my group mates too. Thank you." I smiled.
Sa sumunod na araw ay nakapag-plano na kami ng mga kasama ko. Lima kami sa grupo. Si Lara, James, Mica, Cherie at ako. Our subject for this project is related to history that's why.
Pagkatapos ng klase sa araw na 'yon ay nakipagkita ako kay Kruise para sa plano namin. Nasa harap siya ng learning hall at kumaway sa akin nang makita ako.
"Planado na ang lahat. Pupunta kami bukas kung pwede. Hindi ba abala si Lolo ngayon?" Bungad ko.
"He's just resting. Nasabihan ko na rin siya at welcome na welcome raw kayo. Malakas ka kay Lolo e." She smirked.
"Thank you. Siguro mga alas nwebe kami pupunta para hindi masyadong maaga."
"Alright. I'll tell Lolo about it."
Sa harap ng laptop ay naka-upo ako at hinihintay na sagutin ni Mama ang tawag ko. She told me to call her at this hour. Matutulog na sana ako dahil may lakad kami bukas nang maalala ko ang sinabi niya. Niyakap ko ang aking unan nang sumagot siya.
I smiled at my mother who's still wearing a scrub suit. I miss her so much pero wala naman akong magawa dahil naroon ang trabaho niya. Elementary ako no'ng nagpunta siya sa Canada para magtrabaho. She was given opportunity to continue her work as a nurse there.
Dalawang beses lang siyang umuwi dito sa Pilipinas dahil hindi naman basta basta. Ilang taon na no'ng huling uwi niya at araw araw ko siyang namimiss.
"Hi, Mama." Bati ko.
She smiled and waved her hand. "Are you off to sleep? I'm sorry, katatapos lang ng shift ko."
"Okay lang po. Matutulog na po sana ako dahil may lakad kami bukas."
My Mama looks tired and I can't help but to feel sad. Maraming beses ko nang sinabi na dito na lang siya magtrabaho dahil sapat na rin naman ang kinikita ni Papa at ako lang naman ang ginagastusan nila. Katunayan ay masasabi kong may kaya naman kami sa buhay pero simple lang ang lifestyle namin. Mama said that she's preparing for my future. Kaya naman ay pinagbubuti ko ng husto ang pag-aaral ko para masubalitan ang hirap niya sa ibang bansa.
"Saan naman?"
"Bibisita po kami bukas kina Lolo Benjamin. May gagawin po kasi kaming project doon sa kanila."
Mama nodded, and we talked a bit more about that. Kinamusta niya rin si Lola.
"Nakausap ko ang Lola mo no'ng nakaraang araw. Ang sabi niya'y mga mga manliligaw ka raw." Mariin ang boses ni Mama pero nakangiti siya.
Nagsapo ako ng noo. Hindi ko alam kung saan nakalap ni Lola iyon. Pero minsan kasi kapag sinasamahan ko siya sa palengke ay nakakasalubong namin iyong ibang pumoporma sa akin. Yes, I have suitors, frequent texters and callers but I am not entertaining any of it.