Chapter 36

7.9K 246 41
                                        

Chapter 36

Pagdating namin sa mansyon ay agad kaming sinalubong ng mga kasambahay. Naro'n na agad sila sa pinto habang pinagbubuksan ako ni Olzen ng pintuan ng sasakyan.

Nagkatinginan kami nang hawakan niya ang aking kamay at alalayan ako pababa. Hindi na ako nagprotesta dahil nanghihina ako at nanlalamig. Inayos niya ang trench coat sa aking katawan, halos umabot ang dulo nito sa itaas ng tuhod ko.

"Gavva, Ma'am! Ano pong nangyari sa inyo!" Si Kelin iyon na nasa tabi ni Manang Betty.

Nakasunod ako kay Olzen dahil hawak niya ang aking kamay habang papasok kami ng mansyon. Pagod at tahimik ko lamang silang tiningnan.

"Manang, kapag may darating po na pulis, pakitawag na lang ako. Iaakyat ko lang si Era." Anang Olzen kay Manang Betty.

"P-pulis, Sir?" Nanlaki ang mga mata ni Kelin pagkatapos ay pinasadahan ulit ako ng tingin.

"Sige, Sir."

"Pagdating nina Diego, tawagin mo rin ako agad." Olzen said and let go of my hand.

May binigay siya kay Manang Betty at may iilan pang sinabi. Humugot ako ng malalim na hininga at nagpasyang mauna na sa taas. I feel dirty and sweaty and I badly want to rest.

"Damn it, Era!"

Nasa gitna na ako ng hagdan nang marinig ko ang galit na boses ni Olzen. Hindi ako lumingon at nagtuloy tuloy pero nang halos maabot ko na ang aking kwarto ay may kumabig sa aking kamay.

"What are you doing?" Olzen growled at me.

"I'm going to my room. Please, I want to rest..." I muttered weakly.

Saglit niya akong tinitigan at walang salitang hinila ako papunta sa kaniyang kwarto. My eyes widened a bit and I tried to pull my arm from his grasp.

"Olzen, I said I'm going to my room," kahit ang pagprotesta'y mahina pa rin.

He didn't say anything and pulled me into his room. He turned on the lights and pulled me towards the massive bed. Mas nilakasan ko ang paghila ng aking kamay dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya ako dinala sa kwarto niya. Tumigil kami sa gilid ng malapad na kama niya.

"Why did you bring me here? I said I'm going to my room!" Frustrated kong sinabi.

Hinarap niya ako pagkatapos ilapag ang cellphone at susi ng sasakyan sa lamesa. His eyes were dark and his thick furrowed brows accentuated the menace in it.

"You will be staying here from now on. I will ask them to bring your clothes here-"

"What? At bakit mo gagawin iyon?!" Nalaglag ang aking panga.

Kumunot ang aking noo. I feel exhausted but I can still argue with him right now because I don't understand the need of his suggestion. Stay in his room? That is too much!

"I need to keep my eyes on you from now on. Now please, let's get you cleaned up." He drawled and advanced to me.

Umatras ako at mas lalong nalukot ang aking mukha. Kumuyom ang panga niya sa aking reaksyon.

"I can take care of myself. You don't need to-"

Halos mapatili ako nang bigla niyang hinawi ang trench coat sa aking katawan. He sneered at me, a bit angry then he eyed my body furiously.

"You can take care of yourself? Really, Elais?" Mariin ang bigkas niya sa bawat salita.

Suminghap ako at tiningnan ang sarili. Nanginig ang labi ko nang makita ang gasgas sa mga binti ko. Halos magpakita na ang underwear ko dahil sa pagkapunit ng aking dress. Marumi rin at may kaunting galos ang aking mga kamay.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now