Chapter 26
Nanatili akong nakatitig sa kaniya kasabay ng maraming inaalala. I'm going to miss him so bad.
"Stop looking at me like that. You'll keep me awake all night." Pukaw ni Olzen sa pag-iisip ko.
Napakurap ako at naramdaman ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. Hindi niya yon napansin dahil medyo malayo siya. Pumikit ako at pasimpleng pinunasan ang aking mukha.
"You and your imaginations will keep you awake all night, Rosales." Patuya kong sinabi.
Humalakhak siya at umiling. Ngumiti ako kasabay ng pagdurugo ng aking puso. Kung desperado ba akong mananalangin na sana ay hindi matuloy ang pag-alis namin, diringgin Niya kaya ako?
Era, stop it! This is what I've been telling you. You're still young for this! How old are you? You're just eighteen and you're worrying too much about you heart already!
Huminga ako ng malalim at ngumuso kay Olzen na namumungay ang matang pinapanood ako.
He's sitting legs apart on the sofa. Nakasandal sa backrest at ang mga kamay ay nakapatong sa kaniyang hita. He won't fit on the sofa if he's going to sleep there.
"Come here," I said softly.
Umusog ako sa kama at tinapik ang puwang sa tabi ko. Umawang ang labi niya. Kagat ang labing umiling siya.
"You're not seriously asking me that, Era." He said seriously.
I almost rolled my eyes at him. "Alam kong wala kang gagawin. I just want you beside me."
His lips parted more. He rolled his tongue on his lower lip before standing. Naglakad siya palapit sa akin. Pinanood ko ang dahan dahan niyang paghiga sa tabi ko. Suminghap ako nang maamoy kaagad ang kaniyang pabango.
Nakaharap din siya sa akin at nakatuko ang isang kamay sa higaan, nakapatong ang ulo niya roon habang pinagmamasdan akong mabuti.
"Is there a problem?" Masuyo niyang tanong.
He noticed my eyes. Mabilis akong umiling at ngumiti. Mas nagseryoso siya kaya mas nilakihan ko ang aking ngiti.
"Did you have a serious girlfriend before?" Tanong ko.
Kumunot ang noo niya sa akin. Bahagyang tumaas ang kilay niya.
"Bakit mo natanong?"
"Wala. Naisip ko lang. Kung ayaw mong sumagot it's-"
"No. Wala pa. All was just for fun." Putol niya sa sasabihin ko.
I waned my eyes at him. Playboy.
"What makes me different then?" It was almost a whisper.
His eyes became more hooded. He stared at me like he's staring right into my soul. Gumalaw ang bukol sa kaniyang lalamunan nang magawi ang tingin niya sa aking labi.
"It's only you... who made me bare even the most damaged part of my soul." He said with his raspy voice.
Nanginig ang aking labi. May kaunting puwang sa pagitan naming dalawa. I have seen his demons but it didn't stop me from falling.
"Pero hindi pa rin tama ang paglaruan ang damdamin ng iba..."
He smiled weakly at me. "I know now. I'm sorry."
I feel so hopeless. I am falling even more but it's painful at the same time.
What if I told him to wait for me? Paano kung gano'n na lang? Hihilingin kong hintayin niya ako!
That is the most selfish decision, Era! Ikaw mismo ay ayaw sa walang kasiguraduhan! Making him wait for something that is uncertain is so selfish!
Gaano kataas ang posibilidad na babalik ka? Gaano kalaki ang posibilidad na kaya ka niyang hintayin sa matagal na panahon? Just set him free! Hayaan mo siyang magdesisyon kung maghihintay ba siya o kalilimutan ka. At hayaan mo siyang sumaya muli kung sakaling may darating na talagang para sa kaniya.