Chapter 19

7K 310 46
                                    

Chapter 19

Kagaya ng napag-usapan namin ni Zaira, pupuntahan niya ako sa bahay namin. From there, Olzen will fetch us. Ang sabi ko kay Zaira sa university na lang kami magkita dahil baka mahirapan siyang makapunta sa amin, pero aniya'y magpapahatid siya kaya walang problema.

"Si Blazen? Magaling pa lang siyang kumanta?" Zaira asked a little bit surprised.

I continued writing on my work sheet and nodded at her. "Okay lang ba sayo kung siya ang kasama natin?"

Tumigil ako para tingnan ang reaksyon niya. She seems uncomfortable around Olzen or maybe, shy is the best word for it. Hindi ko alam kung bakit, kung dahil ba iyon sa nakita niya noon o ano.

"H-ha? Oo naman..." tumango siya.

My lips twitched and smiled a little. Nabaling ang atensyon ko kay Gerald nang lumapit siya sa amin.

"Zaira, binilhan kita ng Chuckie, paborito mo." Ngumiti siya at ini-abot ang inumin kay Zaira.

Sinulyapan ko si Zaira na namumulang tinanggap ang inumin. Bahagya akong ngumiti at iniwas ang tingin sa kanila. I don't know if they have something going on pero minsan ay magkasama silang dalawa at idagdag pa na tapunan sila ng tukso sa klase.

Alas otso ng umaga na nang matapos ako sa pag-aayos ng sarili. Eight thirty ang usapan namin ni Zaira at nasabi ko na rin kay Olzen kung anong oras niya kami susunduin.

I wore a lavande gingham square dress and a flat sandals. I didn't blow dry my hair so I let it down. When I received a message from Zaira that she's near, I went down to our living room.

Nagpaalam ako kay Lola na kasama si Manang Nona sa dining area. Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate. I messaged Olzen but he didn't reply yet.

Isang puting SUV ang nakita kong paparating. May pakiramdam ako na si Zaira na 'yon at hindi nga ako nagkamali. Lumabas siya mula sa passenger seat at nang makita ako'y ngumiti. Pagkatapos kausapin ang driver ay umalis din ang sasakyan.

"Magandang umaga, Era." Mahinhin niyang bati at lumapit sa akin.

"Morning," I smiled.

She's wearing a pink ruffled long sleeve cropped blouse, showing a bit of belly button but her high waist jeans covered a part of it. Her hair is in a twisted bun and the light make up on her face was noticeable.

"Hinatayin na lang natin si Olzen," ani ko.

Tumabi siya sa akin at tumango. Umiwas ako ng tingin at tinawagan si Olzen, kaso nga lang ay hindi siya sumasagot. I dialed Kruise's number and when she picked up, I released a deep sigh.

"Goor morning, my best friend!" she greeted.

"Morning, Kruise. Si Olzen?"

"Si Kuya? Kaaalis niya lang ah. Baka malapit na siya, hintayin mo na lang. James is on his way too." She replied.

"Gano'n ba? Hindi kasi siya nagrereply, I thought something happened. Thank you." I said and ended the call.

James will be joining us because he will be playing the guitar. We asked the instructor if it's fine to do that and she agreed. Basta ay hindi raw ito kakanta at kasali sa video.

We will be singing Ikaw at Ako by TJ Monterde since the teacher wants us to focus on OPM. Nag-ensayo na kami ni Zaira, hindi katulad ko ay mas kontrolado niya ang boses niya. Hindi naman ako magaling kumanta pero para sa grado, I need to at least sound good.

Halos sampung minuto pa kaming naghintay bago ko namataan ang paparating na pick up. Nilingon din ito ni Zaira at nang tumigil ito sa harap namin ay ngumuso ako. Lumabas do'n si Olzen na nakapang-bahay ang suot.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now