Chapter 25
Habang lumilipas ang araw, mas tumitindi ang takot ko. Walang araw na hindi ko naisip ang pag-alis namin. Walang araw na hindi bibisitahin ng sakit ang puso ko.
Lalo na sa tuwing kasama ko si Olzen, kahit na si Kruise. Hindi ko kayang sabihin sa kanila. Wala akong lakas at umaasa na lamang na baka isang araw, magising ako at hindi pala totoo ang lahat.
Our documents are being processed silently, even my papers in school. I even wanted to stop going to school already. What for, anyway? Pero naiisip kong baka intrigahin ako ni Olzen o ni Kruise. At anong sasabihin ko? I plan on not telling them.
I talked to my parents and asked them if we could leave without telling anyone. Hindi nila ako tinanong kung bakit pero pumayag sila. Isang buwan na lamang at aalis na kami. At malapit na ring makumpleto ang mga kailangan namin para makaalis na.
"Era, ano? Nagpaalam ka na ba kina Tita?" Bungad sa akin ni Kruise.
Umupo siya sa harap ko. Nasa learning hall ako at katatapos lamang ng klase niya. Nagkamot ako ng batok at umiling.
"Nawala sa isip ko." I sighed.
Ngumiwi siya sa akin at nilapag ang mga binili niyang pagkain bago pumunta rito. May klase pa si Olzen pero didiretso siya sa akin pagkatapos.
"E sa Friday na dapat tayo aalis. Paano kung hindi ka payagan?"
Gagawin namin ang sinabi noon ni Kruise. Mag-a-unwind kami. We're planning on going to Vigan. Noong nakaraang linggo pa ang plano pero hindi ko pa nasasabi kay Mama o Papa dahil okupado ng ibang bagay ang isip ko.
"I'll tell them tonight. I'll convince them."
Half day kami sa Friday kaya balak naming bumiyahe sa hapon. Matagal ang biyahe papunta ng Vigan mula Tuguegarao. Pwedeng abutin ng walong oras at ang plano pa ay land trip. May palagay akong baka hindi pumayag si Mama lalo't tatlo lang kami. Si Kruise, ako at Olzen. Hindi ko alam kung sasama si James.
Nang dumating si Olzen ay sabay kaming nag-meryenda kasama si Kruise. Umalis din ito dahil mabilis lamang ang break niya.
"Kung hindi ka payagan nina Tita, it's fine. Pwede namang ipagpaliban." Marahang sinabi ni Olzen.
Tipid akong ngumiti at iniwas ang tingin sa binabasang libro. Sinalubong ako ng namumungay niyang mga mata. Kanina niya pa ako pinapanood.
"I'll try tonight."
Tumango siya at pumangalumbaba habang pinagmamasdan ako. Nangingiti akong umiling sa kaniya at nagpatuloy sa pagbabasa.
Moments like this makes my heart ache. It's getting harder to leave, the more memories I make with him. I thought of pushing him away, so it would be easier to leave when we're not in good terms. But everytime I think of it, my heart would bleed more.
So I want to be selfish. I want to spend my remaining days here with him. Pero naiisip ko, hindi patas iyon pagdating kay Olzen. Pinapaasa ko siya sa wala. Pero ano bang magagawa ko? Gulong gulo na ang isip ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang magtagal, baka bigla kong masabi sa kaniya sa sobrang pagpipigil.
"Kayong tatlo lang?" Seryosong tanong ni Mama nang sabihin ko sa kaniya ang plano namin.
Kaharap ko sila ni Papa sa gitna ng hapunan. Tumitig sa akin si Papa.
"Opo. Babalik din po kami ng Linggo." Halos bulong iyon.
"That's dangerous, Era. Hindi yata maaari at malayo ang Vigan. Ngayon pang napaaga ang pag-alis natin." Umiling si Mama.
Natulala ako sa mukha niya.
"N-napaaga?" Nanginig ang aking labi.
Humugot ng malalim na hininga si Papa at tipid na ngumiti sa akin.
"We're leaving next week. We booked our flights already."
Halos masagi ko ang babasaging plato sa narinig.
"P-paano po ang ibang papeles?" Halos magmakaawa ako.
"Everything is already settled, Era. Kaya delikado ang payagan ka d'yan lalo at nalalapit na ang pag-alis natin." Si Mama.
"Mama!" Tumulo ang aking luha.
Tumayo si Papa at nilapitan ako. Umiwas ng tingin si Mama sa akin. Hindi ko matanggap! Oo at pumayag na ako sa lahat pero ngayong biglang naapaga ulit ay parang gusto kong umurong kahit imposible.
"Elicia, hayaan mo na. May tiwala ako kay Olzen. Maasahan ang batang iyon. Pagbigyan mo na ang anak mo. It's the only thing we can do for her." Mariin ang boses ni Papa.
Patuloy ako sa pag-iyak pero sa sa mga nakalipas na araw pakiramdam ko nauubos na ang luha ko.
"Arturo, hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari-"
"Elicia, aren't you concerned of your daughter? Hindi mo ba nakikita ang pinagdadaanan niya?" Tumaas ang boses ni Papa.
"P-pa," suway ko dahil ayokong mag-away na naman sila.
Pagod na ako. Pagod na akong marinig silang ganiyan. Pinipilit ko ang sariling intindihin si Mama sa mga gusto niya. Ayokong magalit, ayokong magtanim ng sama ng loob.
Sobrang saya ni Kruise nang ibalita kong pinayagan ako nina Mama. Olzen just smiled and nodded at me. Hinatid niya ako sa klase at aniya'y hihintayin niya ako para makabisita kami kay Lola.
Nagkatinginan kami ni Zaira pagpasok ko ng klase. She's not talking to me anymore. At wala na rin akong pakialam kung ano man ang nasa isip niya. If she likes Olzen then she should go on. Everyone assumed that I am with Olzen already kahit ang totoo'y wala namang label ang kung anong mayro'n kami.
Thursday night when I'm done packing my bag. Mama went to my room to check on me. She's not angry or anything, she talked to me casually.
"Tinawagan ko ang mga magulang nina Olzen. Nagpaalam din daw ang dalawa." Aniya at binalingan ang katamtaman kong maleta.
Ang dalawang malaki na nasa gilid ay gagamitin ko kapag aalis na kami patungong Canada. Huminga ako ng malalim at tumango, walang masabi.
"I hope you enjoy, anak. I'm sorry for making you go through all this. Here's your allowance."
Kinagat ko ang labi at inabot ang perang binibigay niya. I put it in my wallet and glanced at her.
"Our family is more important, Mama. Ayoko pong magkahiwalay na naman tayo. Huwag niyo pong isipin na baka hindi ako bumalik dahil babalik po ako. Gusto ko lang pong makasama... siya ng mas matagal at kahit ang matalik kong kaibigan." Hindi ko alam kung naramdaman niya ang pait sa boses ko.
Tinitigan ako ni Mama at tumango, nakangiti at pagod din.
"Patawarin mo ako, anak." She said before leaving my room.
Kinabukasan, pagkatapos kaagad ng klase ay umuwi muna ako para maligo ulit at magpalit. Gano'n din ang ginawa nina Olzen at Kruise. Gagamitin namin ang pick up nila. Mula sa trabaho ay umuwi muna saglit si Papa para makita ang pag-alis ko.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, Olzen. Huwag masyadong mabilis at kapag may problema ay tumawag kayo agad." Bilin ni Papa.
Tapos na naming ilagay ang mga gamit namin sa likuran ng pick up. Seryosong humarap si Olzen sa mga magulang ko habang nasa gilid naman kami ng sasakyan ni Kruise. Hindi sasama si James dahil may proyekto daw silang kailangang gawin at ang pagkakaalam ko'y may tampuhan pa silang dalawa ni Kruise.
"Makakaasa po kayo, Tito. Linggo ng hapon ay narito na po kami." Tugon ni Olzen.
"Make sure to come back safely. Saan ulit kayo tutuloy?" Tanong ni Mama.
"Sa One Vittoria Hotel, tita. I'll take care both of them po." Tipid na ngumiti si Olzen.
"Tumawag ka sa amin anak pagkarating niyo ro'n. Keep us updated so we won't worry." Papa said before finally let us go.
Kruise was very excited while we're on our way. Para bang wala silang problema ni James. Ako ang nasa tabi ng driver's seat habang mag-isa si Kruise sa likod.
I'm also excited because this is the first I will be travelling with them alone... and also the last time.
Gusto kong makaramdam ng lungkot pero ayokong sirain ang saya sa puso ko. I don't want to think of anything other than this. I want to be happy before I leave. Nasisiguro kong pag-alis ko'y babalutin ng sobra sobrang sakit ang puso ko.
Kung hindi man kami tulog ni Kruise ay inuubos naman namin ang mga junkfoods at softdrinks na binili namin. We would listen to songs and sing along with it. Napapailing na lamang si Olzen sa ginagawa namin ng kapatid niya.
"Tired?" Sinulyapan ako ni Olzen nang makitang tahimik ako.
Ngumiti ako at nilingon si Kruise na natutulog na naman. Maggagabi na at nasa daan pa rin kami. We should be at Vigan by 10 PM and it's still 6 in the evening. Hindi ko alam kung nasaan na kami, hindi ko naman tinatanong si Olzen.
"Diretso pahinga tayo kapag nasa hotel na. I'm tired," ngumuso ako.
Humalakhak si Olzen at hinanap ang kamay ko. Binitawan niya ang gearshift at inabot ang kamay na nakapatong sa aking hita. Pinisil niya ito.
"We should stop by somewhere to have dinner." He said softly.
Tumango ako at pumikit na lamang. Palipat lipat ang kamay niya sa gearshift at sa kamay ko. Hinayaan ko siya dahil gusto ko rin namang hinahawakan niya ako. Nakatulog ako saglit pero ginising niya kami para mag-dinner. Alas otso na no'n. I messaged my mother about our whereabouts.
It was past ten when we reached the hotel. Kaagad nila kaming inasikaso sa front desk at ang ibang attendant ay handa na para dalhin ang mga gamit namin. Olzen paid using his card. I want to pay my part too but he didn't let me. Hindi na ako nakipagtalo dahil pagod ako at inaantok na.
Kabaliktaran ko si Kruise na nabawi yata ang lakas mula sa pagkakatulog buong oras. She's very hyper while taking photos and even encouraging me to join her. Dalawang superior room ang kinuha namin. Dalawa kami ni Kruise sa isang kwarto habang sa isa'y kay Olzen.
Hinatid ang mga gamit sa kwarto namin. Kaunti lang naman ang dala namin pero gusto ng staff na sila na. They're friendly and accommodating while leading us to our rooms. Magkatabi ang kwarto na kinuha ni Olzen.
He came to check us after he settled down in his room. Nakahiga ako sa king size bed na kama habang hindi mapakali si Kruise sa kakalibot sa buong kwarto.
"Where's Era?" Narinig ko ang boses ni Olzen pero hindi ako dumilat.
I want to rest already. I felt the other side of the bed shrink. I opened my sleepy eyes and found Olzen staring at me. His lips protruded when our eyes met.
"You want to rest so bad?" He asked gently.
I nodded weakly. Niyakap ko ang malambot na unan at pumikit. Naririnig ko ang boses ni Kruise pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. She's probably checking the stuffs. I can do that tomorrow, for now I really want to sleep. I didn't sleep much last night because I was over thinking again.
I heard him chuckle. I felt the quilt covering me. Dumilat ako pero hinila rin ng antok.
"I'll check on you two tomorrow." He whispered.
Narinig ko ang yapak niya papalayo at ang pag-saway niya kay Kruise dahil sa ingay nito. Nakatulog ako ng payapa sa gabing iyon. Kinabukasan ay mas naaga akong nagising. Tulog pa si Kruise, siguro'y napagod din kagabi.
The suite bathroom has a separate shower room. Malawak ito at gawa sa marmol kahit ang sink. Things look expensive. There are even hairdryers, some extra toiletries and slippers for us to use. Alas singko pa lamang kaya hindi pa ako naligo. Nilibot ko lamang ang buong kwarto.
The whole room is elegantly furnished, no wonder it's a bit expensive. It's air-conditioned too and the whole suite are complete with facilities like flat-screen TV, wardrobe, in-room safe and it also has its own dining table. Nagpa-init ako ng tubig sa electric kettle. May fridge at minibar din sa loob ng kwarto!
I went out of our room to check on Olzen. Gising na si Kruise at sinabihan kong mauna nang maligo. Natagalan sa pagbukas si Olzen at nang humarap sa akin ay bagong gising siya.
Ngumuso ako dahil wala siyang damit. Isang itim na short lamang ang suot. Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa katawan niya. Pinasadahan niya ng daliri ang buhok at inaantok na tumingin sa akin.
"I'm sorry for waking you up but we need to get ready. Kapag mas maaga tayo'y mas marami tayong mabibisita." I smiled.
He scratched his eyebrow and frowned at me. I couldn't help but smile wider. He's grumpy in the morning, huh?
"Maliligo na ako. Maghihintay ka ba?" Tanong niya at tumayo ng tuwid.
"I'll go back to our room." I said.
"Mabuti pa nga. Baka ikulong pa kita dito sa kwarto ko..." he muttered.
I can't help my chuckle. Masama siyang tumingin sa akin at seryoso talaga siya. I can't take him seriously though. I find him cute in the morning!
"I'm damn serious, Era. Go back to your room." He warned.
"Fine!"
Natatawa akong bumalik sa kwarto namin ni Kruise. Nasa banyo pa rin siya nang nakabalik ako. Pumili ako ng damit na susuotin. Nag-text din ako kay Papa. We only have today to visit tourist spots here in Vigan. I've been here before but that was years ago and I wonder if somethings changed.
Pagkatapos maligo ni Kruise ay agad akong sumunod. I blow dried my hair. Isang puting long sleeve top at kulay berde na high waist cargo shorts ang sinuot ko. Kruise is wearing a tweed skirt and a black mesh top, her tube is visible inside.
"Let's take a selfie! Mag-i-story ako sa IG!" Halos tumalon siya sa tuwa.
I laughed and we took selfies together. Nang kumatok si Olzen ay 'tsaka lamang ako tuluyang nag-ayos. Hinayaan kong nakalugay ang buhok pero nagdala pa rin ako ng pantali. Nagsu-suot ako ng boots nang pumasok si Olzen. Ang pabango niya'y kumalat sa aming kwarto. Tumayo ako at hinarap siya.
Olzen hovered his gaze on my body. Ngumuso siya at saglit na nagsalubong ang kilay. I smiled but he just raised his brows on me.
He's wearing a simple white t-shirt and black trousers habang kami ni Kruise ay parang pupunta sa isang fashion show. Well, maybe I exaggerated that a bit.
Pinagkasya ko ang wallet, cellphone, lip tint, panyo, salamin at power bank sa loob ng aking sling bag.
"Let's go have our breakfast. I already have our itinerary for today." He said and came closer to me.
Habang papalabas kami ng kwarto ay humawak siya sa aking baywang. Nilingon ko siya at bahagyang tumingala dahil sa tangkad niya. Kahit may kaunting heels itong boots ko ay kailangan ko pa ring tumingala para makasalubong ang mga mata niya.
"Stop looking at me like that, gorgeous." He uttered and kissed my temple.
Kinagat ko ang labi at umiwas ng tingin. I want to enjoy this day to the fullest. I don't want to think any negative thoughts for today.
Pagkatapos naming kumain sa hotel ay naghanda na kami agad sa pag-alis. The staffs asked us if we want to take the free shuttle service but we declined since we have our own service.
"Sa Calle Crisologo muna tayo, Kuya." Kruise beamed excitedly.
Nilingon siya ni Olzen habang nagmamaneho. Tumaas bahagya ang kilay niya sa kapatid.
"You look fine to me. Ayos na ba kayo ni James? Nag-text siya kanina sa akin. Hindi ka raw nagrereply." Ani Olzen.
Natahimik si Kruise at sumimangot. Ngumuso ako sa kaniya.
"Tss. Hayaan mo na nga 'yon! Nakakairita, hindi ko alam kung coincidence ba talaga na kagrupo niya iyong babaeng 'yon o ano." Singhal niya at tumingin sa labas.
I folded my lips. She's pertaining to one of James' classmates na pinagseselosan niya. At ngayon ay kagrupo ni James ang babae, dahilan din kung bakit hindi siya nakasama sa amin.
"Kruise, I'm a guy so I'd know if James is messing around. Nakikita ko naman na seryoso 'yong tao at hindi niya gusto iyong babae. If I knew that he's playing around, I won't think twice and punch his face hard." Malumanay na sinabi ni Olzen.
Ngumisi ako kaya nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Ewan ko. Gusto ko munang magpalamig, ilang araw na naming pinagtatalunan iyan!" Suminghap si Kruise.
Umiling ako kay Olzen para tigilan niya muna si Kruise. Umigting lang ang kaniyang panga at hinayaan ang kapatid.
Our first spot is Calle Crisologo. We couldn't stop taking pictures while walking through the streets. The preserved homes dating back during the Spanish Colonial period is just so worth the shots. Ayon sa pag-aaral ay tanging mayayaman lang ang naninirahan sa lugar na ito noon.
Sa Olzen ang kumukuha ng picture namin ni Kruise. Kapag si Olzen naman ang kasama ko ay si Kruise ang kumukuha ng litrato. Bumili rin kami ng mga produkto sa mga shops na nakapaligid sa lugar.
"Kuya, ngumiti ka naman!" Sigaw ni Kruise habang kinukuhanan kami ng picture.
Tumawa ako at sinulyapan si Olzen na naka-kuyom ang panga at iritado sa kapatid. Kanina pa niya kasi kami kinukuhanan at ayaw na ni Olzen.
Iniyakap ko ang aking kamay sa kaniyang baywang. Naka-akbay siya sa akin. Dinungaw niya ako at dinilaan ang labi. Ngumisi ako sa kaniya.
"Tss. If only I can kiss you here..." he whispered.
I chuckled and glanced at the camera. Pinilit ko siyang ngumiti na ginawa naman niya. Halos tatlong oras ang itinagal namin doon. Nakakahawa ang sobrang pagka-hyper ni Kruise. Palagi niya akong hinihila kaya naiiwan namin ang Kuya niya.
Our next stop is Syquia Mansion. We need to pay a fee before entering the mansion. This mansion is dubbed as the Malacañang of the North.
"Naging tahanan ito ni Elpidio Quirino, noon. It also served as a venue for government meetings." Pahayag ko habang paakyat na kami sa ikalawang palapag.
"Wow, bagay mo maging tour guide." Tukso ni Kruise.
Tumawa ako at umiling. The History of the Philippines are worth reading for me, although I may not agree to some of the events that took place before, I still want to trace the roots of how this beautiful land evolved through the years.
We took a picture with the Ming Dynasty vase. Namamangha ako habang sinisiyasat ang disenyo ng plorerang pinaniniwalaan na binigay ng emperor ng China sa pamilya ni Elpidio Quirino. Binisita din namin ang mga lihim na pasilyo na ginagamit nila noon. These secret hallways are called Alipin sa Giligid.
Everything is vintage and well preserved that it feels like I am still living back to the old times. Pinapakita rin ng mansyon ang marangyang pamumuhay noon.
"Gusto ko ulit bumalik dito," wala sa sariling mungkahi ko habang palabas na kami ng mansyon.
"Hmmm. Siguro sa susunod na bakasyon natin?" Ngumiti si Olzen.
Halos tumigil ako sa paglalakad sa sinabi niya. Sinulyapan niya ako dahil sa bahagya kong pagkakatigil.
I felt the pain in my chest but I tried to cover it with a big smile.
"Sure." I replied and catch up with him.
Humugot ako ng malalim na hininga at pilit kinalimutan ang mga bagay na pilit din akong binabagabag.
Bago kami tumulak sa susunod na destinasyon ay kumain muna kami. The local dishes we're very delectable! We tried their royal bibingka and those that are famous in the place. Sunod na pinuntahan namin ang Padre Burgos House pero dahil wala kaming appointment ay hindi kami nakapasok. Appointments are needed during weekends and we didn't know.
Tumulak kami papuntang Bantay Church Bell Tower. This might be one of Ilocos' oldest structure but the beauty of it never gets old. Tumingala ako hanggang sa tuktok ng gusali. Bago kami pumasok ay nagsulat muna kami sa guest book nila.
Kruise never get tired of taking pictures. Habang abala kami ni Olzen sa pagtingin sa lugar ay hindi siya mapakali sa pagkuha ng mga litrato. Madalas ay sisigawan niya kami para mag-pose at sa gulat ay hindi kami nakakapaghanda ng husto.
"I'm sorry, she's really like that everytime we travel." Umiling si Olzen sa akin.
Tumawa ako at pinanood si Kruise na bitbit ang DSLR niya at nililibot ang lugar. Habang pinapanood siya ay hindi ko mapigilang maluha. Agad akong pumikit para pigilan ang pagtulo nito.
I'm going to miss her so bad. I'll miss how loud she is. I am going to miss the way she teases me, the way she would hug me everytime we see each other kahit pa nagkita naman kami sa mga nakaraang araw. I'll miss talking to her with our silly topics. I am going to miss everything about her.
Suminghap ako at nilapitan siya. Nanatili si Olzen sa kinatatayuan niya. I pulled out my phone and called for Kruise. Tumigil siya sa ginagawa at nilingon ako.
"I'll take a picture." I said.
Kaagad siyang ngumisi at kung anu-anong pose ang ginawa niya.
"Make sure I look beautiful in those pictures!" She shouted while posing sexily.
I laughed and shook my head. My heart is breaking.
Nilingon ko si Olzen na pinapanood kami. Ngumuso siya sa akin, gustong mangiti.
"Samahan mo si Kruise, bilis na!" Utos ko.
"Huwag na. She already looks crazy." Umiling siya.
"Dali na. Gusto ko kayong kuhanan ng litrato." Pamimilit ko.
"Arte ni Kuya. Sige na!" Tukso ni Kruise sa kapatid.
Umirap siya sa amin kaya tumawa kaming dalawa ni Kruise. Lumapit si Olzen sa kapatid at inakbayan ito.
"Aray! Sasakalin mo yata ako e." Natatawang reklamo ni Kruise.
Ngumiti ako at sinimulan silang kuhanan ng litrato. Nakalimang pose sila sa kagustuhan ni Kruise. After the picture taking, we went to the belfry.
Halos tangayin ng hangin ang aking hininga nang nasa taas na ng kampanaryo kami. Kitang kita rito ang mga bayan ng Bantay at Vigan. Magkahawak kamay kami ni Olzen habang nalulugod na pinagmamasdan ang tanawin.
"Alam niyo ba, dito raw madalas mag-date noon sina Diego at Gabriela Silang! I don't know if it's true though." Tumawa si Kruise.
Tumawa rin ako. Bumuntong hininga ako at gamit ang isang kamay ay humawak ako sa braso ni Olzen. Sumandal ako ro'n at pumikit, ninanamnam ang kapayapaan at kasiyahan sa aking puso.
"I'll just take pictures on the other side." Pahayag ni Kruise.
Hindi ako nagmulat at nanatiling tahimik. I'm silently praying that this day won't end.
"This place must be really special... and magical too. Kung totoo man iyon, ang lugar na ito ay saksi sa pagmamahalan ng dalawang magigiting na tao." Bulong ko.