Chapter 47
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatayo sa gilid ng sasakyan ni Meana. My mind is still hay wired. Hindi matanggal sa akin lahat ng sinabi ni Zaira.
Huminga ako ng malalim dahil sa paninikip ng dibdib ko. I don't want to doubt Olzen. May tiwala ako sa kaniya. At magtitiwala ako sa kaniya kahit parang sinusubok ang tatag at tiwala ko ng mga salita ni Zaira.
Suminghap ako nang biglang tumunog ang cellphone sa aking kamay. It was Meana. Kaagad ko 'yong sinagot at tiningala ang matayog na gusali sa harap ko.
"Saan ka? Ms. Shin told me you're outside pero wala ka naman. Tapos na ako." Bungad niya.
I bit my lip and puffed a breath. "Nasa baba ako, sa may parking. I'll wait you here."
Ilang minuto lang ay nasa harapan ko na siya. Kumunot ang noo niya nang mapagmasdan ako. Hindi ko alam kung anong itsura ko, I probably look upset but I tried hard to act normal in front of her.
"Are you alright? Ba't bigla kang umalis?"
Tipid akong ngumiti. "Sumama lang bigla ang pakiramdam ko. Aalis na ba tayo?"
Kumunot ang kaniyang noo, tinatantya ang reaksyon ko. Ngumuso ako at pinilit ang sariling ngumiti pa lalo. She pursed her lips and then her eyes turned to slits.
"Iyong totoo, Era? You don't look alright to me." Umiling siya.
Bumagsak ang gilid ng labi ko. Kinagat ko ang aking labi at pinirmi ito. Hindi niya alam na kilala ko si Zaira.
"Can we get out of here first?" I swallowed hard.
She stared at me for a second before she nodded and went to the driver's seat. Tahimik ang naging biyahe namin. Hindi na niya ako tinanong ulit. Hindi ko alam kung anong gagawin. Gusto kong kausapin si Olzen pero ayokong sa cellphone lang.
I need answers. I'm thirsty for answers. Ayoko siyang pagdudahan. Hindi ko siya pagdududahan dahil lang sa narinig ko. Kahit na ang sakit sa dibdib ng mga sinabi niya, ayokong mabuwag ang tiwala ko dahil lang do'n.
"Era, what is it? Anong problema?" Meana tried again when we're already home.
This time, I smiled genuinely at her. Seryoso ang tingin niya sa akin na may halong pag-aalala.
"I will try to solve it on my own." Tumango ako.
Huminga siya ng malalim. Hinaplos niya ang balikat ko at ngumiti. Tumango siya kalaunan. Alam kong hindi siya mamimilit dahil gano'n siya. She'd let me deal with alone if that's what I want.
"But please... know that I'm just here." She assured.
Itinulog ko ang bigat sa aking dibdib. Hapon na nang magising ako at nakita kong may missed call do'n si Olzen. Kaninang alas dos pa 'yon, alas singko na. There were also messages from him.
Olzen:
Did you have lunch?
Olzen:
Nasa Pasay pa rin ba kayo? I'm in the office now. Can I call?
Olzen:
Baby, are you busy?
Olzen:
Alright, I'll call later then. Babalik lang ako sa site. I love you.
Gumaan kahit papaano ang nararamdaman ko dahil do'n. Magtitiis muna akong hindi magtanong kahit uhaw na uhaw na akong masagot ang mga tanong ko. I know Oliver Blazen. He won't do that to me right?
Ako:
I'm sorry, nakatulog ako. Kanina pa kami naka-uwi. Call me later if you're done with work.
![](https://img.wattpad.com/cover/208857043-288-k279800.jpg)