Chapter 44
“Masama pa rin ba ang pakiramdam?”
Tumango ang kasambahay sa akin. I smiled a little and thanked her before she left. Nilingon ko si Chester sa may living room na abala sa kaniyang laptop.
Pinahatid ko na ang dinner ni Meana dahil ayaw niyang lumabas ng kwarto. Pagod raw ito at masama ang pakiramdam. Iyon ang sinabi niya sa akin nang kinausap ko siya. Lumapit ako kay Chester kaya nag-angat siya ng tingin.
“Should I check her again? Samahan mo ako,” I said.
He sighed heavily and pursed his lips.
“We should just… let her rest. Baka nga pagod o ano,” aniya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. I planned on jogging since I can’t go back to sleep. It’s still quarter to six when I went out of the house. Nagpaalam ako muli sa isang kasambahay. Medyo nakalayo na ako sa bahay nang maalala kong hindi ko dinala ang cellphone ko. I shrugged it off and continued running.
Pag-ikot ko sa may covered court ay namataan ko si Chester na tumatakbo rin. Pareho kami nagulat dahil magkakasalubong kami. He stopped running and took off his earphone.
“Anong oras ka nagising?” I asked.
Naka-jacket siya at shorts ‘tsaka sneakers. Pawisan siya, mukhang mas nauna pa siya kaysa sa akin.
“Quarter to five. I have a lot in mind, I needed a run.” He said.
“Care to tell me about it?” I smiled.
He tilted his head and shrugged. Sinenyasan niya akong magpatuloy kami sa pagtakbo. Umikot kami papunta sa direksyon na sana’y tatahakin ko. We were both running in an average speed.
“I’ve been here for just three weeks and I’m missing the snow already.” He said, panting.
I chuckled. Ako nga, lagpas tatlong buwan na. Hindi naman nagtatanong sina Mama kung kailan ako uuwi. They’re letting me decide on my own.
“Ako rin naman.”
Sinulyapan niya ako, tuloy pa rin kami sa pagtakbo.
“So… you’ll permanently stay here, then?” He asked.
Kaagad akong umiling dahil hindi naman talaga. Babalik pa rin ako ng Canada. Hindi pa namin napag-uusapan ni Olzen ang bagay na ‘yon. I would definitely talk to him about it. I need to go back since my parents are there.
“I will go back but not now. I need to talk to my parents too.”
“Magsasabay pa ba tayo?” Nag-aalangan na tanong niya.
Nilingon ko siya, bumagal ang takbo ko kaya gano’n din siya.
“I might stay here for more months…” I pursed my lips.
Tumango siya at huminga ng malalim. “Then, I might go back first.”
Tuloy tuloy kami sa pagtakbo. Naka-apat na ikot kami sa buong subdivision. Tagatak ang pawis ko at basang basa ang sando na suot ko. Nag-aasaran pa kami ni Chester tungkol sa mga bagay na nakagawian namin sa Canada no’n.
“Remember that one time you got drunk in a bar? You made a mess in my car!” He shook his head.
Sinimangutan ko siya at mahinang hinampas. It was really an embarrassing moment. We attended a friend’s birthday. Pagkatapos ng formal dinner ay dumiretso kami sa bar. I have been to a bar in Canada for a few times. Palagi kong kasama si Chester. I have learned to adapt to that kind of life because of the circle of friends I mingled with.
