Chapter 17
Ilang minuto kaming nanatili sa gano'ng posisyon. Tahimik at tanging paghinga lamang ang naririnig.
Slowly, he pulled away and stared at me. Hindi ako makatingin ng diretso kaya naman ay sa dibdib niya ako tumitig. I heard him breath deeply.
"Where's my necklace?" He asked calmly.
Kinagat ko ang labi at ngumuso. Hindi malaman kung paano sasagutin ang tanong niya. Tumikhim ako nang maramdaman ang pagdiin ng kamay niya sa aking baywang. Nag-angat ako ng tingin at nahagip ang pagtataas niya ng kilay sa akin pero may ngisi sa labi. Umirap ako.
"I got angry..." I trailed off just to save my face.
He licked his lips and threw his head back, looking so pleased. Umirap ako at kinunotan siya ng noo.
"I want it back. And don't you ever take it off again." He said.
Hindi ko siya sinagot at bahagya siyang itinulak dahil halos dumagan na siya sa akin, hindi nakakatulong na nakaheels pa ako. Umayos siya sa pagkakatayo pero hindi tinanggal ang yakap sa baywang ko.
"I'm sorry if I punched Mike." He said softly.
"Ang bilis mong magselos at magalit! Hindi 'yon maganda." Mariin kong sinabi.
"Then do something to calm me down." He said seriously.
Tinitigan ko siya. He stared back at me deeply.
"Tss." Umirap ako.
Wala akong nagawa nang muli siyang sumiksik sa leeg ko. Mahina kong hinampas ang balikat niya. Humawak ako muli sa kaniyang baywang.
"Ano ba, Olzen! Hindi ako makahinga!" I said.
He breathed on my neck and loosen his embrace but still, he's hugging me tight. Contradicting but that's how is it.
"Please, don't drop me off like that again. I'd feel bloody shit inside if you do it again." Aniya.
Suminghap ako at kinagat ang labi. Hinaplos ng sakit ang aking puso. The pain in his voice made me guilty.
"I'm sorry..." mahina kong sinabi.
"It scares me every damn time, Era. But I will understand, because I don't want to lose you. Maghihintay ako at mas iintindihin ko pa. I'm not giving up anytime soon." Marahan niyang sinabi.
Pakiramdam ko punong puno ang puso ko sa sinabi niya. Dumiin ang yakap niya sa akin bago ako pinakawalan.
Kaya naman nang biglang bumukas ang pintuan ay hindi kami agad nakagalaw. Hindi ko pa naitutulak palayo si Olzen nang sumungaw na si Zaira sa pintuan.
My eyes widened a bit when I saw her. My sudden panic turned into embarrassment especially when I saw how shocked she was when she saw us. Hindi man lang gumawa ng aksyon si Olzen para tanggalin ang kamay niya sa aking baywang. Napatuwid ako ng tayo at bahagya siyang itinulak.
"I'm sorry! S-sorry..." hinging paumanhin ni Zaira bago muling isinara ang pintuan.
I puffed a breath before I glared at Olzen. Hindi naman ako natatakot na baka may makakita sa aming dalawa pero hindi kaaya-aya ang sitwasyon namin ngayon. Paano na lang kung guro ang nakakita no'n? And what would they think especially that we're in a close room like this? Goodness!
"I want us to talk more but not here. Come on, let's go home." Olzen said and held my hand.
Huminga ako ng malalim at hinayaan siyang hilain ako ng marahan. I feel drained but my heart is so full. Pagkalabas namin ay medyo madilim na at wala na rin do'n si Zaira. Marahang dumantay ang kamay ni Olzen sa likod ko habang naglalakad kami.