Chapter 18

7.2K 279 31
                                    

Chapter 18

"I'll see you later." Paalam ni Olzen nang nasa harap na kami ng room ko.

Tumango ako at pumasok na sa loob. Kaunti pa lamang ang naro'n at batid ko ang pagkamangha sa mga mukha nila. Hindi ko na iyon pinansin at dumiretso sa upuan ko. We will be having our seating arrangement today but also, it will be different in every subject as per the instructors decision.

Abala sa pagbabasa ng aking libro, nag-angat ako ng tingin nang mapansin ang pagtayo ng kung sino sa aking gilid. Bahagya akong nagulat nang makitang si Zaira 'yon. Wala siya kaninang pagdating ko at hindi ko napansin ang pagpasok niya.

"Era... I'm sorry about what happened last Friday," mababa ang boses niya at hindi makatingin sa akin.

Tumikhim ako, halos makalimutan na ang nangyari kung hindi lang napaalala. Still, I'm a bit embarrassed of what happened but it doesn't really matter to me.

"Uhm- hinahanap ko kasi si Sir Javin, akala ko nasa MAPEH room siya kasi wala siya sa Faculty nila. I looked for him around the gym and I didn't know that you and Blazen were at the MAPEH room kaya naman nabuksan ko nang hindi kumakatok..."

Saglit akong natigilan. Kilala niya pala si Olzen? Oh... well, it's not surprising. And oh... Blazen? That's new.

Nang tingnan niya ako sa mga mata ay 'tsaka lamang ako matipid na ngumiti. Hindi ko alam kung magpapaliwanag ba ako o ano para lamang mabawasan ang hindi pagkakaintindihan, kung mayro'n man. I don't really care of what will be her opinion about it but at least, I don't want her to think of the worst.

"Pasensya na rin. May kailangan lang kaming pag-usapan ni Olzen." I said calmly.

Mabilis siyang ngumiti, tila nabawasan ang maraming inaalala. I smiled more to assure it's really fine.

"Don't worry, I won't tell anyone about it. Again, I'm really sorry." She made sure.

Napakurap ako sa una niyang sinabi. Hindi sumagi sa isip ko na maari niyang ipagsabi ang nasaksihan. There's nothing big there actually but now that it came from her, it bothered me a bit. Kalaunan ay tumango na lamang ako at hindi na pinansin. Ngumiti siyang muli bago bumalik sa kaniyang upuan.

"Hey."

Naramdaman ko ang pagdapo ng kamay ni Olzen sa aking likuran. Nilingon ko siya. Ngumisi siya sa akin. Kararating niya lang at ngayo'y nakatagilid ng upo, paharap sa akin.

Nahigit ko ang hininga sa kung paanong bumagay talaga ng husto sa kaniyang ang istilo ng kaniyang buhok. Saglit ko siyang pinagmasdan.

"I'll order for us. Anong gusto mo?" Ngumuso siya at nilapag ang bag sa tabi ng akin.

"Hintayin natin si Kruise. Malapit na raw matapos ang klase niya."

"Alright. What's that?" He queried and glanced at what I'm reading.

"Laws and Obligations." I replied.

Isang beses niyang hinagod ang aking likuran bago tinanggal ang kamay. Nagtaasan ang balahibo ko sa ginawa niya. Kagat ang labi'y umirap ako at pinigilan ang pagnguso.

I can't get myself to believe that I am this comfortable with him now. Ever since the picnic 'date' we had last Saturday... I can say that we have gotten more close. Closer than before.

Habang lumilipas ang oras ay nadadagdagan ang mga estudyante sa canteen. Tapos na ang break ng High School kanina kaya naman ay mga college na lamang ang mga narito. Hindi lingid sa akin ang mga matang pasulyap sulyap sa amin ni Olzen. Kung hindi man nagtataka ay namamangha naman.

He's busy with his notebook and when I tried to peek, halos mahilo ako sa mga measurements at formulas na nakita ko. I smiled inwardly when I noticed the seriousness in him. Paminsan minsan ay nagsasalubong ang kilay niya. Guguluhin ang buhok kapag may hindi naintindihan at didilaan ang pang-ibabang labi kapag alam na.

I just stopped observing him when I saw Kruise walking towards the canteen's entrance. Kaagad niya akong nakita at nang mapansin kung sinong nasa tabi ko'y umangat ang gilid ng kaniyang mga labi.

I never mentioned to her that I'm again in good terms with her brother but I guess Olzen already told her because she called me last Sunday asking if it was true.

"Mukha kayong mag-jowa," bungad niya sa amin.

Nag-angat ng tingin si Olzen sa kapatid. Kumunot ang noo niya bago bumaling sa akin. Umirap ako nang ngumisi siya.

"Tumahimik ka, Kruise." Malamig kong sinabi.

Tumawa siya at umupo sa harap namin.

"Ako na ang mag-oorder. What do you want?" Tunog malambing ang boses ni Olzen.

It made my stomach curl and my heart pound. I inhaled sharply and told him what I want. Nang makaalis si Olzen ay halos mapunit ang mga labi ni Kruise sa lawak ng ngiti.

"Ano bang mayro'n talaga sa inyo ha? Ano? Love quarrel lang 'yon at okay na kayo ulit?"

Tumikhim ako at inabala ang sarili sa libro pero hindi rin magawang magpokus dahil sa panunukso ni Kruise.

"Kayo na? Hindi ka na nagkukwento sa akin!" She pouted.

"Hindi."

Umangat ang kilay niya. "Then what? Alam mo bang ipinagyayabang niya kay Lolo 'yong picnic date niyo!"

My lips parted at her remarks. She burst out laughing and shaking her head, remembering something. Olzen, did that? Imbes na maasar ay halos matawa rin ako.

"He... what?"

"Nag-picnic date raw kayo! He's so proud while sharing it to Lolo! Kung narito lang si Kuya Tyrell, malaking kantyaw ang aabutin niya!" She continued laughing.

I chuckled and threw my head back. He's unbelievable!

"He's just officially courting me... that's it." Pahayag ko para matigil na siya sa katatanong.

Natigilan siya at bahagyang nanlaki ang mga mata. Ngumuso ako.

"Officially courting, you mean..."

"Nagpaalam na rin siya kay Papa. Iyon lang ang mayro'n kami. Now shut up." I glared at her.

Slowly, her lips stretched for a genuine smile. She shrugged and picked up her phone.

"He must be so happy." I heard her whisper.

Bago pa ako makapagsalita ay dumating na si Olzen. Panay ang ngisi ni Kruise kaya naman nanatiling kunot ang noo ng Kuya niya hanggang matapos kami sa pagkain. Naunang umalis si Kruise habang kami ni Olzen ay nagtungo sa building kung nasaan ang susunod kong klase.

Olzen was carrying my two thick instructive books. We we're talking about Lolo Ben when we encountered Van Fortunato. Mag-isa siyang naglalakad at halata ang gulat nang makita si Olzen. Her face turned red and she stopped walking.

Halos tumigil ako sa paglalakad kung hindi lang tuloy tuloy si Olzen. Nabaling sa akin ang tingin ni Van at malinaw ang pagkabigla sa ekspresyon niya. I glanced at Olzen to see any reaction but he was oblivious to his surrounding. Kumibot ang aking labi nang malagpasan namin si Van. Hindi ko na tinanong si Olzen kung nakita niya ba ito o ano, what for?

Days passed by like that. Ihahatid ako ni Olzen sa mga klase ko kapag free siya. Sabay kaming kakain kapag pareho ang free time namin. Minsan ay kasabay namin si James at Kruise. At palagi niya akong hinahatid pauwi. Kung hindi ako ang maghihintay ay siya naman ang hihintayin kong matapos ang klase.

"Era, where are you heading?"

Pagkatapos ilagay ang notebook sa bag ay nilingon ko si Zaira na nakatayo sa tabi ko. Katatapos ng major namin at lunch na. Hindi makakasabay sa akin si Olzen dahil may klase siya ng hanggang alas dos.

"Sa canteen. Bakit?" I asked.

She smiled shyly. Naka-fish tail ang buhok niya. Mas lalong nadepina ang hugis ng kaniyang mukha.

"Can I join you?" She requested.

Tumango ako at ngumiti. She smiled more confidently this time. Habang papunta sa canteen ay pinag-uusapan namin 'yong isang major subject. Matalino si Zaira, isang dahilan kung bakit may mga nagkakagusto sa kaniya maliban sa panlabas na anyo.

Sabay kaming nag-order ng pagkain. Adobong manok ang akin habang chicken salad naman sa kaniya. After settling down, we started eating our food in silence.

"Hi Era."

Nilingon ko ang grupo ng mga Nursing student. Wala akong kilala sa kanila kaya nakakagulat na may nakakakilala sa akin. Nakangiti ang pinakamatangkad sa grupo. Malinis tingnan ang puting-puti na unipormeng suot nila kagaya ng kina Kruise.

I smiled a little to give back the greeting. They teased the tall guy for greeting me. Ngumisi ang lalaki at sinenyasan ang mga kasama na tumahimik.

"Enjoy your lunch." He said and dragged his group away from our table.

I pursed my lips and shrugged before continuing my lunch. Nag-angat ako ng tingin kay Zaira na nakatitig sa akin. Nang magkatinginan kami'y napakurap siya at ngumiti bago nag-iwas ng tingin. Muli sana akong magpapatuloy kung hindi lang naantala dahil sa pagdating ng babaeng hindi ko kilala.

"Hi... Era right?" Pauna niya.

Nagkatinginan kami ni Zaira. My forehead knotted at the girl. She's not familiar to me but I'm again surprised that she knows my name.

"Ah, yes." Simpleng sagot ko.

Matangkad siya at maikli ang buhok. Bumagsak ang tingin ko sa ID niya. Adel Tuliao. BSA - 4rth Year.

Nawala ang atensyon ko sa kaniyang ID nang nahihiya siyang tumawa. Tumikhim siya bago hinawi ang buhok.

"Pwede bang magtanong, kung okay lang?" Tinitigan niya ang mukha ko.

Ilang segundo bago ako tumango. She looks amazed or something. I don't know.

"Boyfriend mo ba si Oliver Rosales?" Diretsong tanong niya.

I stared at her for a moment, astounded of her frank question. Napansin ko ang gulat ring ekspresyon ni Zaira sa tanong. The girl in front of us doesn't look bothered nor timid while waiting for an answer.

Who is she? One of Olzen's admirer? Oh, I don't know. I took a deep breath and cleared my throat.

"Hindi." I replied with all honesty.

Lumiwanag ng husto ang kaniyang mukha. Hindi ko alam kung nagagalak ba o ano. Pumirmi ang labi ko nang ngumiti siya sa akin. Hindi ako ngumiti pabalik, hindi na pinansin kung mas matanda siya sa akin o kung hindi niya magugustuhan ang reaksyon ko.

"Oh, okay. Thank you." She said and walked away.

Kumibot ang labi ko. Had I told her that Olzen is not my boyfriend because he's still courting me, I wonder what would she say. But then, ayoko namang magmayabang. I feel a little uneasy knowing that a lot has a thing for him but knowing what's in between us gives me a feeling of security. At hindi naman ako galit sa mga nagkakagusto sa kaniya.

Nakakapagtakang tahimik si Zaira at hindi na nagtanong. Pero nga naman, hindi rin naman yata talaga siya madaldal. After lunch, sabay ulit kaming pumunta sa klase.

It's been three weeks since the start of the second semester and everything is starting to get hard. Nagsisimula na silang magbigay ng sunod-sunod na requirements. Aside from that, prelims is near too. Kaya naman palagi akong naghahanap ng paraan para makapag-advance reading sa tuwing wala akong ginagawa.

Hinihilot ko ang sentido habang kinakabisado ang susunod na paksa sa major namin. Nang may naglapag ng milk tea sa aking harap ay napa-angat ako ng tingin. Olzen's soulful eyes scanned me a bit before he smiled and bent forward to meet my eyes. Napakurap ako sa lapit ng mukha niya.

"You look tired. Binilhan kita ng paborito mong milk tea bago pumasok." Marahan niyang sinabi bago tumuwid ng tayo.

Tumikhim ako at ngumuso, sinusubukang ignorahin ang mabilis na pintig ng aking puso. Sinulyapan ko ang milk tea at kinuha ito. Hindi niya ako nasundo kaninang umaga dahil may kailangan silang gawin. Hindi naman problema iyon dahil nariyan si Papa kapag hindi niya ako nasusundo.

"Tapos niyo na 'yong proyekto niyo?" I asked and looked for the straw.

Hinila niya ang upuan sa harap ko at umupo ro'n. Hindi lingid sa akin ang mga sumusulyap sa mga kabilang lamesa. Nasa learning hall kami at maraming estudyante ro'n maliban sa amin.

"Uh-huh. Your next class is at 11, right?" Pumangalumbaba siya habang pinagmamasdan ako.

I couldn't look at him in the eyes. His stare makes my stomach curl. Kahinaan ko ang mga mata niya at sa tuwing tititigan niya ako ng ganito, na para bang sobrang nabibighani ay hindi ako makahinga ng husto.

"Oo. Ikaw? Hindi ka pa papasok? It's quarter to 10 already." I sipped on my drink.

"I want to be with you just for five minutes." Ngumiti siya.

Umirap ako para i-tanggi ang kagustuhang ngumiti sa sinabi niya. I waned my eyes at him and slanted my head.

"Sapat na bang ang limang minuto?" Nagtaas ako ng kilay.

He slanted his head too, following my move. He licked his lips and smirked wider at my query.

"No. Should I just skip my class and stare at you all day?" Ngumuso siya.

I rolled my eyes and he laughed at my reaction. Sumandal siya sa kaniyang upuan at mas lalong lumalim ang titig sa akin.

"Why are you always pretty, anyway? Stop being pretty so I won't do it." Aniya.

Kasabay ng pag-iinit ng mukha ay halos matawa ako. Mas lalong lumawak ang ngisi niya habang pinapanood ako. Oh, well... the things he does that makes my heart full.

"Hasang hasa na talaga 'yang dila mo 'no, Rosales?" I glared at him.

Umiling siya upang i-tanggi ang paratang pero mapanlaro ang ngiting naglalaro sa mga labi. He's in between being playful and serious.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now