Chapter 46
"Ano 'yan?"
I jumped on seat when I felt Meana on my left side. She crouched to see properly what is displayed on the screen of my laptop. Kinagat ko ang aking labi at sinubukang takpan ang screen pero hinawi niya ang kamay ko.
"You're looking for job opportunities here?" Kumunot ang noo niya nang sinulyapan ako.
I sighed and pulled the laptop from her. Hinawakan na niya ito para mas mabasa pa ng mabuti ang nakasulat do'n.
"Sort of," I answered honestly.
There's no point on denying it to her. Umupo siya sa tabi ko, mukhang namamangha pa rin sa nalaman. Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko ba ang ginagawa o ipagpaliban na lang muna.
"Wait... wait! You mean, dito ka na talaga magtatrabaho?" She sounds so interested.
"I'm still not decided yet, Meana. Nagtitingin lang naman, hindi pa sure kung dito na talaga."
"Anong hindi sure? Sure 'yan! Syempre, your boyfriend's work is here!" Umiling siya.
"Hindi ko pa nakaka-usap sina Mama ang tungkol dito. What if they don't agree? Maiiwan silang dalawa ro'n kapag dito na ako magtrabaho. Of course, I will have to live here if I choose to work here." I bit my lip.
She rolled her eyes at me. Kinuha niya ang laptop sa kamay ko at nagtingin-tingin sa ibang websites. May tinipa siya sa search bar pagkatapos ay pinakita niya sa akin.
"Era, you're old enough to decide on your own. Naiintindihan ko naman na nag-aalala ka para kina Tita but maybe it's time to plan for your own life or even family. Alam kong papayagan ka nina Tita. You can visit them pa rin naman, ah?"
She has a point though. Kaso nga lang, gusto ko pang maka-usap sina Mama ang tungkol dito. Siguro ay pag-uwi ko na lang sa Canada.
"Itong kompanya na 'to, maganda ang offer nila. I know someone who works there and she said it's satisfying. Maliit lang siya na kompanya pero maganda ang pa-sweldo at benefits nila para sa mga empleyado." Aniya habang tinuturo ang screen ng laptop.
I pouted and searched for the company's background. Iyon ang ginawa ko sa sumunod na mga oras.
It's been two weeks since Olzen and I came back from Batangas. Our days there we're bliss for me. Just us and the paradise that Verde Island is offering. We did a lot of things and took a lot of pictures. It was the best.
Ngayon ay abala na ulit si Olzen sa project nila sa Laguna. Kung hindi siya makaka-uwi ay tinatawagan niya ako. Madalas ay do'n na siya natutulog at kapag nakaka-uwi naman ay sa akin siya dumidiretso. We'd go to his condo but then I would go home at night. Meana said it's fine with her if I want to sleep in his condo, kaso nga lang, nahihiya rin ako kay Meana kaya umuuwi rin ako kapag gabi na.
Kagaya ngayon ay nagsabi si Olzen na uuwi siya at babalik na lang ulit bukas. Tatlong beses lang siyang umuwi sa nakaraang dalawang linggo. Hindi rin naman ako nababagot sa bahay dahil madalas ay lumalabas din ako at minsan pa ay sinamahan ko si Meana na puntahan ang condo ng kliyente niya.
"Couz, boyfriend mo nasa labas." Ngumisi sa akin si Meana pagkapasok niya ng dining room.
Abala ako sa pagtotoast ng bread sa oven. My eyes widened a bit. Inilingan ko siya dahil sa kaniyang nanunuksong ngiti. Mabilis kong tinanggal ang apron at lumabas ng dining room.
Nadatnan ko si Olzen na naka-upo sa may garden. When he saw me, he stood up and smiled a little. He's wearing a simple designer shirt, dark jeans and brown shoes. He stretched out his arms, inviting me for a hug. I pursed my lips and went up to him.