Chapter 30
Nagsimula ang seremonya ng kasal at sa buong oras ay hindi na muling sumulyap sa akin si Olzen.
Iniisip ko na siguro ay guni-guni ko lamang iyon. Dala na rin siguro ng matinding kaba at sa dami ng iniisip. But why does it feel real?
Goodness, Elais Aurora! You think he can spot you right away in this hundreds of people? Stop your illusions!
Huminga ako ng malalim para itigil ang debate sa aking utak. Ibinabaling man sa ibang bagay ang atensyon, paminsan minsan ay bumabalik pa rin sa kaniya ang tingin ko. Nang napunta siya sa pwestong hindi ko na mahagilap ay tumigil na ako sa pagsulyap.
Nang matapos ang kasal ay sumunod ang picture taking. Ang ibang mga bisita ay nauna na sa reception. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko at pinagmamasdan ang mga pamilya sa harap. Ang pamilya ng bride at ng groom. Gusto kong lumapit pero inuunahan ako ng hiya at kaba.
I held a deep breath and stood up.
Bitbit ang regalo ay tinalikuan ko ang altar at naglakad palabas ng simbahan. Kung makakakuha ako ng tiyempo mamaya sa reception, kakamusthain ko si Lolo Benjamin.Maraming sasakyan sa labas ng simbahan. Pumikit ako ng mariin nang maalalang wala nga pala akong sasakyan papunta sa hotel kung nasaan ang reception. Nalimutan kong sabihin kay Meana! Hindi ko alam kung malayo ba iyon dito o ano.
Maybe I could take a taxi? Luminga linga ako. May kaunting distansya ang parking lot sa highway at kaunti lang ang sasakyan na nakikita ko. May mga jeep na dumadaan pero walang taxi, kung mayro’n man ay may laman.
Kinagat ko ang labi at sumulyap sa loob ng simbahan. Hindi pa sila tapos. At nakakahiyang lumapit kay Kuya Tyrell para lang makisakay! Kinagat ko ang labi at nagpasyang maghihintay na lamang ng taxi.
Hindi ako kaagad umalis sa kinatatayuan. I took my phone out of my purse to call my cousin. I’m hoping she’s done with her work and if not, I really need to look for a taxi. Nilagay ko sa taynga ang cellphone at nanatili ang titig sa highway.
Her cell is ringing but she’s not answering. I ended the call and dialed it once again.
Napapitlag ako nang may bumangga sa aking balikat, dahilan kung bakit nahulog ang cellphone ko. Mabilis kong pinulot ang cellphone, hindi naman ito basag kaya nakahinga ako ng maluwag. When I elevated my gaze, the first thing I saw is a sleek black leather shoes.
“I’m sorry,” hinging paumanhin nang nakabangga sa akin.
Tuluyan akong nag-angat ng tingin at tumayo, iniisip kung bakit parang pamilyar ang baritonong boses na iyon.
“It’s alright-“ natigilan ako.
Napakurap ako. My breathing hitched when my eyes met his menacing ones. Hindi ako kaagad nakagalaw sa gulat. Nangatog ang aking tuhod at parang nakikipagkarera sa bilis ng tibok ang aking puso.
“Oh.” He licked his lips.
I couldn’t respond. I felt cold beads of sweat forming on my forehead. I cannot stand the way he looks at me. It was a mixture of coldness and ire. Nothing more.
I caught my breath and I sniffed a familiar manly scent. He didn’t change his perfume?
Pinasadahan niya ng tingin ang aking katawan. Nagtagal saglit ang titig niya ro’n bago ibinalik sa mukha ko. Umiwas ako ng tingin at pumikit ng mariin.
Wake up, Era! Get to your senses if you don’t want to look like a fool in front of him!
Before, when I was imagining that I could see him again, I feel like I have hundreds of things to say to him. But now that he is right in front of me, able of reach, pakiramdam ko nalunok ko ang sariling dila at hindi na kayang magsalita!
