Chapter 24
We're migrating to Canada.
At first I couldn't understand... perhaps, believe what Mama told me. Or maybe, I don't want to believe it. I don't want to believe that I will be leaving everything behind.
"We're moving to Canada. Doon na tayo permanenteng maninirahan. Iyon ang inaayos namin ng Papa mo." Panimula ni Mama nang paupuin niya ako sa sofa.
Nagsalubong ang kilay ko. Sinulyapan ko ang mga dokumento sa lamesa. Ang iba ay kay Papa at mayro'n din sa akin. Hindi mapirmi ang mga daliri ko sa paggalaw. Nanginginig ako sa gulat at mangha.
"B-bakit?"
Kumunot ang noo ni Mama sa tanong ko. Bakit? Bakit kailangang doon kami manirahan kung pwede naman dito? Ayaw kong maniwala na totoo ang sinasabi ni Mama pero ano pa bang magagawa ko? Hindi naman kami nagbibiruan dito at bumabalik sa akin ngayon ang mga narinig kong pinagtatalunan nila ni Papa.
"Elais, matagal na naming plano ito ng Papa mo. We would go there, live there permanently at... doon din sana natin ipapagamot si Mama, ang Lola mo. That's why I'm working hard there because that's the plan from the beginning." She said without blinking.
Natulala ako sa mukha ni Mama. Umawang ang aking labi at bahagyang naging emosyonal dahil sa pag-alala kay Lola.
"Dapat ay sa susunod na taon pa pag-uwi ko pero narito na tayo. Mama's gone already and I'm here to get you and your father. I am already processing everything. I hope you understand, Elais." Mama sighed.
Napalunok ako. Naninikip ang aking dibdib at hindi ako makahinga sa dami ng iniisip. I'm even panicking because I don't know what to think first!
"H-how about school, Ma? Ang pag-aaral ko," umiling ako.
Tinitigan ako ni Mama at umupo sa aking tabi.
"I found a good school for you. Ipagpapatuloy mo ang pag-aaral mo ro'n at iyong dati mong kurso pa rin. This is what I've been earning for, Elais. Kami ng Papa mo..." hinaplos niya ang aking buhok.
Naluluha akong tumingin sa kaniya. Her words are not sinking in completely. I feel like everything is happening like a wind, violently blowing without a warning.
"K-kailan?"
"Maybe in two months or earlier. We need also to process your documents in school pero patuloy ka pa ring papasok. Your Papa is insisting that we should consider your decision too, kaya gusto kong intindihin mo, anak. This is for the best."
"B-best? How is this for the best, Mama? Halos isang buwan pa lamang pagkatapos mawala ni Lola! I... I can't..." marahas akong umiling.
Hindi ko alam kung ano ang hindi ko matanggap. Ang bilis naman yata ng dalawang buwan!
"Kung hindi ko pa nakita ito, hindi niyo sasabihin sa akin, Mama! Bakit naman ang bilis?"
Dumiin ang tingin sa akin ni Mama. Nanlalabo ang aking paningin. My heart is aching too. Everything is messed up! I am still not over of Lola's passing and this one blew me off again!
"Elais, we don't have any reason to stay here anymore. Naka-plano na ito noon pa man. Nakabili na ako ng bahay sa Canada at handa na ang lahat." Her forehead creased at my refusal.
We don't have any reason? But I have so many reasons to stay here.
I want to visit Lola everyday. This is where I grew up, my comfort zone. And where my heart... found someone special.
I palmed my face and cried. Mama sighed sharply before hugging me.
"Pasensya na kung nabigla ka anak... I didn't tell you earlier o noong unang nag-desisyon kami ng Papa mo dahil naisip ko na mas maiintindihan mo kapag mas malaki ka na. If your Lola is still here then she'll go there with us too."