Chapter 10
Hindi ako makakain ng maayos. Hindi ko alam kung para saan itong kaba ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil alam kong nasa harapan lang namin sina Olzen.
They were loud. I texted Kruise about it. This is a problem! Ang alam ni Olzen ay kasama ko ang kapatid niya. Na nasa bahay kami but now that he saw me, hindi ko na alam. I tried calling Kruise secretly, under the table, but she's not answering!
Nanlalamig ang kamay ko. Sumulyap ako sa table nina Olzen. Kausap niya si Bryle at nang sumulyap siya sa lamesa namin ay nasalo ko ang malamig na tingin niya. Suminghap ako at umiwas ng tingin. Gusto kong bilisan ang pagkain para mauna na ako pero hindi ko maubos ubos ang kinakain dahil tumatakbo ang isip ko kung anong irarason ko kapag bigla akong tinanong ni Olzen kung nasaan ang kapatid niya.
Pinilit kong tapusin ang pagkain ko. Diniretso ko ang malamig na inumin at huminga ng malalim. Tahimik naman sina Merlie at Kit sa pag-uusap tungkol kay Olzen sa hiya na baka marinig sila nito. Bumaling ako kay Gio na nakatingin din pala sa akin.
"Uhm, sorry, but I need to go. It's urgent," I said and looked at my watch.
It's 15 minutes before 4! Kruise, you are so doomed! She's not replying!
"Patapos na rin naman kami, Era. Emergency ba? Ano ba 'yon?" Usisa ni Gio.
Ngumiwi ako at bumuga ng hangin. It's rude to go first but I'm thinking of Kruise. God, kahit na naiinis ako dahil baka mapahamak pa ako sa Kuya niya ay ayoko namang mabuking sila.
"I'm sorry, I really need to go," I said and fixed my things.
"Alam mo, Era. Nakakatampo ka, parang ayaw mo kaming makasama. You're always distant." Ngumuso si Merlie.
Tinitigan ko siya. I don't have time to entertain their opinions, but I don't want to be rude.
"I'm sorry, urgent kasi, hindi ko na namalayan ang oras. Babawi ako next time." Bumaling ako kay Gio.
Tipid siyang ngumiti sa akin. Nag-offer siya na ihahatid ako sa labas pero tumanggi ako. Malas pa na bago ako makalabas ay madadaanan ko pa ang table nina Olzen. I made sure I didn't look at him again. My legs are wobbly as I walk past through them.
I was hopeful that I could pass through without any interrogation, but then as I expected, I got their attention.
"Era, where's Kruise?"
Biglang tumayo si Olzen at humarang sa daraanan ko. I literally froze for like, three seconds. Nagkatinginan kami. Nakadungaw siya sa akin. May bumati sa akin na mga kasamahan niya pero hindi ko sila pinansin. Malamig ang tingin sa akin ni Olzen. But then, I know very well how expressive his eyes is. His eyes looks cold but curious and expectant at the same time.
Umawang ang labi ko. I prepared for this a while ago but I think my mind suddenly went blank! Naninibago ako, hindi ko alam kung dahil ba hindi kami nag-usap ng dalawang linggo o dahil sa mga oras na 'yon, may sagot na ako sa mga tanong na bumabagabag sa akin.
"She's... she's..." I swallowed hard.
His eyes waned at me. Umigting pa lalo ang panga niya. Ikiniling niya ang ulo niya at biglang kinuha ang gym bag niya sa upuan. Tiningnan siya ng mga kasama niya.
"Nasa bahay niyo? Come on, sumabay ka na sa akin dahil susunduin ko na rin siya." He said and glanced at me again.
My eyes widened, but I immediately tried to act like nothing was wrong. Kruise, where the hell are you? And now I'm cussing, huh!
I gritted my teeth when he stood in front of me with his dominating stance. He looked at me with that challenging glimpse in his eyes. Na parang alam niya kung magsisinungaling ako o hindi. That he'd know if I'm making up stories to fool him. How could I lie then?!