Chapter 38

7.8K 252 42
                                    

Chapter 38

It was five in the afternoon when I was done taking a bath. I used the remaining time to fix myself. Isang ripped jeans at pastel buttoned blouse ang sinuot ko. I blow dried my hair too and fixed my bangs.

Patapos na ako sa paglalagay ng lipstick nang dumating si Linda. Nasa baba na raw si Olzen. I glanced at my wristwatch, it's a minute before six!

Mabilis kong inayos ang laman ng bag ko bago bumaba. Olzen was on his phone but he stopped when he saw me. Dalawang beses niya akong pinasadahan ng tingin bago tumayo.

Bagong ligo rin siya at ibang pares na ng damit ang suot ngayon. A white printed shirt and dark pants with his brown shoes.

"Let's go."

Nagpaalam ako kay Linda bago kami lumabas. Madilim na sa labas at medyo malamig. Tahimik akong iginiya ni Olzen papunta sa sasakyan niya.

He opened the door for the shotgun seat. I inhaled when I smelled his scent. He was standing beside the door, waiting for me to put on my seatbelt.

Nagkatinginan pa kami bago niya isinara ang pintuan. Huminga ako ng malalim at ibinaling na lamang sa labas ang atensyon nang pumasok na siya.

We were both silent. Well, it's not like we have something to say to each other. Nawala ang katahimikan na iyon nang tumunog ang cellphone niya. Nasa dashboard iyon kaya nakita ko agad kung sinong tumatawag.

Engr. Cordivilla

Hindi ko alam kung sino 'yon kaya hinayaan ko na lang. It might be Laurice... I don't know.

"Yes?" Medyo pormal ang tono ni Olzen.

Sinandal ko ang ulo habang pinapanood ang pag-iiba ng tanawin.

"I don't know when I will be back. You should check the budget plan."

Pumikit ako at huminga ng malalim. I don't want to eavesdrop but how can't I when he's just right beside me?

"I'm not interested."

Ngumuso ako at nanatiling nakapikit.

"Damn you, Cordivilla. Kapag gumiba 'yang project na 'yan dahil sa pinaggagawa mo..." he chuckled and muttered a cuss under his breath.

Kumunot ang noo ko at nagmulat. Nilingon ko siya at nakitang nakatingin siya sa akin pero iniwas din ang tingin. Kumuyom ang panga niya habang nakikinig sa sinasabi ng katawagan niya.

"You should inform your head first before accepting the delivery of materials. And stop bothering the architect, Third. Baka takbuhan ka niyan ng wala sa oras." Nanunuya ang tono niya.

Nang binaba niya ang tawag ay tumikhim siya. Nanatili ang tingin ko sa labas.

"Francis will be there too. Do you still remember him?" Tanong niya dahilan ng paglingon ko muli.

Tahimik akong tumango. I know his friends and I'm not forgetful, so...

Olzen parked the car on the side of the highway. Nasa kabilang bahagi ang Luna Streat, kaya kailangan pa naming tumawid. Medyo maraming tao ro'n. Kitang kita agad kasi nga open ito.

"Era," tawag ni Olzen nang makita niyang palinga linga ako sa paligid.

I glanced at him. Nakalahad ang kamay niya para igiya ako. I walked towards him and he held my elbow. Naglakad kami palapit sa mga lamesang nasa gilid, katabi ang mga stalls ng pagkain at inumin.

Nakita ko agad si Brylle at ang lalaking kasama niya. Nang matitigan ay nalaman kong si Francis iyon. Naka-upo sila sa pahabang lamesa. Medyo malaki iyon sa amin lalo't apat lang kami.

Untamed (LAPRODECA #1)Where stories live. Discover now