CHAPTER 11

430 53 25
                                    

Chapter Eleven


"Five more minutes..." I mumbled, my face is still attached to the softness of the pillow.

Someone taps my arms again which have finally awakened me from my deep slumber.

I slowly lift myself up and scratch my eyes lightly. When my sight becomes clear, mukha ni Benjamin ang sumalubong sa akin. Sarado ang kanyang mga labi ngunit may sinusupil na ngiti. He seems amused looking at me yet he looks impatient at the same time.

Agad na nanlaki ang aking mata at mabilis pa sa alas kuwatro na tinabunan ang sariling mukha ng kumot. Nakakahiya!

Kakagising ko lang, I probably look like a mess habang siya'y nakaligo na, ang magulong buhok ay medyo namamasa-masa pa.

Dali-dali akong bumaba ng kama habang tabon-tabon ang mukha ng kaliwang kamay. Lumapit ako sa may towel rack at kinuha dun ang nakasampay kong damit na kakalaba ko lang kagabi.

Walang ano-ano'y dumeretso ako sa banyo. Ngunit bago ako tuluyang nakapasok ay narinig ko pa ang sinabi ni Benjamin na talagang nagpatunaw sa akin mula sa kinatatayuan.

"Damn, your panty is showing."

Napakagat-labi na lang ako sa kapal ng hiya na unti-unting lumalamon sa akin. Ang marinig yun mula sa kanya ay mas lalong nagpanghina sa akin.

Pagkatapos kong maligo ay pasado alas-singko na ng umaga. Bakit ang aga naman yata naming aalis?

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakasandal sa paanan ng pinto si Benjamin, mukhang malapit-lapit nang maputulan ng pisi dahil sa tagal kong naligo sa banyo.

He's now wearing a black pants and a plain white hoodie, bagay na nakapagpanibago sa akin dahil karaniwan kong nakikitang suot niya ay mga pormal.

"We still have 3 hours to shop for your clothes. Come on."

Teka, akala ko ba dederetso na kami sa pakay namin dito?

"S-sasamahan mo ako?" Hindi ko napigilang itanong, ngunit katahimikan lamang ang isinagot niya.

"There's no need to accompany me Benjamin-I mean, Sir Ben."

Shit. Nakagat ko ulit ang labi dahil sa pagkakadulas. Talagang lumingon siya sa akin matapos marinig ang aking sinabi.

"I'm sorry po," hinging paumanhin ko.

His expression becomes blatant. He's perhaps offended of what I've mistakenly called him.

"No." Simpleng sagot niya na nagpatuliro sa akin.

Anong no?

"Po?"

"No, it's okay." Sabi niya at agad akong tinalikuran.

Thank goodness.

Sinundan ko siya hanggang sa makababa kami sa first floor ng building na ito.

I'm just behind him so I witness how most of the girls here look at him with so much admiration in their eyes. Some even stop whatever they are doing just to chase him through their eyes.

Mayroon pang grupo ng kababaihan na sinubukang hulihin ang kanyang atensiyon ngunit dere-deretso lamang siyang naglakad, na para bang walang naririnig.

He is a walking perfection indeed.

Pagkalabas namin ay binuksan agad ng driver ang magkabilang pintuan sa back seat ng sasakyan.

While we're on our way, napapansin kong sarado pa ang lahat ng establishments dito, well, usually 8:00 am naman talaga magbubukas. So saan kami nito bibili?

Oneirataxia: My Fictional ManWhere stories live. Discover now