CHAPTER 15

295 39 17
                                    

Chapter Fifteen


"Ma'am, you need to see this!" Nagmamadaling lumapit si Lanie at iniharap sa akin ang kanyang iPad.

Is CEO Benjamin Carson dating with Sub-President Diane Alquiza?

My eyes widen after reading the underlined and bold interrogative headline on a blog article being shown by my Secretary. Mas lalo pa akong nanlumo nang makita ang mga kuhang litrato sa amin ni Benjamin doon sa restaurant.

I scrolled down and took a perusal of the short article.


The CEO of CCREC, Benjamin Carson and the Sub-President, Diane Alquiza spark romance rumor after being spotted in a restaurant near the Fax-H Airport. The latter was seen hysterical and even shouted that she couldn't leave Mr. Ben. This arouses speculation that they were having an LQ---


Hindi ko na tinapos pang basahin ang article. Inilayo ko ang iPad at sinabunutan ang sariling buhok. This is what I've been worrying for! Ano pang mukha ang ihaharap ko sa mga empleyado rito at sa ibang tao? Paano ko pa haharapin si Benjamin? Paano si Callie?

The latter name made me anxious. I think it would be a big insult for her and her woman's ego. She's too way more uplifting than me. Isa nga lang siguro ang lamang ko sa kanya, yun ay ang pagiging tunay kong tao at siya ay produkto lamang ng kathang pag-iisip. But given that I'm here in this world, I'm just nothing compared to her.

"Ma'am, may mga video pa pong kumakalat."

Huli na upang suwayin ko si Lanie na huwag nang ipakita sa akin. Mula sa kanyang iPad ay dinig na dinig ko na ang mga hiyawan at tuksuhan ng mga tao. I glanced at it and there I saw myself, with Benjamin who was holding my chin gently.

I didn't know but I feel swayed seeing that gesture from him. But no! I shouldn't feel this way.

"Taray naman Ma'am, mukha kayong nasa eksena ng k-drama," biglang bulalas ni Lanie.

Tinampal ko ang braso niya at pinandilatan siya ng mata.

"Sorry po, hindi ko lang mapigilan. Iyan kasi ang usap-usapan sa corridor," sabi niya at napahagikhik pa na tila kinikilig.

"Ano?" Gulat ang rumehistro sa aking mukha.

Tumawa naman siya at pinakita ulit sa akin ang blog.

"This is one of the most famous and reliable blog site, Ma'am, kaya halos lahat ng tao dito ay updated talaga," imporma niya.

"Are you saying that it's reliable? Eh 'di naman totoo yang nakasulat diyan," sabi ko at napairap.

"Ma'am, it says here that it's just a rumor, a speculation. Walang sinabi na totoo pero alam mo naman ang mga tao, mabilis magpaniwala pero---"

Tumigil siya at napahagikhik ulit. May nasinghot ata itong babaeng 'to.

"Pero ano?" tanong ko, naging kuryuso sa anumang dahilan ng pagtawa niya.

"Ano kasi Ma'am, lahat ng mga tao na nafi-feature as 'rumored dating' sa blog na ito ay nagkakatuluyan sa huli," sagot niya at pinanggigilan ang iPad.

Humilab ata ang tiyan ko mula sa narinig, na para bang nakasakay ako isang ferris wheel at bigla itong bumaba.

"Were Benjamin and Callie already featured in this blog?" wala sa sariling tanong ko.

Bigla naman siyang napaisip.

Oneirataxia: My Fictional ManWhere stories live. Discover now