CHAPTER 16

298 44 12
                                    

Chapter Sixteen


Nang makahanap ako ng tiyempo ay mabilis akong lumulan ng elevator paakyat sa opisina ni Benjamin na nasa 21th floor ng building na ito.

I need to persuade him that I shouldn't be the one who will act out in the short video ad they are planning. Ayoko nang mas liyaban pa ang apoy na hirap na hirap akong apulahin.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan ng office niya. Malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan bago buksan ito ng dahan-dahan.

Dalawang pares ng mata ang sumalubong sa akin sa pagpasok ko, mula kay Benjamin at sa babaeng bisita niya. Mataman kong sinuyod ng tingin ang babae na ngayon ay tiningnan din ako mula ulo hanggang paa.

She's wearing a red fitted dress that emphasizes her figure. Mahaba ang maalon niyang buhok na nakapuwesto sa kanyang kanang balikat. She looks sophisticatedly hot.

I wonder kung kaano-ano siya ni Benjamin? Is she one of the girls who are after him?

I immediately bowed my head when they stood up to acknowledge my presence.

"I'm sorry to disturb your coffee time," hinging paumanhin ko.

"No, it's okay," turan ng babae sa akin.

She looked at Benjamin and then at me. I smiled back when I noticed she's smiling, a casual kind of smile as if she knows me. Or maybe, she's just friendly, unlike Benjamin na hindi ko man lang nakitaan ni anino ng pag-ngiti.

"You need anything?" Benjamin asked na agad kong tinanguan.

Pagkatapos kasing magpasya ng Board of Directors kahapon na hindi man lang kinuha ang pagsang-ayon ko ay mabilis din silang nagsilabasan. Hindi na ako nakaangal kaya I grabbed this opportunity para pagsabihan si Benjamin tungkol doon. Ayun kasi sa sekretarya niya ay bakante ang schedule niya sa hapon.

"Oh, I'll gotta go then. Benjie, see you around," sabi ng babae.

Napansin ko pa ang marahan na pagtapik niya sa braso ni Benjamin bago bumeso.

Maya-maya pa'y lumapit sa akin ang babae at naglahad ng kamay.

"I'm Chanel."

Pati ang pangalan niya ay nagsusumigaw ng karangyaan.

Mabilis kong inabot ang kamay niya. Nang magbitiw kami ay kinuha niya ang kanyang red pouch mula sa coffee table and began to stroll beside me, towards the door. Ngunit bago niya ako malampasan ay napansin ko pa ang pagkindat niya sa akin.

"Good luck, Ash." Narinig kong bulong niya.

Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang tunay kong pangalan mula sa bibig niya. Mabilis akong tumalikod ngunit nakalabas na siya ng pintuan bago ko pa sya matawag.

Susundan ko na sana siya ngunit naalala ko na may pakay pa pala ako kay Benjamin. Makakahintay pa naman siguro siya. For now, I badly want to go after that woman.

"Wait lang. Balik lang ako," pagpapaalam ko kay Benjamin at mabilis na pumunta sa pintuan at lumabas.

Medyo malapit na sa elevator si Chanel nang maabutan ko kaya walang ano-ano'y tinakbo ko nang mabilis ang aming distansiya.

Narinig niya siguro ang malakas na tunog mula sa takong ng aking sapatos dahil bigla siyang tumigil at lumingon sa kanyang likuran, kung nasaan ako na tumatakbo para habulin siya.

I gasped for more air nang tumigil ako sa pagtakbo. She turned around to face me fully and smiled at me again.

"Did I forget something?" tanong niya.

Oneirataxia: My Fictional ManWhere stories live. Discover now