Chapter 1

198 26 9
                                    


Shreya POV!

"Bakit napaaga ata ang pag-uwi mo?" ani ng kaibigan kong si Maisie Aryana Pertez matapos ako nitong makita at pagbuksan ng pinto.

"Akala ko ba next week pa ang dating mo?" saad ng isa ko pang kaibigan na si Kaytlyn Millanis.

"Akala ko pa naman 'welcome home Shreya Carbonell' ang una kong maririnig kapag nakauwi na ako rito." sarkastikong saad ko. "Yong tipong pagpasok ko pa lang may confetti nang sasabog sa harapan ko, tapos isa sa inyo eh may hawak na cake. Pero naalala ko, hindi pala kayo ganun ka-welcoming na kaibigan."

Hinila ko ang isa sa mga dala kong maleta at pumasok sa loob. Mukhang wala silang planong patuluyin ako kaya ako na ang nag-offer para sa sarili ko.

"Lakas lang maka-birthday surprise?!" pag-arachada ng malakas na bungangang saad ni Kayt.

"Hello? Kapag may birthday lang ba 'yon pwedeng gawin? Mabuti na lang talaga at hindi ako umasa sa sarili kong imahinasyon. Papasukin nga ako  eh hirap na hirap na kayo, ang gawin pa kaya ang bagay na yon?"

"Nakapasok na nga ang dami pang sinasabi eh nuh?" si Maisie.

"Oo, dahil ako na ang nag-alok para sa sarili ko. Nakakahiya naman kasi sainyo. Baka hingalin pa kayo kapag sinabi niyo tara Shreya tuloy k--aray!"

Mabilis na tumama ang unang binato sa akin ni Kayt kong saan sumakto pa talaga sa mukha ko. Peste! Wala pa ring pagbabago at sadista pa rin.

"Ang daldal mo nuh? Sana kong gaano ka kagaling gumamit ng preno sa sasakyan sana naman magamit mo rin sa bibig mo." si Kayt. Wow? Coming from you ha?

"Bakit nga napaaga ang uwi mo ha?" muling pagtatanong at seryoso ang mukhang saad ni Maisie.

Naupo ako ng maayos bago sumagot. "Baka kapag nanatili pa ako roon ng mas matagal baka tuluyan na akong makulong." lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang galit ko.

"Nako Shreya! Hindi ko talaga inaasahan na dahil lang sa pera ay muntik ka nang makapatay." bakas sa boses niya ang inis.

Hindi ko alam kong anong klase silang kaibigan. Imbes na alukan nila ako ng foods mukhang mas mabubusog pa ata ako sa sermon nila lalo na kay Maisie. Well expected ko na ito lalo na at ayaw na ayaw ni Maisie ang nasasangkot ako sa gulo nang dahil sa pera.

"Hindi basta-bastang mamatay ang babae na 'yon. Baka siyam ata ang buhay nun."

"At talagang ginawa mo pang pusa 'yong tao?"

Napangiwi ako dahil sa sinabi ni Kayt. "Well hindi 'yon mangyayari sa kanya kong hindi niya lang tinakbo 'yong pera ko." tukoy ko sa perang pareho naming ipinusta sa race.

"Pero hindi pa rin tama 'yong saktan mo siya!"

"Siya ang unang nanakit sa akin Maisie, gumanti lang ako. Gumanti ako dahil nasasaktan ako." hindi lang physical kondi emotional. Palibhasa hindi niyo alam ang totoo at puro mali ko lang ang nakikita niyo.

"Magpasalamat ka na lang  talaga at hindi nila itinuloy 'yong kaso laban sayo."

Nakakatawa lang isipin na pinaniniwalaan nila na dahil sa tulong ng parents ko kaya hindi ako tuluyang nakulong. Pero ang hindi nila alam na takot ang pamilya ng babaeng 'yon na pareho kaming magsama sa kulungan. Kaya wala silang choice kondi ang iurong ang kaso.

Sa totoo lang kaya kong linisin at hindi idawit ang pangalan ko sa gulong 'yon. Lalo na at marami akong kaibigan sa California na makakapagpatunay sa kalokohang ginawa niya. Isang dayuhan na malakas ang loob na kantiin ang isang tulad ko sa sarili kong teritoryo.

The Greedy WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon