CHAPTER 14

6 3 0
                                    


Razeem POV!

Kahit anong gawin kong pa-cute at banat sa kanya ay hindi man lang umi-epekto. At ang malala pa dun lagi niyang isinasawalang bahala 'yong pagiging corny ko. Tulad na lang kanina, imbes na sagutin yong sinabi ko nilapagan ako agad ng batas.

Imagine? Ako lang ata yong taong alam kong ipapakulong ng taong gusto niya? Imbes na maturn-off at makaramdam ng inis hindi ko man lang magawa. Nakaramdam nga ako ng kaba, pero hindi kaba dahil natatakot akong makulong. Kondi kaba na siya mismo ang rason.

Sa tuwing ngi-ngiti siya kahit alam kong sarkastiko ito para niya akong hini-hypnotize, na animoy may sarili kamay ang kanyang mukha na kayang humila para mapatingin sa kanya. Grabi nakakabakla!

Pumayag din ako sa gusto niyang bayaran ko siya sa ginawa ko. Bukod sa seryoso siya bakas din sa kanya na hindi siya magdadalawang isip na ipakulong ako. Sino ba naman ako para sa kanya diba?

Tyaka kahit na gustuhin ko mang ipaglaban sarili ko hindi ko man lang magawa. Wala rin akong lusot dahil sa ebidensyang ipinakita niya. Unang page pa lang halos sampalin at sabihing may kasalanan nga ako dahil yong article ng batas ang una mong mababasa. Higit pa dun sinadya niya talagang lakihan ang font. Ang lakas din mang-asar.

Tyaka mabuti na rin na sinabi niyang ayaw niya itong makalabas dahil ganun din ang gusto ko. Wala rin akong balak sabihin sa kaibigan niya lalo na sa mga kaibigan ko. Para ano? Para asarin nila ako? At sabihin kesyo 'oo' ang makuha ko ay isang katerbang coupon ng ebidensya.

Sabado.

Muli ay nasa bahay kami ni Jiro. Noon pa lang na mga bata kami ito na ang nagsilbing tambayan namin. Dahil bukod sa kami lang ang kaibigan niya wala rin siyang kapatid at puro mga katulong lang ang nakakasama niya sa bahay. Si tito laging wala dahil abala ito sa negosyo nila, samantalang si tita ay halos pitong taon na ring patay.

"Pwede ba akong magtanong?" pag-uumpisa ko ng usapan. Matagal ko nang alam ang last name niya pero ngayon lang nag sink-in sa akin na kilalang tao ang mga Carbonell.

"Ano yon bro?" si Clifford ang sumagot samantalang napatingin na lang sa akin ang dalawa.

"Kaano-ano ni Shreya ang may-ari ng Carbonell Incorporation at ang kilalang Luxurious Bonel Brand?" iisa lang ang may-ari nito, at ang mga Carbonell 'yon.

"Hindi mo alam?"

Umiling ako. Magtatanong ba ako kong alam ko? "Alam mo bang siya ang nag-iisang babae at bunsong anak ng Carbonell?" ani Marco.

"Seryoso?" sabay na aniya namin ni Jiro. Marahil pati siya ay hindi makapaniwala dahil tulad ko nung una ay isa hindi rin siya nagkaroon ng interes na magtanong tungkol kay Shreya.

Tumango rin silang pareho. "Seryoso ba kayo sa sinasabi niyo? Paanong nangyari? Akala ko ba dalawa lang ang anak nila?" si Jiro. Iyon din ang alam ko.

Kaibigan ng pamilya ko ang mga Carbonell at minsan ko na silang nakasama sa family dinner, ngunit si Steven at Rhedgz lamang ang pinakilala nilang anak.

"Actually apat silang magkakapatid." si Clifford. "6 years ago na nang mamatay ang kanilang panganay na anak na si Matthew."

"Pero bakit wala man lang kaming naririnig na may iba pa silang anak?" pagtatanong ko.

"Dahil iniiwasan nila ang bagay na ito." muling saad ni Marco.

"Iniiwasan?"

"Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matanggap na wala na ang panganay nilang anak." tugon niya.

"But, how about Shreya?"

The Greedy WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon