CHAPTER 5

81 22 2
                                    


Shreya POV!

"Grabi 'yang ngiti mo eh nuh? Banat na banat." kulang na lang ibato sa akin ni Kaytlyn ang tray na hawak niya na galing sa oven at may laman na cookies na bake niya matapos ako nitong makita.

"Ano ba ang ikinaganda ng araw mo? Dahil kanina ko pa rin napapansin na panay ang ngiti mo. Umamin ka nga, inlove ka ba?"

Ang kaninang ngiti ay biglang nawala dahil sa sinabi ni Maisie. Inlove agad? Hindi ba pwedeng dahil sa pera kaya ako masaya? At bukod doon may taong asar na asar sa akin, lalo na at isa rin ang pang-aasar sa komokompleto ng araw ko.

"Kong inlove ako sana nadaig ko ang outfit ni flash sa pagkapula." sarkastikong tugon ko. "Tyaka there's so may reason to be happy at hindi lang 'yong basta inlove ka."

"Sa dami ng rason na pwede mong ikasaya pwede bang magbigay ka ng isa sa mga ito?" ani ni Kaytlyn na daig pa ang isang guro na nagpapa-recitation. Kapag kausap mo ang dalawang ito dapat marami kang bala na dala para kapag tinanong ka may maisasagot ka.

"I met new people" tugon ko.

"Who? Razeem?" Kailangang sabay pa talaga?

"Excuse me? Baka hindi lang si Razeem ang nakilala ko." bakas sa kanilang mata ang mapang-asar na tingin. Bago pa man nila ako tuluyan na asarin kumuha na ako ng cookies at umakyat na papunta sa aking kwarto.

Tinapon ko kong saan ang aking bag. Naiunat ko ang aking katawan matapos makahiga. Inalis ko ang aking sapatos at medyas gamit ang dalawa kong paa. At doon naramdaman ko ang pagkabagot. Hindi ako sanay na pakagaling ng school bahay agad o kaya naman uuwi ako sa apartment pero agad ding aalis. Subalit ngayong nasa Pilipinas na ako hindi ko alam kong saan ba dapat ako pumunta, lalo na hanggang ngayon ay hindi pa dumarating ang kotse ko.

Kinuha ko ang laptop na nasa kama. Binuksan ko ang aking facebook kasabay nito ang pagtawag ng kaibigan kong si Faye.

"Hello?"

"YOU FREAK! WHY YOU DIDN'T TELL US THAT YOU WERE GOING HOME TO THE PHILIPPINES?!" kong malakas na ang boses ni Kaytlyn mas malakas pa ang boses ni Faye. Isa si Faye sa mga pinakamatalik kong kaibigan.

Alas singko ng hapon dito at alas tres ng umaga sa California. Ganitong oras sa Cali paniguradong kasama ko sila lalo na at mahilig kaming mag-party. Kahit na kinabukasan  ay may kanya-kanya kaming pasok at trabaho ang mahalaga sa amin nag-enjoy at naging masaya kami.

"Biglaan kasi--

"Biglaan? Ow common!" yes, she understand filipino. Lahat kasi ng kaibigan ko sa California ay puro rin mga pinoy. "Do you know that Brian is so worried about you? Kong hindi pa namin nakausap si Maisie baka lahat ng State ay pinupuntahan na niya sa sobrang pag-aalala sayo!" gusto kong sagutin ng pilosopo si Faye ngunit pinangunahan ako ng guilt lalo na at si Brian ang pinag-uusapan.

Remember, Brian was my first friend in California, he's always there for me lalo na kapag alam niyang lugmok ako. Never akong nag open sa kanya because I'm not that kind of person. Pero gumawa siya ng way to know me better at hindi niya ako sinukuan. Hirap para sa mga taong nakakasalamuha ko ang intindihin ako, but Brian is the person who's there trying to understand me even if it's hard. Dahil sa kanya natuto akong makisalamuha sa maraming tao, he is also my savior, my best friend and the person who's always telling me 'keep going, even if you have a hard time in life.'

Hindi na ako nakipagsagutan kay Faye dahil mas mapapahaba lang ang usapan namin. Pinutol ko na ang linya namin at mabilis kong tinawagan si Bri na siya namang sinagot niya agad.

The Greedy WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon