Shreya POV!Ilang oras pa ang nilagi ko sa bahay nila. Dito na rin ako kumain ng hapunan kasabay ng buong pamilya ni Atty.
Ang sarap nilang pagmasdan. Masyado silang nakakatuwa dahil nagkakasundo silang lahat. Kahit papaano napagaan ng dalawa niyang anak ang loob ko. Matapos naming kumain wala akong ibang ginawa kondi ang makipaglaro sa kanila. Nang mapagod, hinayaan nila ako na asikasuhin ang dalawa. Ako ang nagpalit ng kanilang damit, binasahan ko sila ng libro, kinantahan hanggang sa nakatulog sila pareho.
"Tulog na 'yong dalawa." saad ko sa mag-asawa nang makalabas sa kwarto ng kanilang anak.
"Ang dali mo naman atang napatulog ang dalawa?" natutuwang aniya ng asawa ni Atty.
"Sa ganda ba naman ng boses ko imposibleng hindi sila agad makatulog. Hahaha." natatawa at taas noong sambit ko. "Paano na ba yan, kailangan ko na huh umalis."
"Ihahatid na kita sainyo." pagmumungkahi ni Atty.
"Huwag na dahil may dadaanan pa ako."
"Dadaanan? Anong oras na oh." tinuro niya ang kanyang relo.
I smiled. "You know me Atty.,maaga pa para sa akin ang ganitong oras."
Napabuntong hininga si Atty samantalang natawa na lang si Mr. De Castro dahil sa kakulitan ko. Sa huli wala silang nagawa at ang katigasan ng ulo ko ang muling nanaig.
Nang makasakay ng taxi nagpahatid ako sa Bar na pag-aari ng kaibigan ko. Umorder agad ako ng hard drinks dahil hindi ako nakontento sa wine na ininom namin kanina.
"One Margarita please." naupo ako sa harap ng bartender.
Kita ko kong paano niyang paikutin ang lime sa glass para maiwan ang katas nito bago i-dip ang bunganga ng baso sa asin. Pinaghalo-halo niya ang tequila, cointreau, at lime juice bago lagyan ng ice, at i-shake sa isang lalagyan. Mabilis ko itong ininom matapos maibigay sa akin at muling umorder ng panibago.
"Magpapakamatay ka ba?" natatawang saad ng lalaki na nasa aking harapan. Saka ko lang siya nakilala matapos maaninagan at tamaan ng ilaw ang kanyang mukha.
"Zup Chad, kamusta?" nakipagkamay ako sa kanya.
Pinsan siya ni Brian. Siya ang namamahala at sa kanya rin pinagkakatiwala ng kaibigan ko ang mga bar na pag-aari niya rito sa Pilipinas.
"Off course I'm good." malaki ang ngiting saad niya. "Mukhang lugmok na lugmok ka ata ngayon ha? Kanina pa kita pinagmamasdan, nakailang baso ka na ng Margarita pero nagawa mo pang umorder ng Negroni at Moscow Mule? Siraulo ka ba? Hahaha."
"Anong siraulo don?" agad na tugon ko. At kailan pa naging siraulo ang pag-inom? Abnoy!
Napailing siya dahil alam niyang hindi siya mananalo sa akin. "Kakaiba talaga ang tolerance mo pagdating sa alak, at daig mo pa ako." nginisian ko na lang siya at nilaro-laro ang natitirang yelo sa baso.
"Excuse me? Can I talk to her?" nilingon ko ang lalaking lumapit sa amin.
"Hi Adam do you know her?"
"Yes, actually she's my schoolmate and my friend as well."
Tumango-tango si Chad. "Total gusto mo siyang makausap, aalis muna ako at may aasikasuhin lang ako saglit." tiningnan niya ako at tinapik ang parehong balikat naming dalawa.
"Are you okay?" agad na tanong ni Adam nang makaalis si Chad. Tinanguan ko lang siya habang nakatingin sa basong hawak ko. "If you have a problem you can tell me, I will listen."