Shreya POV!Nang makalabas sa cafeteria parehong nakapulupot ang kamay ng dalawa kong kaibigan sa braso ko.
"Paano nga? Paano kayong nagkakilala?" pang-uusisa ni Maisie.
"Sinabi ko ang pangalan ko at ganun din siya, at doon nakilala namin ang isa't isa--aray!" kahit kailan talaga ay mabilis ang kamay ni Kayt.
"Umayos ka nga!"
Kahit na tinatamad ako ay napilitan akong mag-kwento sa kanila. Tulad nga ng sinabi ni Adam kanina ay nagkakilala kami sa San Francisco. Ngunit hindi ko sinabi sa kanila ang totoong rason. At sinabing ako ang unang lumapit dito. Bago kami maghiwalay nung araw na 'yon, nangako ako na walang makakaalam sa bagay na ginawa niya, ang pagtangka niyang pagtalon sa tulay. At hanggang ngayon wala akong pinagsasabihan nito.
"So? Bakit nga ikaw ang unang lumapit ha?" pangungulit ni Maisie. Kong hindi ko siya nilapitan baka ngayon hindi na kayo nakakaramdam ng ganyang kilig.
"D-dahil p-pogi siya kay--aray putangina mo Kaytlyn!" halos mapasigaw ako sa mura dahil sa lakas ng pagkakapalo niya sa braso ko. Isa pa, pag ako pumalo sayo lilipad isa mong braso. Peste ka!
"Waaaah! Infairness may kalandian din palang nanalantay sa katawan ng kaibigan natin. Kyaaaaah!!" muli ay napa-apir ang dalawa sa kilig. Bakit kasi 'yon pa ang rason na pumasok sa isip ko?
"Nako ikaw na talaga Shreya!!" napapahampas ding aniya Maisie. Masyado na akong naaawa sa balikat ko dahil magkabilaan nila itong sinasaktan. "Kailan kaya ako makakatanggap ng Cobb Salad na gawa ng Mom ni Adam. Ehhhhh!"
"Ako rin"
"ARAAAAAAY!" upang makaganti ay pareho kong hinampas ang balikat nila. Akala niyo kayo lang ang marunong? Ako rin.
"Hindi ko alam kong bakit nagagawa niyo pang kumiringking kahit na may mga boyfriend na kayo! Hayst, tabi nga diyan!" pareho ko silang iniwan sa gitna ng ground, nang sa ganun makaiwas ako sa mga katanungan nila.
Kong umasta akala mo walang mga jowa. Kong nagkataon man na isa sa kanila ay ligawan ni Adam, mukhang kaya nilang iwan ang mga boyfriend nila para lang sa tao na 'yon. Mabuti na lang talaga at matured mag-isip ang dalawa at hindi seloso.
"I have two announcement!" saad ng lecturer namin na si Ms. Valenzuela na nasa unahan namin. Nagsiupuan kami ng maayos. Lahat ng mata at tainga namin ay nasa kanya.
"Tomorrow we will start doing painting so please bring your materials. Second, I will give you a task and you are all exempted in this quarter."
"What kind of task Ms. Valenzuela?" pagtatanong ni Santos.
"A performance art" tugon nito. "Sa ayaw sa gusto niyo you need to participate. It's up to you if you want to dance, to sing, acting and painting."
"Paano naman kami Ms. na walang mga talent?" pag-aalangan at napapangusong saad ni Fernandez.
"Oo nga." pagpa-pangalawa ng iba naming mga kaklase.
"Even though you have no talent you need to join, and you have no choice. Remember that your grade is depend on it, so you need to participate."
"Yes Miss" sabay-sabay na sagot namin samantalang yong iba ay napipilitan pa.
"From now on, kailangan mapag-usapan niyo na ang bagay na inyong gagawin. Nang sa ganun ay hindi na kayo masyadong mahirapan. I will give you a few weeks to prepare. Understand? That's all for today. Class dismiss."