Shreya POV!"Ba't ba nagsisigawan kayo?" paninita sa amin ni Jiro matapos naming makalapit sa kanya.
"Ito kasi--basta na lang ako sinipa! Imbes na mag-sorry sinisi ba naman ako bigla." pagsusumbong ni Hydrocephalus samantalang nakaturo ang isa niyang daliri sa akin.
"Nabigla nga ako kaya kita nasipa okay?" pagtatangol ko sa aking sarili.
"Nabigla? Sa tagal munang nakikita ang gwapong pagmumukhang ito tyaka ka pa nagulat?" kahit kailan talaga mayabang!
"Mukha ka ba naman kasing palaka sa paningin ni Shreya bro. Hahaha." pang-aasar ni Jiro kong saan natawa rin ako dahil nakakadala ang tawa niya.
"Ulol mo!" muli ay natawa kami.
Tumabi ako kay Jiro para mas lalong asarin si Razeem kasabay ng pagpasok ng apat galing sa labas na may bitbit na pagkaing inorder nila.
"Sino 'yong kausap mo kanina?" pagtatanong ni Maisie sa kanyang boyfriend bago ilapag ang bitbit niyang foods.
"Si Kuya Marc, tinanong ko kong kamusta ba 'yong pamangkin ko." tugon niya.
"Bakit anong nangyari sa pamangkin mo?" naupo si Clifford sa tabi ni Raz, samantalang habang nag-uusap sila ay binuksan ko ang isang box ng pizza at kumain.
"Tinuli kasi ngayon, tinanong ko kong umiyak ba." natatawang sambit niya.
"Ang bata pa ng pamangkin mo para ituli." si Clifford.
"Sakto lang." muling tugon ni Marco.
"Ikaw Raz, ilang taon ka ba nung tinuli?" siraulong pagtatanong ng katabi kong si Jiro.
'At bakit tungkol sa pagpapatuli ang topic naman?'
"Baka sabay tayong apat nung tinuli!" sagot niya habang naglalagay ng lasagna sa kanyang plato.
"Hoy change topic! Hahaha." halos hindi mapigilan ni Clifford ang matawa. Bakas din sa kanyang mukha ang pagkailang.
"Nakooo! Ayos lang hindi naman kami out of place lalo na itong si Shreya diba?" tumabi sa akin si Kaytlyn at inakbayan pa ako nito.
"H-ha?" wala sa sariling ani ko.
"Sabi ko kako ilang taon ka nung tinuli? HAHAHAHAH!" okay, gets ko na. Kaya ganyan na lang kababaw ang kaligayan ni Kayt dahil alam ko na kong saan patutunguhan ang usapan na ito.
"Hindi pa ako tuli, magpapa-schedule pa lang. Hiyang hiya naman ako sainyo diba?"
"HAHAHAHAHAHAHA!" hindi nila inaasahan na sasabayan ko ang trip ni Kayt kaya ganyan na lang sila kong matawa.
Itong si Kaytlyn simula nang marinig niyang pinag-aasar ako ng mga kaibigan ko sa California na isa akong tiboli, ay hindi na naka-get over. Kaya ganyan na lang ang tuwa niya dahil alam niyang sasabayan ko siya.
"Sayo ba Maisie pinatanggal muna?" pandadamay niya pa sa isa naming kaibigan.
"Anong akin?" maang na tanong niya.
Ako na ang sumagot. "Hindi niya pinatanggal, hindi lang talaga active 'yong sa kanya."
"HAHAHAHAHAHAHA!" nang ma-gets nila ay muli silang natawa at syempre kaninong tawa pa ba ang mangingibabaw?
"Hindi tulad ng sayo nuh? Napaka-active? Hahaha." si Kaytlyn.
"Always!"
Halos hindi na makapagsalita ang mga kaibigan namin kakatawa dahil sa sagutan namin ni Kaytlyn. 'Taena mo Millanis!'