Shreya POV!Halos maihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha dahil sa inis. Akalain niyo 'yon? Nakikisama ang tadhana kay De Silva. Pero saan niya ba nakuha ang mga litratong 'yon?
Pakatapos ng huling subject sa umaga agad kong hinila palabas si Maisie. Malakas ang kutob kong may kinalaman siya. "Hoy!"
"Mukha bang hoy ang pangalan ko?" agad na tugon niya. Whatever Pertez!
"Saan ba nakuha ni De Silva ang mga litrato namin ni Bri ha?" paninita ko sa kanya.
"Bakit ako ang tinatanong mo ha?" aba? Mukhang may balak pa atang tumanggi?
"Alam kong may kinalaman kayo. Imagine? 2 months ago na simula ng gawing cover photo ni De Silva ang litrato namin ni Bri. Nag react pa nga kayo diba? Pero bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na may ibang tao palang gumagamit ng litrato namin?"
"Bakit ako lang ang pinapagalitan mo? Si Kaytlyn ang may pakana ng lahat ng ito okay?" hindi kita pinapagalitan, nagtatanong ako saka ikaw lang 'yong nandito. Abno ka ba?
Yong bruha na 'yon? Hayst! Kahit kailan ka talaga Millanis, nako humanda ka talaga sa akin mamaya sa cafeteria.
"At sumang-ayon ka naman?" tumango siya. Wow, nakakatuwa talaga kayong kaibigan.
"Nung time na 'yon humingi sa amin ng tulong si Raz kong ano ba ang pwede niyang gawin para tigilan na siya ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Then nag suggest si Kayt na magpanggap siyang may girlfriend, kong saan nag-agree din siya. Sa una hindi nag work dahil wala siyang maipakita na litrato." pagki-kwento niya, samantalang nakinig na lang ako.
"Saktong nasa Portland si Raz at nasa Lake Tahoe kayo at nag-post and nag send ka ng picture niyo ni Bri. At doon napansin ni Kayt na halos hawig lang sila pareho lalo na kapag naka side view si Bri, parang si Razeem lang. At doon na nga nag-umpisa ang lahat, ang idea, ang pagamit niya ng picture niyo na recommend ng kaibigan mo." tukoy niya kay Kayt. "At dahil doon wala nang masyadong nangungulit kay Razeem at nakakalabas-labas na siya ng tahimik at walang mga asungot."
I remember, kaya pala panay hingi ni Kayt ng side view and talikod picture namin ni Bri dahil ginagamit nila sa kalokohan. Minsan solo picture ko naman ang hinihingi niya at ako naman itong si uto-uto, nag send naman.
"Eh bakit hindi mo nga sinabi sa akin agad?"
"Una sa lahat, nawala sa isip ko. Pangalawa, hindi ko naman alam na uuwi ka pala dito dahilan para malaman mo. Pangatlo, sa tingin mo ba kapag sinabi ko sayo papayag ka? Diba hindi? Tyaka wala naman ka-ideya-ideya itong si Razeem na ikaw 'yon."
"Walang ideya? Hoy! Alam mo bang halos pagsigawan niya kanina sa maraming tao na jowa niya niya ako?"
"Talaga?" halos mapatalon at kinikilig si Maisie dahil sa sinabi ko. Aba? Hanep din ang reaksyon ng babaeng ito. "Ang swerte mo sis!" ako? Swerte? Paano ako naging swerte? Mukha bang ginto na napupulot si De Silva na pwedeng ipalit sa pawnshop? "Nako, bagay kayo!" dahil sa kilig niya ay dinuro niya ang aking balikat. Ang OA taena!
"Hayst, umayos ka nga Maisie! Tara na nga sa cafeteria at nagugutom na ako, at nang makausap ko na rin 'yong mga kumag na 'yon!" muli ko siyang hinila dahil mukhang hindi pa nakaka-get over sa sinabi ko.
Ang OA ng mga babae rito. Oo babae rin ako at nakaramdam na rin ako ng kilig kapag may ginagawang ka-sweetan ang mga jowa ng kaibigan ko. Pero hindi naman ako tulad nila at nitong si Maisie na halos kumbulsyonin na sa harap ko.