CHAPTER 9

20 7 0
                                    


Shreya POV!

Hindi na ako bumalik sa classroom at dumiretso na sa comfort room upang makapagpalit ng PE uniform. Nang makapalit tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

"It's okay." pag-comfort ko sa sarili ko habang tinatapik ang aking balikat.

Nasa iisang paaralan lang ang pinapasukan namin ni Blessly. Ano na lang ang gagawin ko kapag muli kaming magkasalubong? Paano kong natuloy nga ang sinabi niya? Anong mangyayari sa akin? Sasabog ba ako sa galit o tulad ng dati ay panghihinaan na naman ako ng loob, at tulad ng ginagawa nila ay sisisihin ko rin ang aking sarili sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

"Shreya? Are you okay?" salubong ni Maisie sa akin matapos na marating ang oval.

Alam kong nag-aalala siya, dahil alam niya ang tinutukoy ni Blessly at alam niya kong ano ang naging epekto nito sa akin noon. Tulad nga ng ginagawa ko, pilit kong itinago ang totoo kong nararamdaman.

"Mukha ba akong hindi okay?" may mahinang bungisngis na aniya ko.

"Are you sure?" paniniguro niya.

"Hahaha, oo naman. Saka wala namang rason para hindi ako maging okay." alam kong gusto niya pang magtanong, ngunit kilala niya ako. I don't like talking about the past dahil mas gugustuhin kong isantabi na lang ito.

Ilang beses naming paulit-ulit na inikot ang buong oval. Sobrang tagatak ng aking pawis at hingal na hingal akong naupo sa gilid ng field kong saan naroon ang aking bag. Kinuha ko ang maliit na tuwalya para ipunas sa pawisan kong mukha. Humugot din ako ng malalim na hininga at ibinaling ang aking paningin sa ibang mga kaklase na abalang nagsisitakbuhan.

"Water?" naagaw ang aking atensyon ng isang lalaking matangkad na nakatayo sa aking harapan, habang inaabot nito ang isang bote ng tubig. "Don't look at me like that nahihiya tuloy ako." dagdag niya pa. Tinutukan ko ang kanyang mukha, at nakitang napapakamot siya sa kanyang ulo.

Dahil sa uhaw kinuha ko ang bottled water na kanyang inalok sabay lagok ng laman nito. "Thanks, btw you look so familiar, nagkita na ba tayo before?" I ask.

"I expected na hindi muna nga ako makikilala." medyo naiilang na usal niya. "2 years ago, we first and last met at Golden Gate Bridge."

Tinapik ko ng aking daliri ang sarili kong pisngi na animo'y nag-iisip habang diretsong nakatingin sa kanyang mukha. At doon bigla akong natawa matapos ko siyang maalala. "I know you! Hahaha. Ikaw 'yong lalaking madrama right?"

He nod. "And you are the girl who repeatedly saying that money is life." pareho kaming natawa dahil sa sinabi niya. Sa dami naming napag-usapan hindi ko inaasahan na isa pa sa mga motto ko ang matatandaan niya. "Again I am Adam Clinton Smith."

Inabot ko ang inalok niyang kamay. "Shreya Carbonell, how are you right now?"

"I am good because of you and I also enjoy living with my mom. Thanks 'cause you came that time and you're good at giving advice."

"Syempre malaki binayad mo." muli ay sabay na naman kaming tumawa.

"Hm, it looks like I will pay you again because I talked to you?" napapatapik sa babang sambit niya.

"Ang kondisyon ay mananatiling kondisyon."

Muli siyang natawa. "Hahaha you are really funny! Don't worry I will pay you. Ahm are you going to do something? Can we eat?"

"Sure lalo na kong dodoblehin mo ba naman ang ibibigay mo." makapal ang mukhang saad ko.

Pera na ang lumalapit kaya bakit pa ako tatanggi? Total tapos ko naman nang ikutin ang buong oval kaya pumayag na rin ako. At hindi na rin ako nakapagpaalam kay Maisie dahil hindi pa tapos ang grupo nila at saktong wala na rin kaming susunod na subject.

The Greedy WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon