CHAPTER 16

7 2 0
                                    


Shreya POV!

Kalokohan? Hindi basta kalokohan ang ginagawa ko.

Manakit? Sana alam niyo na sila ang unang nananakit sa akin. At pinagtatangol ko lang ang sarili ko!

"Talagang hindi niyo ako maiintindihan." kalmadong tugon ko.

"Then ipaintindi mo sa amin!"

"Ipaintindi? Bakit? Nung panahon na kailangan kong magpaliwanag at sabihin sainyo ang lahat may nakinig ba?" Muli ay hindi sila nakasagot. Sa halip ay pareho silang napayuko na dalawa.

Sobrang linaw pa sa aking alaala. Masaya at excited akong umuwi ng bahay para sabihin sainyo ang lahat. Ngunit imbes na pakinggan ako, puro masasakit na salita ang narinig at natanggap ko.

Pero ngayong nawalan na ako ng gana. At wala na akong balak na sabihin ang lahat, ngayon niyo pa naisipang ipaintindi ko sainyo? Naglolokohan ba tayo?!

"Dahil sa pesteng pera na 'yan kaya naging magulo ang pamilya natin!" naihilamos ni Kuya Steven ang kanyang kamay sa mukha.

Nang wala silang narinig na sagot pareho silang napatingin sa akin. Kita ko sa kanya ang pagsisisi sa huli niyang binitawan na salita matapos makita ang malungkot kong mata.

"You're wrong Kuya!" pagtututol ko. "Nagsimulang maging magulo ang pamilya natin... s-simula ng mamatay si Lolo at Kuya Matthew." halos hindi ko matapos ang sasabihin ko.

Hirap para sa akin na bitawan ang salitang ito dahil sobra akong nasasaktan at nagsisisi.

"Shreyaaaaaaa!"

Matapos kong bitawan ang huling salitang sinabi ko. Mabilis ko silang tinalikuran at nilisan ang kusina. Mabilis na tumayo ang dalawa kong kaibigan at sinalubong ako. Ngunit hindi ko sila pinansin, sa halip umakyat ako at dumiretso sa aking kwarto.

Pinagsisipa ko ang pader dahil nagagalit ako! Galit na galit. Masiyado akong pinanghihinaan ng loob sa tuwing nasasali sa usapan ang dalawang taong nawala sa buhay ko dahil nagi-guilty ako sa lahat!

Kaytlyn POV!

Walang umimik sa amin matapos na marinig ang tensyon sa pagitan ng magkakapatid na nasa kusina. Ang kaninang tawanan at sayang naramdaman ay parang bulang ganun na lang kabilis na nawala.

"Bakit kailangan mong putulin ang ugnayan mo sa pamilya natin?" walang kumibo sa amin matapos na marinig ang sinabi ni Kuya Rhedgz.

"Dahil hindi ko na rin maramdaman na kabilang pa ako sa pamilyang tinutukoy mo." sobrang lamig na tugon ni Shreya.

Pinutol niya ang ugnayan niya sa pamilya niya dahil hindi na tulad ng dati ang trato sa kanya ni tito at tita. Sa sobrang pagluluksa ay hindi na nila namamalayan na nasasaktan na si Shreya sa ginagawa nila.

Hanggang sa napabayaan na nila ito. At doon na nag-umpisa na mapasok siya sa gulo. Hindi niya man masabi ngunit alam namin kong gaano niya kasabik at sinubukang ayusin ang gusot sa pamilya nila. Hanggang sa nawalan na rin siya ng pag-asa.

Masyado akong nababahala, dahil ngayon ko lamang silang narinig na magtalong magkakapatid. Hanggang sa lumapit ako kay Maisie dahil nababalisa na siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay na halos mamasa ang kanyang palad. Marahil nag-aalala siya.

Si Shreya 'yong tipo ng tao na hindi basta-basta nagagalit. Hindi siya marunong magsabi ng mga problema sa buhay. Hindi niya rin maamin na nahihirapan na siya, dahil lagi niyang pinapakita na maayos siya, na masaya siya kahit na ang totoo ay hindi. Subalit ang mas nakakatakot, hindi siya marunong umiyak sa harap ng mga tao, kahit na nasasaktan siya. Hindi ko alam kong paano niya nagagawa ang bagay na 'yon ngunit ganun ang pag-uugaling mayroon siya.

The Greedy WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon