Shreya POV!Sinalubong ko ng mahigpit na yakap si Kaytlyn matapos na pagbuksan kami ng pinto.
"Ano ba, teka lang!" pagrereklamo niya habang pilit na itinutulak ako.
Kong kanina ay badtrip ako, ngunit ngayon? Kulang na lang mag tumbling ako sa saya dahil sa kanina pang iniisip ko.
"Kanina halos sumabog ka na sa inis pero ngayon? Kulang na lang ata mapunit kakangiti ang labi mo kasabay ng ngala-ngala mo." see? Kasasabi ko lang diba? Kaya naman ganun na lang pareho na nagulat ang dalawa sa iniasta ko.
Total may maganda na akong plano, mas mabuting isantabi ko na lang muna ang inis ko. Nakapagdesisyon na akong isawalang bahala na lamang ang pagamit niya sa litrato namin, kapalit ng magiging kondisyon ko.
"Ni-ready ko pa naman 'yong sarili ko para sayo, para sakaling lait-laitin at pagsabihan mo ako ng masasakit na salita eh tatanggapin ko na lang total may kasalanan ako sayo." hindi pa rin makapaniwalang ani Kaytlyn. "Hindi ako pumasok sa huli kong subject para mag-grocery at punuin ng beer ang ref natin. Bumili rin ako ng iba pang gusto mo na pwedeng isuhol ko sayo, pero...p-pero bakit mukhang nagbago ata ang ihip ng hangin?"
So tyaka lang pala ako makakatikim ng libre galing sa kanya kapag may nagawa siyang kasalanan? Minsan na nga lang ako makatanggap ng galing sa kanya halos isumbat niya pa?
Well, hayaan na lang natin at lulunukin ko na lang 'yong sinabi niya lalo na at hindi ko na kailangan gumasto pa para bumili ng beer. Yeah, they know how I so much love beer kaya isa na ito sa mga binili niya.
"Hindi ko naman nakakalimutan 'yong kasalanan mo. Ang plano ko nga sana magwala sa harap mo na parang tigre. Kasu maswerte ka, dahil biglang nawala ang bara kong saan mabilis na humupa ang inis ko sayo." madaling mawala ang galit ko lalo na kong pera ang laman ng aking isipan.
Iniwan ko sila sa baba at umakyat sa aking kwarto para magpalit ng damit. Subalit agad din akong bumaba kong saan naabutan ko silang inaayos ang sandamakmak na pinamili ni Kayt.
"Pareho kayong mayaman pero bakit hindi kayo kumuha ng katulong? Nang sa ganun hindi na kayo ang gumagawa ng bagay na 'yan." saad ko matapos makapasok sa kusina at dumiretso sa ref para kumuha ng beer.
"Alam mo kong bakit wala kaming katulong? Dahil sayo." muling panunumbat ni Kayt. Bakit ako na naman? Ako ba ang nagdedesisyon sa buhay nila?
"At paanong dahil na naman sa akin ha?"
Parang batang nagmamaktol na naupo si Kayt bago magsalita. "Isang beses pumunta kaming dalawa sa California para surpresahin ka sa birthday mo, kasu hindi na namin natuloy. Dahil mas nasurpresa pa kami sa nakita namin."
"Anong nakita niyo? At anong connect nun sa akin para ako ang sisihin mo kong bakit wala kayong katulong?" tumatalim ang ngusong usal ko.
"Simula nang makita namin ni Kayt ang totoo mong sitwasyon sa California, sinabi namin sa isa't-isa na hindi lang dapat ikaw 'yong mahirapan." sambit ni Maisie. "Para gawin 'yon, napagdesisyonan naming tumira dito sa bahay na ito, sa bahay natin..,na kaming dalawa lang. No yayas, no drivers, no credit card, no shopping. Dahil yon lang ang naiisip naming paraan para damayan ka."
Wala akong kaalam-alam sa bagay na ito. Ngunit parang pinisil ang aking dibdib dahil sa narinig ko. Hindi ko inaasahan na dahil sa akin ay magagawa nilang i-let go ang bagay na kinasanayan nila.
"Para kaming tinusok dito." tinuro ni Maisie ang kanyang dibdib. "Dahil ang hirap para sa amin na makita kang nahihirapan. Ang akala kasi namin maayos ang buhay mo doon, dahil 'yon ang sabi sa amin. Imagine? It was your birthday that time,.sa halip na mag-celebrate ka with your family we saw you working. Nagpupunas ka ng sahig, nagbubuhat ng malalaking box,..nakita rin namin kong paano kang duruin at pagalitan ng boss mo dahil palpak yong gawa mo." seryoso ang kanyang mukha, subalit hindi niya napigilan na matawa matapos maalala ang nakita niya. "Syempre wala ka namang kaalam-alam sa ganung bagay, at hindi namin alam kong saan ka na lang kumuha ng lakas ng loob para magtrabaho." she added.