CHAPTER 2

133 23 7
                                    


Shreya POV!

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-aalmusal ang siya namang pagsabay na pagpasok ni Marco at Clifford sa kusina kong saan kasunod pa nila ang isang lalaki.

Si Marco Gabrielle Villar ang boyfriend ni Maisie at si Clifford Fuentebella naman ang boyfriend ni Kayt. Kilala ko na sila dahil minsan na silang naisama ng dalawa sa California matapos nilang magbakasyon doon.

"It's been a long time Shreya!" lumapit sa akin si Marco at tinapik nito ang aking likod.

"It's been a long time too." tugon ko. "Kamusta kayo?"

"Ito hanggang ngayon ay pogi pa rin." pagbibiro ni Clifford kong saan natawa na lang kaming lahat.

"Ang swerte sayo ni Kayt nuh? Pero malas mo naman pagdating sa kaibigan ko hahaha." pagbibiro ko rin kong saan tiningnan pa ako ng masama ni Kayt.

"Before we forgot this is Jiro Brylle Lopez our friend." pagpapakilala ni Marco sa kasama nilang lalaki.

"Ow hi, nice meeting you. I'm Shreya." nakipagkamay ako sa kanya kong saan inabot niya naman ito.

"Nice meeting you also. I'm Jiro." tugon niya. "Tama nga ang desisyon kong sumama rito dahil akalain mo naman, nakita pa lang kita buo na agad ang araw ko." malaki ang ngiting dagdag niya samantalang napakunot na lang ako ng aking noo.

"Talaga ba?" nakangiti ding tugon ko sabay tango niya. "Siya huwag kang mag-alala dahil ako rin ang sisira ng araw mo."

"HAHAHAHAHAHA" tawanan ng aming mga kasamahan.

"Hoy Lopez! Huwag ang kaibigan ko dahil may anting-anting at hindi 'yan tatablahan ng kalandian mo!" halos sumigaw na saad ni Kaytlyn.

Napakamot na lamang si Jiro na parang bata kong saan natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.

"Kumain na muna kayo bago tayo pumasok." pagsisingit ni Maisie. Nagsiupuan naman ang tatlo at naglagay ng pagkain sa kanya-kanya nilang plato. "Nasan nga pala si Razeem? Akala ko ba ay sasama siya rito?" tukoy ng kaibigan ko sa isang taong hindi ko kilala.

"Maghihintay na lang daw siya sa parking lot. Ayaw niya sumama dahil mapapalayo pa raw kapag pumunta pa siya rito. Kilala niyo naman 'yong lalaki na 'yon masyadong tamad magneho." si Clifford. Tumango na lang si Maisie at hindi na sumagot.

Pinagpatuloy namin ang pagkain kong saan wala masyadong umiimik dahil pare-pareho kaming nakatutok sa aming kinakain. Ilang oras pa ang ginugol nila bago mapagpasiyahang umalis dahil halos sampung minuto na lang ay ma-le-late na sila sa unang subject. Kaya heto ako ngayon muling mag-isa.

Buong umaga wala akong ibang ginawa kondi ang kumain, manood ng movie at kong ano pa. Kaya bago pa man ako mabulok sa bahay na ito ay napagdesisyonan kong umalis muna at pumunta ng Mall. Kailangan ko rin bumili ng mga gamit sa school. Nasa California pa lang ako ay inaayos na ni Maisie ang lahat. Kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng excite dahil alam kong pwede na akong pumasok sa lunes.

"Aray!" halos tumalsik ako matapos akong mabangga ng isang lalaking matangkad.

Naka cellphone ako at ganun din siya kaya naman pareho naming nabangga ang isa't-isa.

"I'm so sorry miss." paghihingi niya ng paumanhin.

Inabot niya ang kanyang kamay upang tulungan akong tumayo kong saan agad ko rin itong tinanggap.

"It's okay, you didn't mean it." pinulot ko ang paper bag na nasa sahig. Agad na tumama ang aming mga mata. 'Those eyes? Saan ko ba 'yan nakita?'

The Greedy WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon