Shreya POV!Matapos kong sabihin na si Razeem ang lalaking nakabangga ko sa mall kapansin-pansin ang pagtitinginan ng apat na lalaki. Hindi man sila nagsasalita pero makikita sa kanilang mata na may pinag-uusapan at nagkakaintindihan ang mga ito.
Nang makaalis ang apat na lalaki dumating din si Gianna. Tulad kanina matalim pa rin sya kong tumingin lalo na kapag naka-focus ang dalawa kong kaibigan sa kinakain nila. Dahil wala akong oras para makipaglaro sa kanya ay mabilis kong tinapos ang kinakain ko. Nauna akong umalis at hindi na nag-aksayang hintayin sila.
Binagalan ko ang paglalakad habang pinagmamasdan ang paligid. Malaki ang school na ito kompara sa dati kong pinapasukan sa California. Unang tingin pa lang tatamarin ka na dahil sa lawak nito. Maganda, maraming mga puno, mga bench kong saan talamak ang mga estudyanteng nag-uusap at nagpapaganda.
"Mukhang mahihirapan akong magkapera dito" buntong hininga at napapalabing saad ko sa aking sarili.
Noong nabubuhay pa ang lolo ko. Nakikita ko kong ano ang ginagawa niya sa limpak-limpak niyang pera. Simula noon pinangarap ko rin ang magkaroon ng maraming pera dahil gusto ko ring gawin ang bagay na ginagawa niya.
Simula nang namatay ang panganay kong kapatid na si Kuya Matthew at ang Lolo ko 6 years ago, doon nagsimula ang paglayo ng aking loob sa parents ko. Makalipas ang dalawang buwan lumipad ako patungong California upang doon makapag-simulang muli. Habang naninirahan sa California doon ko nakilala ang kaibigan kong si Brian De Vera.
Marami siyang naitulong sa akin at nabanggit ko ang mga bagay na gusto kong gawin. Upang matupad ang gusto ko, pinasok ko ang pakikipagkarera dahil 'yon ang bagay na madaling gawin sa mga pinagpilian ko. Sa una lagi akong talo kaya naman naubos ang perang pinag-ipunan ko. Pinasara rin ng magulang ko ang aking bank account matapos malaman ang bagay na ginagawa ko.
Sa murang edad na labing-apat natuto akong tumayo sa sarili kong paa. Kahit galing ako sa isang kilalang pamilya naranasan ko ang magkayod kalabaw. Sa unang katas ng perang pinaghirapan ko hindi ko inaasahang mag-tu-tuloy-tuloy ang aking pagkapanalo.
Simula ng kumita ako ng malaki ay mas lalo kong minahal ang pera at doon natuto rin akong makipag-away. Lalo na kapag hindi napupunta ang perang para sa akin. Upang magtuloy-tuloy ang nasimulan nag-isip ako ng ibang diskarte. Yon ay ang gamitin ang aking itsura.
Kong gusto mo akong makausap siguraduhin mong may pera kang maibibigay dahil ayokong nasasayang ang oras at laway ko. Sa panahon natin ngayon sa physical na anyo bumabase ang mga tao. Kaya kong maganda ka marami ang magkakagusto sayo. Pero ang gandang mayroon ako ang puhunan at pinagkakakitaan ko. Kong iniisip niyong binebenta ko ang aking katawan pwes you're wrong! Gaya nga ng sinabi ko bayad ang oras at laway ko, dahil maganda ako maraming nagkaka-interes sa akin. Kaya the more guy interested the more money I received and that's me the greedy woman!
"Are you okay?" tanong ko sa lalaking nakaupo sa hagdanan. Kita ko ang pagsabunot niya sa kanyang buhok, kaya mapapansin mo sa kanyang may problema ito.
"Yes I'm okay" walang ganang tugon niya. Subalit nang makita niya ako mabilis siyang napatayo na animo'y gulat na gulat. "Shreya Carbonell?" halos mapunit sa ngiti ang kanyang labi at kuminang ang kanyang mata matapos ako nitong makilala. 'Paano niyang nalaman ang pangalan ko?' pagtatanong ko sa aking sarili.
"Yes ako nga, btw do you have a problem?" pagtatanong at paninigurado ko. "You can tell me and baka makatulong ako." pag-offer ko.
Tumango siya na parang bata. "I have an exam later and we also have a take home quiz in math..,but the problem is I don't know how to solve it. Medyo kinakabahan din ako kasi terror 'yong lecturer namin and ayoko namang bumagsak." nahihiyang paliwanag niya habang napapakamot pa ito.