CHAPTER 3

113 24 9
                                    


Shreya POV!

Matapos kong makauwi nung friday galing mall wala na akong ibang ginawa kondi ang tumunganga. Noong weekend masyadong tahimik sa bahay dahil umuwi si Maisie sa kanila. Samantalang si Kayt ay abala sa pag-aaral kaya hindi masyado ganung makausap.

At ito na nga ang pinakahihintay ko, ang dumating ang araw ng lunes. Ito yong araw na unang beses kong papasok sa eskwelahan.

New school...

New uniform ...

New classmates...

New friends..

New ambiance...

And new victim...

Kotse ni Maisie ang ginamit namin. Habang nasa sasakyan kinuha ko ang earphone sa bag at isinalampak ito sa aking tainga. Kong gaano katahimik ng weekend ko ang siya namang pagbawi ni Kaytlyn ngayon. Masiyadong maingay ang bunganga niya at parang sirang plakang paulit-ulit na lang ang sinasabi. Nakakarindi, ang sarap lang gilitan sa leeg ng manahimik.

"Babaeng-babae ha?" ani Clifford matapos naming makalapit sa kanila at makitang soot ko na ang aming uniform.

Hindi ko ma-imagine na isang araw ay makakasoot ako ng skirt na halos abot tuhod ang haba. Kanina sa bahay ay inaasar na ako ng dalawa kong kaibigan na mukhang hindi na ako tibo kong tingnan.

Excuse me? Hindi ako tibo, sadyang mukhang lalaki lang ako kong tumindig. Tiyaka hindi rin sila sanay na nakikita nilang ganito ang soot ko lalo na at puro pants, longsleeve at tshirt lang ang ginagamit ko kaya hindi rin ako komportable sa soot ko ngayon.

"Mas lalo kang gumanda sa uniform mo." isa pa itong si Jiro, kong makatitig kulang na lang lumabas ang cornea sa mata niya kaya hindi ko rin maiwasang makaramdam ng pagkailang.

"Nasaan si Marco?" paghahanap ni Maisie sa kanyang boyfriend.

Parehong napakibit balikat ang dalawa. "Bigla na lang nawala kasama niya si Razeem at hindi namin alam kong saan na ba nagsusuot yong dalawa" si Clifford.

Tumango na lang si Maisie. "Hi guys good m-morning." halos hindi mabigkas ng babaeng mataba ang pagbati niya matapos magkasalubong ang aming mata. Mukha bang nakakasira ako ng umaga?

"Hi Gianna, this is Shreya kaibigan namin." natutuwa at agad na
pagpapakilala ni Kayt sa akin.

Hindi ko maintindihan pero the way she looked at me as if I had done something bad to her.

"Really? Hi nice meeting you, I'm Gianna MENDOZA." may diin sa kanyang apelyidong pagpapakilala niya.

"Shreya Carbonell." inabot ko ang kanyang kamay at nakipaglabanan ng titigan kong saan siya rin ang unang umiwas.

Iba ang kutob ko sa kanya. Kong tumingin siya akala mo'y may ginawa akong kasalanan sa kanya sa sobrang talim ng kanyang mata. Halos puno rin ito ng galit kong tititigan mo at kahit ano mang oras kaya niya akong sakmalin. Pero wala naman akong maisip na ginawang kasalanan sa kanya lalo na at ito pa lang ang unang beses na nakita ko siya.

Sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Tulad ng isang baguhan ano pa ba ang aasahan ko? Syempre ang pagtinginan nila ako na animoy daig pa ang isang kriminal na may nagawang kasalanan. Samantalang yong iba kulang na lang mai-ikot nila ang kanilang mga leeg.

Kong hindi lang ako baguhan baka kinawayan ko na sila isa-isa yong tipong parang nangangampanya. Kasu unang araw ko pa lang at ayokong may masabi sila agad tungkol sa akin.

The Greedy WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon