CHAPTER 8

25 14 0
                                    


Razeem POV!

Maaga akong pumasok kong saan nakasabay ko ang mga kaibigan ko. Nakita ko rin ang kotseng ginagamit ng tatlo. Hindi ko maiwasan makaramdam ng galak dahil alam kong isa siya sa baba ng sasakyan. Ngunit ganun na lang din ang pagkadismaya ko ng si Maisie at Kayt lang ang iniluwa nito.

"Ano? Ang sakit ng umasa diba? Hahaha." pang-aasar ni Marco matapos niya na mapansing hinahanap ko ito.

"Masakit na nga ang umasa ano pa kaya kong i-busted ka bro?" pangagatong din ni Clifford. Isa pa to!

"Hindi 'yon mangyayari." confident na tugon ko. "Bigyan niyo pa ako ng konting oras dahil aamin na ako ng nararamdaman ko sa kanya, at sisiguraduhin kong mali ang mga pinagsasabi niyo."

"Hahaha, alam mo De Silva marami na akong babaeng nakilala. Sa konting panahon na nakasama ko si Shreya masasabi kong iba siya. Kaya kong ako sayo bawasan mo 'yang pagiging confident mo para konti lang maramdaman mong sakit." palibhasa babaero itong si Jiro kaya maraming alam.

Pero may punto siya. Total may nararamdaman na nga ako sa kanya, expected ko na rin na makakaramdam ako ng kirot kapag nangyari nga 'yon.

"Wow, himala atang maaga itong pumasok si De Silva, may nalalaman pang pa-deliver-deliver ng red roses kagabi ha." pang-aasar ni Kayt matapos nilang makalapit sa amin.

"HAHAHAHAHAHA." tawanan nung tatlong ulupong.

"Nagbayad ka pa talaga ng mag-de-deliver? Hahaha. Ang torpe mo eh nuh? Ba't hindi na lang ikaw 'yong nagdala ng mapakinabangan naman yong kotse mo." si Jiro.

"Torpe? Huwag mong sabihing--?" si Maisie.

"Oo babe, tama ang iniisip mo. Na-love at first hit itong kaibigan namin sa kaibigan niyo. Hahaha." love at first hit mukha mo!

"Manahimik ka nga Vilar, baka gusto mong sungalngalin kita?" pagbabanta ko kong saan muli na naman nila aking pinagtawanan. Mga siraulo! "Nasaan ba si Shreya? Ba't hindi niyo kasama?" baling ko sa dalawa.

"Kanina pa siya pumasok dahil gusto niya raw maglibot-libot dito sa campus."

"Sana sinabi niyo sa akin dahil handa akong maging tour guide niya."

"Mukha bang bundok itong school natin para kailanganin niya ng tour guide?" pangbabasag ni Clifford. "Sabihin mo gusto mo lang masolo yong tao, lulusot ka pa."

"Ang daming transferry ngayon pero kay Shreya lang siya handang magpaka-tour guide hahahahaha." kahit kailan ka talaga Lopez!

Nang matapos ang pang-aasar nila, napagdesisyonan naming ihatid si Maisie sa kanilang classroom kong saan ako ang unang sumang-ayon. Dahil gusto ko rin siyang makita bago pumasok sa unang subject. Sabi nga nila, to see your crush can make you feel motivated to study.

Habang naglalakad sa hallway nila tungo sa kanilang silid, kapansin-pansin ang isang matangkad na babaeng nakatayo sa dulo nito at doon napagtantong si Shreya, na may kausap na hindi namin nakikita dahil sa nakaharang na wall.

"Sino ang kausap niya?" tanong ni Maisie sa kanyang sarili. Dahil gusto naming maki-usisa mas lumapit kami sa kanila.

"Tatlo? Laban sa isa?" anong ibig niyang sabihin?

"Long time no see Shreya Carbonell. Do you still remember us?"

"Blessly?" mahinang saad ko.

The way she speak para siyang naghahamon ng away. Ano pa ba ang ini-expect ko? Kilala siyang war freak sa school namin.

"The 3 loser?" pang-iinsulto ni Shreya. "Ang tatanda niyo na pero wala pa rin kayong pinagbago? Ano ba ang laman ng mga kukuti niyo at hanggang ngayon ganyan pa rin kayo kong mag-isip?"

The Greedy WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon