Shreya POV!"Everything you imagine it existing. So be transparent, tell stories because stories help us to more closely to your ideas. And last, paint with a heart understand?" usal ng lecturer namin samantalang sumang-ayon naman ang iba kong kaklase sa sinabi niya.
"Everything you imagine it existing? Psh! Kalokohan." pabulong na pagtututol ko.
"Anong binu-bulong-bulong mo diyan?" paninita ng kaklase kong si Fatima.
Napausog ako upang mapalapit sa kanya. "Sabi niya everything you imagine it existing. Bakit sa tagal na ng imagination ko bakit hanggang ngayon ay hindi ito umi-exist?"
"Ano ba kasi 'yang imagination mo ha?"
"Na nasa langit ako at dinadalaw ko 'yong lolo at kuya ko." napayuko ako sa sarili kong sinabi. I wish heaven had visiting hours.
"Grabi naman kasi 'yang imagination mo. Alam mo sa sobrang talino mo hindi muna nagagamit ng maayos 'yang commonsense mo at masyado munang nili-literal ang ibig sabihin ng lecturer natin." Hindi ko na siya sinagot at ngumuso na lang.
'Syempre, imagination na nga lang kaya dapat sagad-sagarin na.'
Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa akong nasisimulan. Hindi ako nakapag-isip kagabi kong ano ba ang pwede kong ipinta, dahil nawala ito sa isip ko. Masyado kong pinagtuunan ng pansin ang pina-plano ko kay De Silva kaya heto ako ngayon nagpapaka-tulala na parang si Mona Lisa.
"I'm done!" aniya ni Gianna. Dahil sa laki niya walang kahirap-hirap para sa amin na makita ang pagtayo niya. Halos lahat ng mata ng kaklase namin ay nasa kanya ang tingin.
"Iba talaga si Gianna."
"Oo nga matalino na talented pa." pag-uusap ng dalawa kong kaklase na nasa unahan.
"You are really good at painting Mendoza. Keep it up!" papuri sa kanya ng aming lecturer matapos makita ang gawa nito. "Yong iba ay sa bahay na lang tapusin dahil hindi na aabutin ng oras natin kong dito niyo pa 'yan tatapusin. Hihintayin ko na lang sa lunes ang mga output niyo sa Faculty Room. Okay, class dismiss."
Nauna nang lumabas ang aming lecturer samantalang pare-pareho naming inayos ang aming mga gamit. Napapakamot na lang ako matapos makita ang ipininta ko. Grabi, parang elementary lang ang gumawa.
"Kong hindi muna kaya huwag munang pilitin pa." usal ni Gianna matapos ako nitong lapitan.
Malakas ang pagkakasabi niya kaya ganun na lang kabilis na nagsipagtinginan sa amin ang aming mga kaklase. 'Minsan nakakagulat siya, hindi kasi ako aware na pumuputak na pala ang baboy.'
"Ano na naman ba Gianna?"
"Mukhang hirap na hirap ka ata sa pagpipinta?" ma-effort na pang-iinsulto niya at sabay na ipinag-krus ang kanyang braso.
'Buong pagkatao mo ang ipininta ko. Sa sobrang laki mo hindi ko alam kong paano kita ipagkakasya sa isang maliit na papel. Kaya sino ang hindi mahihirapan?'
"Wala namang mali if I'm trying so hard diba? I'm not a great artist kaya hindi muna kailangang ipamukha pa sa akin." may malaking ngiting sagot ko.
"Really? Nice try! Hahaha." kinuha niya ang papel ko. "What is this? A house? Hahaha. Ano ka? Elementary? Sabagay art naman 'yang ginawa mo hindi nga lang kagandahan." sana alam mo na hindi lang basta bahay ang ipininta ko. Sana aware ka rin na ang mga taong naninirahan sa bahay na inaapi-api mo ay ang mga taong pinagkukunan ko ng lakas.