CHAPTER 11

15 5 0
                                    


Shreya POV!

Matapos makauwi galing eskwelahan ay agad din akong umalis ng bahay. Kinailangan kong bumili ng mga materyalis na gagamitin ko para bukas. At saktong ngayon din ang araw na makikipagkita ako kay Atty. De Castro.

Pumunta ako sa malapit na Mall. Hindi ko alam ang bawat pasikot-sikot kaya medyo natagalan ako sa paghahanap ng store at kinailangan ko pang magtanong-tanong.

"Art Supplies" basa ko sa pangalan ng store. Napasabunot ako sa aking buhok. Ilang beses na akong dumaan sa store na ito ngunit sa laki ba naman ng pangalan na nakalagay tyaka ko pa ito hindi napansin.

Pumasok ako sa loob at doon ko nakita ang mga kakailanganin ko. Kumuha ako ng acrylic paint, paint brush, palette at yong brick clear palette ang napili ko dahil gusto ko ang style nito. Yong thick paper naman ang kinuha ko dahil masasayang lang kapag canvas ang pinili ko.

Pasado alas syete na ng makalabas ako ng Mall. Binilisan ko ang aking kilos dahil late na ako ng kense minutos. Mabuti na lamang at malapit lang 'yong restaurant na napag-usapan namin at naglakad na lang ako. Pagkapasok na pagkapasok sa loob ng restaurant agad kong ginantihan ng ngiti ang taong kikitain ko at hindi ko rin mapigilan na makaramdam ng galak.

"You're here Atty. De Castro kanina ka pa ba?" medyo hinihingal na tanong ko. Nakipagkamay at nakipagbeso ako sa kanya. Sobra talaga akong natutuwa dahil matagal na rin nung huli naming pagkikita.

"It's been a long time Riri." masayang salubong niya sa akin. "Actually I arrived just minutes ago. Sit down first."

"Btw kamusta na ang pinapagawa ko?" agad na pagtatanong ko matapos makaupo.

"I've fixed everything and ikaw na lang ang kulang." natatawang saad niya.

"You can be trusted in everything Atty. maybe next time I will visit them."

"'Off course, you know me and I don't want to disappoint you. Anyway, how are you here in Philippines?" pangangamusta niya.

"Ayos naman but I still prepare California." pagiging totoong aniya ko.

Habang nag-uusap dumating ang pagkaing inorder niya para sa aming dalawa. "Hindi ko inaasahan na masasangkot ka sa ganung kalaking gulo, especially parehong kilalang tao ang pamilya niyo ng taong nakaaway mo. What is her name again?"

"Eula Mendoza." sagot ko habang hinahati ang steak.

"Inatras ng pamilya niya ang kaso laban sayo kasi natatakot silang baka magsama kayo sa kulungan ng anak nila?" natatawang saad niya.

Tumango ako. "At ang alam ng parents ko sila ang dahilan kong bakit hindi nila tinuloy 'yong kaso laban sa akin."

"Why you didn't tell them the truth?"

"You know me Atty and you also know them. Hindi ako yong tipo ng taong mahilig magpaliwanag lalo na kong nauunahan ako at puro mali ko lang ang nakikita nila." bago pa ako mawalan ng gana sinubo ko na ang steak na hinati ko. Yes, I'm that kind of person na hindi ko man lang kayang ipaglaban ang sarili ko. "I'm so broke that time but they never ask me how I am? Sabagay hindi nga pala nila alam ang totoong nangyari."

Napasipsip siya ng kanyang shake bago magsalita. "At paano kang napasunod sa gusto nila na dito muna mag stay?"

"Like what happened before, I want to forget everything. Baka kapag nag stay pa ako sa California eh baka matuluyan ko na 'yong babae na 'yon." muli ay naramdaman ko ang galit matapos maalala ang nangyari.

The Greedy WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon