Shreya POV!Limang araw pa lang akong pumapasok ngunit halos kilala na ako sa aming campus. Kaninang umaga muli akong nag-taxi kong saan may isang lalaki na naghihintay sa akin at niyaya akong mag-coffee. Aba? Tatanggi pa ba ako kong pera na mismo ang lumalapit? Nakakatuwa lang din na alam na niya ang kondisyon ko, at kong sino mang poncho pilato ang nagsabi sa kanya maraming salamat.
Matapos ang mahaba-habang usapan namin ng lalaki agad na akong dumiretso sa aming silid. Ngunit kita ko ang paglaglagan ng mga gamit ni Gianna kaya hindi na ako nag-atubiling tulungan ito.
"I don't need your help!" malamig na aniya nito sabay hablot ng kanyang libro na nasa kamay ko. Ngunit hindi ko ito pinakinggan at pinagpatuloy ko ang pagpulot sa ibang papel. "Hey! Are you deaf?"
"English eh, hindi ko maintindihan." agad na sambit ko. Nang maubos na ang ibang papel sabay kaming tumayo at binigay sa kanya yong ibang pinulit ko. "Umagang umaga haggard ka?" pang-aasar ko matapos na makita ang kanyang kabuuhan.
"Pakialam mo?" mataray na sagot niya. Kita ko ang pagbakat ng ugat sa kanyang noo. Infairness maganda talaga siya kahit na haggard at mataba.
"May tips ako sayo." naka-ngiting usal ko. "Try mong mag social media ng magmukha kang fresh." kita ko ang pagsalubong ng dalawa niyang kilay. Mukhang hindi niya ata nagustuhan ang pang-malakasan kong tips. "Ah, ah a-aray ko!" pagrereklamo ko.
Hinawakan niya ang braso ko. At putspaaaaa! Idiniin niya ang kanyang kuko sa balat ko. Taena! Hindi man lang siya marunong pumili ng kalaban. Hindi niya ba alam na pang-sumo wrestling ang kanyang katawan samantalang ako pang billiard lang tapos ako pa yong tako?
"Tyaka ka na magbiro kapag close na tayo. Kasu malabong mangyari 'yon dahil hindi kita gusto!"
"Ano ba kasi ang ikinagagalit mo sa akin?" pangungulit ko habang pilit na inaalis ang kanyang kamay at iniinda ang sakit dahil sa nakabaon niyang kuko sa balat ko.
"Ano ba ang nangyayari rito?" biglang pagdating ni Maisie. Mabilis na binitiwan ni Peppa ang kanyang kamay na mukhang namamaga dahil sa laki nito.
"Sabihin mo sa kaibigan mo na hindi ako natutuwa sa kong anong pinagsasabi niya!" galit na baling niya kay Maisie.
"Hala, ikaw na nga itong binibigyan ng tips aayaw-ayaw ka pa?" choosy nito. Sinasabi ko sayo Peppa Pig hindi muna kailangan pumunta sa Belo at gumasto pa. Sundin mo lang tips ko sinasabi ko sayo gaganda ka talaga.
"Alam mo try mong stalk ang social media nitong si Maisie, maganda na nga pero mas lalo pang gumanda higit sa lahat fresh." pagdidiin ko sa huli kong sinabi. "Ang alam ko nga nakakapayat din 'yon diba Maisie?" dagdag ko pa."Oh bakit ako?" maang na sagot ng aking kaibigan.
"Diba filter is life ka? Ba't hindi mo turuan itong si Peppa nang sa ganun magmukha namang isdang sariwa." pinikit-pikit ko ng mabilis ang aking mata para mas lalo itong asarin bago pumasok sa loob.
Rinig ko kong paanong padabog na ipinatong ni Peppa ang kanyang gamit sa lamesa. Samantalang tiningnan ako ng masama ni Maisie. Ngunit isinawalang bahala ko na lang ito at nilapitan ang kaklase naming bakla para makipagdaldalan. Nakisingit na rin ang iba naming kaklase at napag-usapan ang gagawin naming performance. Ilang minuto lang ay dumating na ang lecturer namin sa Science.
"He coined the latin name 'virus' meaning poison?" pagtatanong ng aming lecturer. Agad na tumaas ng kanyang kamay itong si Peppa upang sumagot.