Chapter 10

1.6K 61 3
                                    

Chapter 10: Essence

Eya's Point of View

They say Christmas is about celebrating the birth of Jesus Christ with your whole family. But in ours? We never celebrated it with complete family members because it doesn't matter on how complete you are sitting in a round table but how you made Christmas completely. 'Yan na ata ang nakaugalian ng pamilya ko. Nasanay na rin kasi kaming mawalay kay Kurt at hindi na iyan problema para sa amin.

Nandito ako panay hiwa sa mga lulutuin ko ngayon habang ang mga bata ay abalang nagbabalot ng mga regalo para mamaya. Sila lang nakaka-alam sa mga regalong ibibigay namin sa aming pamilya at trabahante. Abalang-abala kami ngayong araw para sa handaan mamaya. I informed already my family and to be more specific 'yung mama, papa at mga kapatid ko ay inimbitahan kong dito na magpapasko sa mansion. Sobrang miss ko na rin kasi sila, it's been 13 years na rin kasi kaming hindi nagcecelebrate ng pasko kasama sila.

"Ma'am, saan po ang mga ito ilalagay?" Marahang tanong ni Manang Rosa na nakatayo kakahanap ng pwestong mailalagyan ng mga balloons. Iniikot-ikot nito ang dalawang bola ng kanyang mata sa kesame at sa ding-ding.

"Diyan po sa sala Manang." Turo ko sa kanya sa malaking wall para doon idikit ang mga lobo. May ibinili rin kasi akong ilang mga desenyo na mga letra at salita na nakalagay ay pangpasko. Bahagya ko muna inihinto ang paghiwa upang turuan si Manang kung ano ang dapat gawin.

"Ahhh alam ko na, sha sha sha, bumalik ka na roon. Nakuha ko na." I smiled at her in reply. I am happy seeing them smiling at their works. Those were the real smiles I have seen in them.

We're still preparing for our Buena Noche at parang hinding-hindi kami natatapos nito. I slowly get my piece towel and put it on my face. Marami na rin kasing nakalatay na pawis dito sa mukha ko at pagkatapos ay bumalik kaagad sa pagluluto.

Narinig kong may nagpindot ng door bell sa main door ng mansion dahil nakalock ito. Dalawa kasi ang door bell dito, 'yung isa ay dito sa loob ng bahay habang ang isa ay sa Guard's house.

"Yaya, kindly look after this. 'Wag mong pabayaan hah, pakibantayang maigi." Giit ko kay Yaya Dolly na nagbabalat ng mga sibuyas. "Okay po ma'am." Mahinang sabi niya at saka tumungo sa niluto ko.

"I will just open the door." Dagdag ko at sabay tumalikod na. Naglakad ako nang mabilis para ipagbuksan ang tao rito. Tinanggal ko nang dahan-dahan ang hair net sa buhok ko atsaka ibinaba ang aking buhok.

"MERRY CHRISTMAS!" Bumungad sa aking harapan ang malakas na sigaw galing sa pamilya ko.

My eyes are started to cry, I really miss them. Ilang taon na rin kasi akong hindi umuwi at bumisita sa kanila. Maybe they changed their appearance but their hearts did not. Ang laki ng pinagbago sa kanilang mga mukha.

"Anak, stop crying." Mama hugs me while tapping my back to comfort me. "Sige ka, gusto mo bang maging kamukha ng aso ng kapit bahay natin noon?" Giit ni papa na siyang sanhi ng pagtawa ko nang malakas.

I remebered our neighbor's dog na palagi akong hinahabol sa tuwing lumalabas ako ng bahay namin. I don't know why that dog often felt upset at me. Eh wala naman akong ginawa sa kanya. When carma hits him, nasagasaan ang nguso nito. Pero naiyak rin ako noon kasi nandoon ako sa aktwal na pangyayari. Pinaalis ko pa nga siya eh kaso nagmamatigas ang ulo.

"Papa naman ehhh." Giit ko.

"Merry Christmas ate." They hugged me one by one. Miss ko ang mga yakap ng kapatid ko.

"You really grown up." Ani ko matapos ko siyang niyakap. Ang tangkad na kasi ni Eros ang bunsong kapatid namin. He's 17, may hitsura rin ito kaso tinaguriang Campus Fuckboy sa school nila. Sa rami ba namang nauuwi at nabubulang babae sa school nila.

Love Affliction ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon