Chapter 1: Great Affliction
Eya's Point ofView
"I'm so sorry Ms. Reyes, we did already our best para dugtungan ang buhay ng boyfriend mo ngunit hindi na kaya ng katawan niya. Hindi rin umipekto kaagad ang gamot na ipinainom namin sa kanya. Excuse me." Sabi ng doktor dito at sabay lumabas ng ICU.
Walang tigil kaming umiiyak sa katawan ni Kurt. Ang sakit para sa'min ang mawalan ng minamahal sa buhay. Lalo na't biglaan ang pagpanaw niya. Nagchat na ang parents niya sa Maxwell na pumanaw na si Kurt. Ang sakit, Kurt has been part of my life. Siya yung kumulay ng buhay ko. Hindi pa rin ako bumitaw dito sa katawan niya.
"Ma'am ibabalot na po natin siya." Kumirot ang puso ko. Hindi ko matanggap Kurt. Please bumalik ka na.
Ibinalot na ng mga nurse si Kurt sa isang puting tela. Pero ramdam kong may tumulak sa'kin na tanggalin iyun. I told them already pero ayaw nila kasi nga patay na raw ang pasyente. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. I did this by my own. Tinanggal ko ang puting tela sa mukha niya at eksaktong sumuka ng dugo si Kurt at kumukuha ng hangin upang siya ay makahinga.
"TITO, TITA, NURSE, DOC! SI KURT" Umiiyak akong tumakbo at pinindot ang bell. Hinahawakan ko ang kamay niya habang tumutulo ang luha ko.
"Kurt, thank you dahil lumaban ka. Thank you dahil hindi mo ako iniwan. Hindi ba magiging pilot ka pa at ako ang iyong flight attendant. And we will be working in one company. 'Di ba ito ang pangarap natin. Please I don't want to loose you." umiiyak ako habang nakaholding hands kaming dalawa. Tinanggal ni Kurt ang oxygen para makapag-salita siya.
"Eya, habambuhay kitang mamahalin 'cause your my princess. Ipapangako mo sa'kin bago ako mawala na isasakay mo ako sa eroplano and I will be the one who will drive that plane, remember I'm your captain?" Humagolhol ako sa pinagsasabi niya. Hindi ko gusto ito, anytime puwede siyang mawala sa paningin namin.
"Tahan na, hindi ka na maganda niyan." Sabi nito at saka hinalikan ko ang noo niya.
Bumalik na ulit sa pagtulog si Kurt. Masaya ang lahat dahil hindi siya bumitaw sa'min. Wala akong oras para makapagpahinga dahil gusto kong bantayan siya buong araw. Sinabihan na rin ako ng family niya na magpahinga pero hindi ako sumang-ayon. Gusto kong samahan si Kurt. Dito na rin kami nagcelebrate ng mga monthsaries namin. And I am happy na bumuti naman ang kalagayan niya.
"Congratulations Mr. Mendez You are an AIDS survivor." Magandang bati ng doctor sa'min. Masaya ang lahat kaya today ay madidischarge na kami.
Sinurprise rin ng batch namin ang pagbabalik ni Kurt. We have celebrated his comeback. As in ang daming tao sa mansion nila Kurt. Makalipas ang apat na buwan ay nakarecover na siya. Bumalik na ulit ang lusog ng katawan niya. And he decided to work right away at dahil may proper training naman kami this month ay makakapagtrabaho na kami roon sa malaking kompanya.
"Thanks babe dahil hindi mo ako iniwan." pasalamat niya sa'kin, siyempre ito namang in love sa kanya ay kinikilig.
"Of course gwapo ng Prince ko ehhh. Tsaka I'm stupidly in love kasi sa ugali mo. Ang bait at strong pa." Magkatabi kami ditong naka-upo sa eroplano. He is driving his dream plane. He is now a captain. That's why I salute him.
"I will bring you to the moon Eya. Those stars will be our sons and daughters." Natawa ako sa sinabi niya. Ang dami naman kasing anak ehh hindi ko ata kaya 'yun.
Moving fast, life goes on. Love will make us stronger. Nalibot na namin ang mundo kaya 'yung target namin ay pumunta sa ibang planeta. 5 years of love namin ngayon and with that binigyan ako ng isang napaka-precious na regalo galing sa kanya at kay God.
"Kurt I am 2 month pregnant." Masaya akong ipinaalam sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko.
"Really? Am I a father now?" Gulat na sagot nito.
"YES! YOU ARE!" Binuhat niya ako at itinakbo sa baba. Ibinalita namin sa daddy at mommy niya.
Nagplano na si Kurt sa'min. Nagpagawa na siya ng bahay worth 35M ang gastos. Bumili na rin siya ng mga damit dahil kambal ito. We are blessed, as in planado na lahat at ang kulang nalang ay ang paglabas ng babies namin.
"Ano ipapangalan natin sa kanila?" Excited na tanong nito sa'kin. "Ako sa lalaki, ikaw naman kay baby girl, deal?" I said.
"Ahmmm sure. Eris Draine? Bet?" Mukhang maganda. "What's yours?" He asked.
"What if Drake Synder?" Parehas naming gusto ang mga pangalan nila. It is more obvious naman na sa pangalan nila ay magaganda at matatalino na ito. Thus, we can't wait to see them.
September 8 ay palaging nalang akong nagsusuka. I noticed myself that every hour nalang akong nagsusuka. Kaya hindi ko kaagad ipinaalam kay Kurt baka kase normal lang ito sa pagbubuntis. One time, pumunta ako sa cr para isuka 'yung lalabas sa bibig ko pero nagulat ako sa lumabas. It was blood. Ang daming dugo na naka-kalat dito kaya sumigaw ako at tinawag si Kurt. Hindi nagpaligoy-ligoy si Kurt na dalhin ako sa Hospital. Naalala ko ang sakit niya baka kagaya ko rin ang sakit niya.
"I'm sorry, babe." bigla akong nagulat nang magsorry siya sa'kin. "Why? Please wag kang tumunganga. Just tell me, Kurt." Umiiyak siya rito na nakayakap sa'kin. I don't know what is the reason why he cries in my back.
"HIV positive ka, but don't worry mawawala rin 'yan. 'Di ba strong ka? Isang buwan nalang lalabas na ang babies natin, Eya. Please" naiyak ako sa mga sinasabi ni Kurt dito sa'kin. Nakuha ko ang sakit niya nu'ng nagtatalik kaming dalawa the time na hindi pa namin alam ang sakit ni Kurt.
"What about the babies, 'di ba hindi naman sila maapektuhan?" Tumango lang si Kurt. Kaya ko pa naman 'yung katawan ko. Ang gusto ko lang ay makita ang mga anak ko.
Makalipas ang ilang linggo, I felt hurt. Sumasakit na ang tiyan ko. Pero hindi ko kayang ilabas ang baby ko. That's why we decided to have a cesarian operation.
"Daddy, you have to choose whether the babies or your wife?" Nagalit si Kurt at pinagalitan niya ang surgeon dito.
"I don't want to choose, okay? Just please shut your mouth up. Do your best before I will be the one to cut your tongue here!" Sigaw ni Kurt sa mga Surgeon at nurses dito.
"But sir you have---" Naputol ang pasasalita nito.
"JUST PLEASE SHUT YOUR MOUTH UP! KAHIT 20 MILLION PA 'YAN, HANDA AKONG MAGBAYAD, JUST PLEASE SAVE MY FAMILY. Make your work successful." 'Yun nalang ang narinig ko dahil sinimulan na nila ang operation sa'kin. I took sleeping pills.
Kurt's Point of View
I am here at the church praying for a successful operation ng asawa ko. She's about to give births to my handsome and gorgeous twins. I ask God na magamot na ang sakit ni Eya.
"Kurt" napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Mommy. Umiiyak siyang lumapit sa'kin. I started to feel nervous. Kinakabahan na ako sa mga puntong iyun. Hindi ko dininig ang sinabi ni mommy dahil dali-dali akong tumakbo papunta sa operation room. Nagkagulo ang lahat. Hindi ko gustong malaman ang dahilan galing sa kanila kaya pumasok ako roon para malaman mismo sa mata ko kung ano ang nangyari sa asawa at mga anak ko.
And f*ck. Life is so unfair.
Eya died.
| END OF CHAPTER 1 |
BINABASA MO ANG
Love Affliction ✓
Romans[COMPLETED - UNDER EDITING] Synopsis: Problems are the reasons why Kurt Mendez and Eya Reyes are holding their relationship stronger. Because of an accident, Eya Reyes suffers her greatest nightmare and often describe as having a nonsensical life. S...