Chapter 21

1.2K 39 8
                                    

Chapter 21: Secret Affair

Kurt's Point of View

Naghihintay kami rito sa labas ng operation room kung kailan matapos ang heart transplantation ng anak ko. I am so lucky and blessed dahil hindi lang ang buhay ni Draine ang iniligtas niya kundi pati na rin ako. Hindi ko matutumbasan o mabayaran ang pagiging bayani niya. Ang maipapalit ko lang sa kanyang kabutihan ay ang pangakong aalagaan ko ang anak niya.

"Lalabas lang ako just want to buy snacks." Wika ni Kizzy sa'kin at sabay tumayo. "Wala bang sa'min niyan?" Nagbibirong tanong ko sa kanya.

"Siyempre meron, ikaw pa." Nakangiting giit niya. "Baka gusto mong sumama? Mas masaya 'pag marami." Dagdag niya nito.

"No, I'll just stay here." Sambit ko sa kanya.

Tumango nalang si Kizzy at saka lumakad na para bumili ng pagkain. Medyo tinamaan na rin kasi ako ng gutom kaya ako nagpapabili kay Kizzy. Tumayo ako rito at sumilip sa bintana. Mukhang malapit ng matapos ang operasyon ng anak ko. I am super excited to see my daughter getting back her good-normal life.

"Is daddy in the room?" Tanong ng bata rito na kanina pang tahimik. "Yes. He's doing great." Sagot ko agad sa kanya.

'Yung mukha niya ay may bakas ng pag-aalala. Missed na niya agad ang daddy niya. I don't know what to say kasi hanggang ngayon tinatanong niya pa rin sa'kin kung anong ginagawa ng daddy niya sa loob. Ayaw ko namang sabihin sa kanya ang totoo baka kasi iiyak siya.

"Please tell me, anong pong ginagawa ni daddy sa loob? Bakit kami nandito?" Iyak niyang ani sa'kin.

He's too young to understand why his dad did this. Pero nakikita ko na, ang mga bata ay ang may pinakamataos at tunay na pagmamahal sa kanilang magulang. Because they are sill dependent to us, parents. But when they grew up they made their own decision without our approvals.

"I miss daddy, please I want to see him." Pagsusumamo niya sa'kin. "Later you will see your dad, okay?" Pinatahan ko siya sa pag-iyak.

"The operation is done." The doctor said.

I smiled at him and quickly rushed inside the operation room, eagerly watch my daughter breathe normally. Ngunit hindi pa ito gising. Nakayakap ako sa anak ko rito at nagpapasalamat sa itaas dahil isang matagumpay na operasyon ang kanyang ibinigay sa anak ko.

"Daddy, wake up please." Napalingon ako sa batang humahagolhol sa katawan ni Peter. It was his son who cried loudly. Naaawa ako sa batang ito kaya tinabihan ko siya at inaliw para tumahan na sa pag-iiyak.

"Who killed my daddy?" Tanong niya sa'kin at saka sumunod namang tumingin sa mga doktor na nasa harapan niya.

"No, walang pumatay sa daddy mo. Your dad is just sleeping. Soon you'll understand." Dahan-dahan kong hinahaplos ang likod niya.

Hindi pa rin siya lumayo sa patay na katawan ng kanyang ama. Hinayaan ko nalang siya roong magluksa dahil gusto kong mabigyan siya ng oras na makasama ang ama niya. Inilipat na si Draine sa normal na kwarto habang ako naman ay nakabantay lang sa anak ni Peter

"What are you doing? Please stop this. Natutulog lang si daddy." Patuloy na nakahawak at nakayakap nang mahigpit ang bata sa katawan ng kanyang ama habang pinipigilan niya ang tatlong lalaki na kukuha sa patay na katawan ng kanyang ama. Ngunit umiyak ito nang kinuha na ng tuluyan ang kanyang ama.

Love Affliction ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon