Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

77 2 0
                                    


Kabanata 1

"O Mine,ano naman ang nginungungoy mo dyan talaga itong babaeng ito.'lumapit si lou ann sa kaibigan at tumabi ito sa umiiyak na dalaga.

Hindi naman tumigil sa pagsinghot ang dalaga,hindi nito sinasagot ang kaklase.

"Hay naku,parang alam ku na ang dahilan,kinukulit ka na naman ng nobyo mo ano?"

Tumayo ito at namewang."Yan,yang mga lalaking yan,iisa lang talaga ang gusto sa mga babae,pag hindi napagbigyan sa gusto nila paasahin at paiiyakin kaming mga babae,hmmp!"
Litanya ni Lou Ann,animo siya ang nasasaktan.

"Paikot-ikot naman ang tingin ni Minerva,tumingin sa paligid,
"Ssssh,mahiya ka nga at umupo ka dito.!Utos sa kaklase.

Nasa campus sila at nakaupo sa pinakaparke ng iskwelahan,kaya siya umiiyak ay dahil kinulit na naman siya ni Reden na makipag-sex siya dito nung isang gabi ng sila ay magdate.

"Sige na,babe,pagbigyan mo na ko,di mo ba ako mahal?"samo nito

"Kung mahal mo'ko iintindihin mo ako,'sabi nya.

"Mine naman,pakakasal naman tayo ah."namumungay ang mga mata ni Reden habang sinasabi iyon.

"Wala pa sa isip ko ang pagaasawa,Den may mga pangarap akong gusto kong matupad.At ibibigay ko lang sa'yo ang gusto mo pagtapos na tayo sa pagaaral,mahalaga sa akin ang puri at kasagraduhan ng kasal at ihandog ang kanyang pagkababae sa kanyang asawa."Mahabang sabi ni Minerva sa lalaki.

Biglang tumayo si Reden,nasa madilim na bahagi sila ng parke.

"S~~t,naman Mine,ilang taon na tayo,Manang ka ba o magmamadre?"Nagtatagis ang bagang nito.

"Kung ayaw mo,maghiwalay na tayo dyan ka na,buwisettt!"singhal nito naglingunan ang mga  nasa ilalim ng mga halaman na mga naglalampungan.

(Ano ang mangyayari sa relasyong Minerva at Reden?)

(Itutuloy).....

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon