Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

41 4 0
                                    

Kabanata 10:

#KSBAKWalang Makakatakas

"Ang ganda!"Gigil na gigil na hinimas-himas ng lalaki ang buhok ni Dora na tinatakpan ang sarili.

"H-huwag po,h-huwag poooo.....EEeeeeeeeeeeeee!!"Palahaw nito.

"Ha,ha,ha,ha,hak,hak,hak.!"Hagalpak naman ang lalaki sa katatawa at inihihilamos,inaamoy-amoy ang buhok ng nakahigang dalaga.

At inilawan naman nito si Minerva na nakasubsob sa kandungan ng ina.

"Huwag,hayup kaaa,huwaggggg,hu,hu,hu!"Pagtataboy ni nana Iska sa hawak nitong flashlight.

"Tumigil ka tandaaaa!"Nandidilat ang mata nito sa pagsaway sa matandang babae.Hindi naman tumigil sa paghampas ang matanda sa lalaki.

"BOLOooo!"Sigaw ng lalaking kausap ni  tata Kadyo.

"ITigil mo na yannnnn,bumaba ka at lapitan mo si kumander,sabihin mong wala na tayong makukuhang iba pa!"

"HOOooyyy,wag mo akong pigilan sa gusto kong gawin,hah?"Asik nito sa lalaki.Ngunit tumalima rin ito sa utos ng lalaki,padabog na bumaba ito ng truck.Pinuntahan ang pinuno na nasa di kalayuan na nasa banda ruon ng truck dili't iba kundi ang nakaputing bonet.

Makikitang nasiyahan din ito sa ibinulong ng lalaki.Agad na bumalik ang lalaking tinawag na Bolo sa truck at pasinghal na lumapit sa lalaking kasamahan na nasa may pintuan.

"Baba,baba kayo!Pinabababa kayo ni kumander!"Utos nito kay tata Kadyo.

Agad namang humarang ang lalaking kausap ni tata Kadyo.

"Eto,eto na ang perang kailangan natin,hindi na sila kailangang pababain,At kung gusto natin.Dalhin natin ang kanilang mga panindang damit.Pagkatapos ay paalisin na natin sila.'Yun lang ang kailangan natin di ba?"Pagkukumbinsi ng lalaki kay Bolo.

"HINDI!,alam mong ang utos ni kumander ay hindi nababali,kaya umalis ka d'yan at pababain sila!"Matigas na sabi nito.

Ngunit hindi umaalis ang lalaki sa pintuan.

Naulinigan ng pinuno ang pagtatalo ng dalawa,kaya lumapit na lang ito sa may truck.

"Bolo,TAGALOG,tumigil kayoo!"Ng makitang papalapit ang pinuno ay sinalubong ito ni TAGALOG.

Kinukumbinsi nito na paalisin na ang truck at ibibigay lahat ni tata Kadyo ang kanilang pera.

Matamang nakikinig ang pinuno na nakatakip din ang mukha,mata lang at bibig ang   nakalitaw.Tinititigan namang mabuti ni TAGALOG ang mga mata nito sa kung ano ang magiging pasya nito.

"ALAM mong ang utos ko ay hindi nababali!"Lumingon ito kay BOLO.

"Bolo,pababain ang mga 'yan!"Tumalikod ito at iniwan si Bolo at Tagalog.

Baba ang balikat na walang nagawa ang lalaki.

"SH~tttt!" Tagis ang bagang nito.Nabigo syang pigilan ang pinuno.Nanlumo ito,alam niyang mga dayukdok sa laman ang mga taong ito.

TAO,TAO nga ba ang mga ito o HAYUP!

Tumataginting ang halakhak ni Bolo sa disisyon ng pinuno.

Nagtataka man ay parang bumalik anglakas ng loob ni tata Kadyo,sa tila pagtatangol sa kanila ng lalaking tinatawag nilang TAGALOG.

SA himig ng pagsasalita nito ay iba ito sa mga kasamahan.Tutol ang lalaking ito na pababain sila sa sasakyan.

"Tanda,narinig mo?"Baba kayo d'yan,babaaaa!"Singhal nito,Ngunit hindi tumitinag si tata Kadyo.

"Bababa ba kayo o gusto nyong maubos kayong lahat?"

Nakukulitan na ko sa inyo,ah!"

WALANG nagawa ang matanda kundi sundin ang utos ni Bolo.Nakatutok ang armalite sa kanya anumang sandali ay pwedeng iputok sa kanya iyon ng lalaki at maging silang lahat ay mamatay sa sandaling iyon.

"Panginoon patnubayan n'yo po kami!"Usal ng kaawa-awang matanda.

#Makakaiwas pa ba sa kapahamakan?

        ※※※※※RCJ.28※※※※※2020※※※※※

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon