Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

61 4 0
                                    

Kabanata 18:


#KSBAKPagbabago...

Nabili ni nana Iska ang puwesto noong babago pa lang sila dito sa Bulacan sa Caingin.Noon ay walong buwan na si Abceedee.Isinama ni Nana Iska si Minerva sa pagbili ng pwesto kaya alam itong puntahan ni Mine.

May mangilan-ngilan na ring nagbubukas ng pwesto nagtaka pa sila kay Minerva,hindi nila ito nakilala.

Ng mabuksan ang kandado ay hindi naman alam nito ang pag-aalis ng kahoy na tabla duon.Napabuntunghininga ito,bahala na sa isip nito.Na hindi nalingid sa isang lalaki na mayroon ding stall na katabi nila.Ng matapos nitong tanggalin ang mga kahoy ng stall nila ay lumapit ito sa dalaga ina.

"Ah eh,Miss,tutulungan na kita."Agad na inalis nito ang harang na mga tabla.Nakamasid lang si Minerva hindi ito kumikibo.Ng matapos iyon ay simpleng salamat ang narinig ng binata sa dalaga."Salamat."Wika nito na hindi tumitingin sa lalaki.

At sa wari ng lalaki,inis pa ito ng binigkas ang salitang iyon.Ganunpaman ay lakas loob na nagpakilala ito.

"Aba dapat wag n'ya akong pagsupladahan dahil tinulungan ko s'ya!"Sabi ng isip nito.

"A-ako nga pala s-si Patrick....kung hindi mo mama.....sa......."

Hindi pa s'ya tapos magsalita ay binara na s'ya ng babae.

"Kung hindi mo mamasamain mama nagpasalamat na ako sa'yo."Putol ng dalaga sa sinasabi ng binata.

Napahiya at namumulang tumalikod ang lalaki,kakamot-kamot sa ulo.

"Pagminamalas ka nga naman ."Bulong nito.

Naulinigan naman sa katabing stall at nakita ni Bela ang inasal ni Mine kaya nagpasaring ito.

"Ay naku,ikaw na ang nagmagandang loob,ikaw pa ang nasupalpal."Wika nito sa kapatid na tumulong.

"Maganda nga,wala namang modo,ang aga-agang bwisssiit sa hanapbuhay,pwwee!"

"Ssssh."Saway naman ng lalaki sa kapatid.

"Baka marinig ka!"

"Ano naman kung marinig ako kuya,
Tutuo naman ang s8nasabi ko!"

Kaano-ano ba ni nana Iska yan?"

Naririnig ni Minerva ang pagbubusa ng babaedi na lang niya pinansin.Sa loob-loob ay hahaba lang ang usapan.

Tila naman nabighani si Patrick sa ganda ng dalaga,parang nabato-balani ito.Sa tantiya n'ya ay magkaedad lang sila.

Magandang lalaki si Patrick,maskulado ito parang nag-gi-gym.ang pangangatawan.Alon-alon ang buhok nitong may kahabaan hanggang sa may balikat.May pagka tsinito at moreno ang kulay.

Hindi naman kalakihan ang pwestong
iyon ng mga damit.Siguro'y mga 12x12 ang laki.

Nagwalis muna si Minerva bago pinagpag ang mga damit.Inayos ang mga ito.Pinagsama-sama ang sa tingin
n'ya ay tama.Mga damit at panloob ng mga babae at mga gamit panlalaki at mga gamit pambata.

Nalala n'ya si Abceedee,ano na kaya ang nangyari dito?Nilalagnat pa kaya?

Kinapa sa dibdib kung may nadarama siyang awa o habag sa bata.Napabuntunghininga ito.

"Sana magaling na s'ya,mahal na mahal siya ni inay."E,siya kailan magkakapuwang sa puso niya ang bata?

Maya-maya ay dumarating naman si tata Celo,nagulat pa ito sa nadatnan.

"Minerva ikaw nga ba?"
Tango ang isinagot ng dalaga.

"Akala ko kung saan ka nagpunta.Nakita kong sarado ang bahay,nagbakasakali ako baka kako naman ay narito na rin si Abby."

"Salamat naman at dito kita natagpuan tiyak na matutuwa ang nanay mo!"Nasa anyo ng matanda ang
saya ng makita si Minerva. 
                                                    ※※※※※

(Kasiyahan sa bawat puso....)

      ※※※※※RCJ.28※※※※※2020※※※※※

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon