Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

56 4 0
                                    

Kabanata 14:

#KSBAKAng hirap maka-move-on!

Naganap ang mga pangyayaring ni sa hinagap at panaginip ay di inaasahang magaganap sa buhay ni Minerva.

Hirap si Mine na tanggapin ang naging kapalaran.Araw-araw at gabi-gabing inilluluha ang mapait ?a nangyari sa kanyang buhay lalo na at
di nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na ama.At ang nangyari sa kanya.

Lagi siyang nasa puntod ng ama.Ipinagdarasal na sanay magkaroon ng hustisya ang nangyari
sa kanila.Sinisisi sa sarili ang lahat.

"Patawad itay,hu,hu,hu,...kung nakinig lamang ako sa'yo.....hindi mo sasapitin ito....hu,hu,hu,patawad!

Isang buwan ang nakakaraan.Naggisa ng bawang si nana Iska at magsasangag ito ng kanin,ng maamoy nito ang niluluto ng ina.Pababa s'ya noon para mag-cr.

Natutop nito ang bibig at patakbo itong pumunta sa lababo at nagduduwal.

"Huwarkkk,huwarkkkk,pstuu."Pagsusuka nito.

Napalapit si nana Iska.Hinagod-hagod ang likod ng dalaga."Aba'y di ka pa nag-aalmusal ano't naduduwal ka?"
Tanong ng ina.

"Ewan ko inay,sinamaan ako ng sikmura ng maamoy ko ang niluluto n'yong sinangag."

"Ha?"Kinutuban ang ina.

"Di kaya ikaw ay nagdadalang-tao ?"
Sabi.ng matanda.

"Ano inay?"Hindi,hindi ko matatanggap kung tutuo man 'yon!

Tumayo ito at pinagsusuntok ang tiyan.

"Minerva,ano ba,tumigil kanga sa ginagawa mo?"

Nakumpirmang nagdadalang-tao nga
Ito.At lalo itong nagalit sa mundo.

Inisip na magpakamatay na.Lalo't may mga taong makikitid ang pagiisip
alam nilang di naman kagustuhan ni Minerva ay hinusgahan nila ito.

Buti na lang laging naruon si Lou ann
upang umalalay sa kaibigan.

"Tahan na Mine,maawa ka naman sa sarili mo?Kay nana Iska di ka ba naaawa?....Napabuntung-hininga si Lou ann....."Lalo't higit d'yan sa dinadala mo!"

"Naiintindihan ko ang kalagayan mo,pero kailangan mong magmove-on magbagong buhay....nandito kami ni nana Iska para suportahan ka namin...at ang nandyan sa sinapupunan mo kailangan ng pagmamahal ng isang ina?"

Nagyakap ang dalawang magkaibigan.
At nagiyakan.Narito ang kaibigan na sa kahit anong kabiguan ay hindi siya iiwan.

Isang hapon,nasa may bakuran si Minerva at Lou ann.Nakaupo sila sa upuang mahaba na yari sa kawayan.Nagkukuwentuhan.inaalo at inaaliw ni Lou ann si Minerva.

"Saan ka pupunta?"Tanong ni Lou ann.

"Kukuha lang ako ng maiinom sa loob."anito kay Lou ann.

"Ako na lang ang kukuha,umupo ka na lang dito."Tumayo ito at tumuloy sa loob ng bahay.

Naiwan si Mine.Alas kwatro na ng hapon noon,ng di kangisa-ngisa'y may pumasok sa bakuran.Di agad nakilala ni Minerva ang bagong dating.

Walang kundi ang dating nobyo,si Reden.Umupo ito sa tabi ng dalaga.
Nalanghap ng dalaga na amoy alak ito.

"Kumusta ba Minerva?"Sabi nito.

"A-anong ginagawa mo rito?"Tanong at umisod ito ng upo,palayo sa dating nobyo.

"Alam mo bang hindi kita nakalimutan?"Nakatungo ito habang
sinasabi iyon.

"Ikaw pa rin ang gusto ko Mine,ikaw parin ang mahal ko!"Umisod ito papalapit sa dalaga.

"Lasing ka na Reden,umuwi ka na.Matagal na tayong walaAt wala na akong pagmamahal sa'yo!"

"Hindi ako naniniwala,!"Lumapit pa ito at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Bakit,mas masarap ba naranasan mo sa mga lalaking iyon at ibinigay mo sa kanila ang katawan mo,na hinihingi
ko noon sayo?"Ngisi nito at namumungay ang mga matang tumitig sa dalaga.

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon