Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

55 3 0
                                    


Kabanata 26:

#KSBAKAng Pagkatao ni Abceedee...

"KANINONG ANAK SI ABCEEDEE?HINDI NAMAN SIGURO KAY...ABBY?

"Sana'y maging daan ang pagkikilala naming ito,para lalong mapalapit kami sa isa't-isa.Pero si Minerva...sa pakiwari ay mahirap itong paamuin."
Sabi sa isip ng binata.

"Pero gagawin ko ang lahat upang maituwid ang dapat maituwid."Sabi pa nito.

Ang lahat ng iyon ay alam din ng matalik na kaibigan ni Eman si Roy.
Walang lihim si Eman na di nito alam.
Kumbaga ito ang tumatayong tagapayo ni Eman dahil para na silang magkapatid.

"Mahirap ang kalagayan mo n'yan,lalo na at yung Minerva kamo,eh...parang galit sa mundo.At syempre,hindi mo naman masisisi yung tao kung magkaganun man."

"Pero sa isang banda,kung baga sa nanliligaw ay naka-firstbased ka na."Lumagok muna ito ng beer bago itinuloy ang sinasabi.Nasa beranda sila ng bahay nila Eman habang naguusap may ilang boteng nakalapag duon at mayroong pulutan.

"Nakuha mo na ang loob ng ina at mga kasama sa bahay at hindi na mahirap ang kasunod...basta alagaan mo ang relasyon mo sa kanila bilang
suki at kaibigan ...yun ang masasabi ko sa'yo."Paliwanag ni Roy.

"....At..."Kumpas nito sa mga kamay.

"Alamin mo kung kaninong anak ang
sinasabi mong bata na si Abceedee!"

Mula nga noon naging madalas na bisita ni nana Iska si Eman. Nilalaro nito si Abceedee na kilala na rin siya.
Lalo na kung galing ito sa trabaho at duon na ito tumutuloy sa bahay nila nana Iska kapag hapon.Lingid ito sa kaalaman ni Minerva.Dahil nanduon
ito sa tindahan.

Minsan ay inabutan siya ng dalawang
babae,si Minerva at si Abby na kalaro niya si Abceedee sa bakuran.Umuwi na ang dalawa galing sa tindahan.

Umasim na naman ang mukha ni Minerva ngvmakita ang lalaki.Minsan man ay hindi s'ya pinakiharapan ni Mine.At napansin din niyang hindi nito tinatapunan ng pansin si Abceedee.

Kinikilig naman si Abby pagkakita kay
Eman."Ang prince charming ko.."Sa loob-loob nito.Napansin ni Minerva ang pagkatulala ni Abby ng makitang nakatitig ito kay Eman.

"Halika na Abby,umakyat na tayo sa itaas,buhatin mo na ang batang yan."

Utos nito sa pinsan."Ah eh,O-oo ate .."

"Pasensya na Eman,...halika na Abs...akyat na tayo?"Aya nito sa bata at kinarga ito.

Naiwang nagiisa ang binata.Ng nasa kalagitnaan na ng hagdan si Abby ay niyaya nito ang binata.

"Halika ka Eman,akyat ka..."

"Salamat...."

Minsan nadatnang umiiyak ni Eman si nana Iska na nakaupo sa may bakuran.Pasinghot-singhot ito.Nagulat ito ng bigla ay naruon si Eman.Pinunasan ng matanda ang luha nito.Nakatungo ang matanda ayaw ipakita ang mukha sa kausap.

"P-p-wede pong malaman kung ba't kayo umiiyak,nana Iska?"

"H-ha,wala w-wala lang ito Eman..."

"Upo ka .."

Umupo naman ang binata sa kaharap na upuan ng matanda na yari sa bato.

Lumapit naman si Abceedee na yumakap sa lola at parang galing din ito sa iyak.Tangan nito ang paborito nitong bola.

"Pasensya na Eman ha?Kinandong nito ang apo na mugto rin ang mga mata parang bagong galing lang sa pagiyak.

Nagtatanong ang mga mata ni Eman ngunit wala siyang karapatan na magusisa at baka s'ya mapagsabihang pakialamero.

Nahiwatigan iyon ng matanda at pumormal ito ng upo.Tila may ibig na
ipagtapat.Mataman namang nakikinig
ang binata biglang sumasal ang kanyang dibdib.Naghihintay kung ano ang susunod na sasabihin ni nana Iska.

※※※※※

SUBAYBAYAN ANG KAPANAPANABIK NA KARUGTONG....

※※※※※Rcj.28※※※※※2020※※※※※

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon