Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

47 3 0
                                    

Kabanata 3

Isang araw dahil malapit na ang kanyang graduation ay naisipan nitong puntahan at dalawin ang pinsan nyang si Dora matanda sa kanya ito,

Gusto nyang maka-up-date kung makakauwi ang mga magulang sa kanyang graduation dahil nalalapit na ito.Si Dora lang ang kamaganak na nakakasama ng kanyang mga magulang sa mga nadedestinuhan ng mga ito.Isa pa dahil siguro puro liblib na lugar ang napupuntahan ay walang signal kaya hindi niya makontak ang mga magulang,kaya nakikibalita s'ya kay Dora kung kailan ang alis nito.

"Ate Dora kelan ang  alis mo papuntang Libiran?"Tanong nito.

"Baka bukas rin!"sabi ni Dora.

Biglang napaisip ang dalaga."Ano kaya kung sumama ako sa'yo ate,tutal tatlong linggo pa naman bago ang graduation ko makakabalik na ako noon at makakapaghanda,At makakasama ko na sila pabalik dito."

"N~naku,wag kabilin-bilinan ni tiyo Kadyo na huwag na wag daw kitang isama kung saan mang lugar sila naroon."ipiniling-piling ni Dora ang ulo,pagbabadya ng pagtutol sa gusto ng dalaga.

"Sige na ate,nami-miss kuna si tatay at si nanay,lagi ko silang napapaginipan gabi-gabi."Tumutulo na ang luha nito.

Naaawa naman si Dora sa pinsan kahit gusto nyang pagbigyan ito ay natatakot naman siya kay tiyo Kadyo.

"A-at saka malayo yon Mine,baka di mo kayanin ang biyahe."

"Kaya ko ate,sanay ako sa byaheng malayuan,sige na 'te please."Pangungulit pa nito.

"P~pero..." alanganin pa rin si Dora.

"A-akong bahalang magpaliwanag sa kanila,'te."parang batang sinusuyo pa rin si Dora,napabuntung hininga na lang ang matandang dalaga.

Lumiwanag ang mukha ni Minerva ng mapapayag niya ang kanyang ate Dora animo batang lumapit dito at mahigpit na yumakap.Parang batang binigyan ng lollipop at tumigil sa pagiyak

"Salamat ate,salamat,"pinahid ang luha nito.

SA ISANG MALAYONG BAYAN NG LIBIRAN.

Binabagtas ng isang six by six na truck ang mabato at bako-bakong daan,liblib na lugar ang kanilang pinanggalingan.Tanging ilaw lang ng truck ang tanglaw sa kanilang daraanan,buti at maliwanag ang buwan nakatulong ng malaki ang liwanag nito sa kapaligiran,kasabay sa pag huni ng panggabing ibon at mga kuliglig.

Sarado na halos ang mga kabahayan na kanilang nadadaanan,at mahihinuhang walang serbisyo ng kuryente ang dumadaloy sa mga bahay na iyon dahil walang poste ng kuryente ang kadalasan ay makikita sa gilid ng daan,dahil siguro ay bundok na kaya walang elektrisidad na gumagana duon.

Tahimik na nagmamaneho ang drayber,na nasa katanghalian na ang
edad.Ang konsentrasyon ay nasa pagmamaneho,ingat na ingat dahil nga sa lubak-lubak na daan.Nasa itsura nito ang katatagan at kaalaman sa pag mamaneho,nasa katabing upuan nito ang isang may edad ng babae na naka bandana.Nakasalamin ito,naka-sweater ng kulay murang berde at may tangan na rosaryo at umuusal ng dalangin habang tumatakbo ang sasakyan.

SA tabi ng matandang babae ay isang magandang babae ang katabi nito,na walang iba kundi si Minerva na ang katabi naman ay matandang lalaki na nasa may kanan sa gawing pintuan ng truck.Mahihinuhang ang dalawang matanda ay ang mga magulang ni Minerva,si tata Kadyo at si nana Iska napagitnaan nila si Minerva.

Sa gawing ulunan nila,sa bandang likod ay may tila may roon duong maliit na puwestong pwedeng higaan.At nakahiga duon ang dalawang babae na bagamat maliit at makitid ay pwedeng mamaluktot.Baliktaran ang dalawa istilong "sixty nine" ang porma.na dahil sa kakitiran ng espasyo ay nagtiis na lang na mamaluktot dahil na rin sa antok at kalamigan ng gabi.
Ang mga babaeng ito ay sina Dora at Ida.

(Ano ang mangyayari sa biyahe nilang iyon?)

[Subaybayan.....] pls.vote!



    ※※※※※rcj.28※※※※※2020※※※※※

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon