Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

49 4 0
                                    

Kabanata 19:

#KSBAKAng Pagtatagpo

"Ah,s'yanga pala maayos na ang bata,pwede ng ilabas bukas...ngayon sana pero Linggo walang opisina kaya bukas na lang..."Pinakiramdaman ni tata Celo kung ano ang magiging reaksyon ni Minerva tungkol sa anak.Ngunit hindi kumibo ito.

Inaasahan naman iyon ng matanda,kaya hindi na nito pinahaba ang sasabihin tungkol sa bata.

"O s'ya,babalik ako sa bahay,hane?Pagiiba nito.Nakita nito sa sulok ng mga mata ng dalaga na may pagalala rin ito sa anak.

"At babalik din ako sa ospital,dadalhan ko ng pagkain ang inay mo at papupuntahin ko na lang dito si Ona para may kasama ka."

"Pati ikaw Minerva dadalhan ko na rin ng pagkain."Paalam nito at sumulyap sa dalaga bago umalis.Nasa
anyo ang gaan ng kalooban sa nakitang pagbabago ng dalaga.

MARAMING TAO NG UMAGANG IYON,
dahil nga araw ng palengke na tapat sa araw ng Linggo.
Katapat lang ng pwesto nila ang patio,tapos ay simbahan na katabi naman sa di kalayuan ang munisipyo.

Naisip ni Minerva,matagal na rin siyang hindi nakakapasok ng simbahan.Magmula pa noong maganap ang pangyayaring iyon.
Hindi naman sa tinatalikuran niya angPanginoon.Pero sandaling kinalimutan n'ya ang pagiging kristiyano.

Iginala ng dalaga ang paningin,marami ng tao sa plasa dahil tapos na ang ikalawang misa.
Nagiisa lang siya,pero ang sarap ng pakiramdam sa sarili.Tutuo nga ang sabi ni tata Celo,malilibang siya lalo't ganitong nakakarami na siya ng benta.

Hindi nga pwedeng magsuplada sa mga kostumer,dahil kung hindi wala kang mabebenta at siguradong mapapaaway ka pa.

Hindi rin niya napapansing nawawala ang pagiging mainitin ng
kanyang ulo dahil sa kaabalahan.
Lumilitaw ang likas n'yang paguugali
ang mapagkumbaba.Hindi lang niya
napapansin iyon.

Isang lalaki ang pumipili ng T-shirt mula sa mga nakahanger na naka-display.Ang dalaga naman noon ay ipinipili ng damit ang isang babae para sa kasama nitong batang babae na malaking bulas.

Naisip ni Minerva,kawawa nga pala ang ina lalo na at walang kasama.
Hindi naman palaging nanduon si Abby dahil nagaaral ito.Nakakapagod din pala kung nag-iisa....

"Eto ho Mrs.,bagay ho diyan sa anak n'yo,hindi po magmumukhang bata at hindi rin naman magmumukhang dalaga.Tama lang ho sa edad niya."
Ngiti n'ya sa kostumer.

"Naku,buti na lang alam mo kung ano nababagay sa mga ganitong edad,miss
ako wala akong kaaydi-idea."Sabi ng ginang.Nababaitan siya sa dalaga.

"At kukuha pa ako ng isa para sa kanya ulit."

"Talaga po,ma'm?"Tuwang -tuwa ang dalaga.

"Sige po,pili na kayo!"

INAANTAY NAMANG MATAPOS NG LALAKI ANG BILIHAN NG DALAGA AT NG KOSTUMER.Patuloy s'ya sa pagpili
sa mga naka-display na mga damit.
Si Minerva ay nakatalikod sa lalaki malapit sa counter,samantalang ang
lalaki naman ay nakatagilid sa may bandang harapan.

Humarap ang lalaki ng sa tantiya ay tapos na ang bilihan.

"Salamat po,ma'm..."Pagpapasalamat ng dalaga matapos magbayad ang babae.Nakatungo ito sa may eskaparate at inaayos ang mga damit na naroon.

"Salamat din Miss."Anang ginang.

Sa lalapit ang lalaki at nagtanong dito.

"Mag-kano Miss,ito?"Wika ng lalaki.
Siyang pagtaas ng mukha ng dalaga.

※※※※※

※※※※※RCJ.28※※※※※2020※※※※※

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon