Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

41 4 0
                                    

Kabanata 25:

#KSBAKCrush

"Nagka-crush pa naman ako sa kanya,pero obvious namang si ate Mine ang gustong dalawin,hay...ang guwapo!!kinikilig pa ito.

HINDI NAGSISINUNGALING SI EMAN.sa sinabi nito.Namamahinga sa salas si tata Celo gayundin si Abby na nanonod ng tv.Inaantabayan ni Abby
kung darating talaga si Eman.

Nasa kwarto naman noon si nana Iska
Pinatutulog si Abceedee,Si Minerva dahil may lagnat ay nasa silid at nagpapahinga.

Aba at tutuo nga ang sinabi ng binata na dadalaw ito.Natanaw niya itong papasok ng bakuran.Maya-maya'y kumatok ito,sinalubong ni Abby ang bagong dating pinaakyat niya ito.
Ipinakilala sa ama,pinasok sa kwarto si nana Iska at sinabing nanduon si Eman.

Nagulat pa ang matanda ng makita ito.

"A-aba,Eman naligaw ka yata,wala dito ang tindahan namin,ah..."Pagbibiro ng matanda na nakangiti.

Napakamot sa ulo ang binata,nakangiti rin ito.Guwapong-guwapo sa suot nitong t-shirt na kulay blue,maong na faded at ang amoy ng cologne nitong swabe sa ilong anupa't nasa bandang likod nito si Abby at langhap na langhap nito ang amoy ng binata na nagpapakilig sa kanya.

"Kung sa akin ka na lang manligaw sasagutin agad kita.'Bulong nito sa sarili,kinagat pa ng maliit ang labi.

Nagmano ang binata kay nana Iska at kay tata Celo.

"Pagdamutan n"yo na po ito at iniabot
kay nana Iska ang isang basket na puno ng iba't-ibang prutas.May hinahanap ang mga mata ng binata.

Nahiwatigan ni nana Iska ang pakay ng binata."A,eh...pasensya na Eman ha?May sakit si Minerva...at si Abceedee naman eh,tulog na tulog na.Alam mo na bata,sa ganitong oras kailangang patulugin na."

"Naiintindahan ko po nana Iska."Magalang na tugon nito."

"Naku s'ya nga pala maupo ka."Sabi ni Abby.

"Siyang-siya ang dalawang matanda lalo na si nana Iska,hindi nito mapigilan ang mapahalakhak kapag nagkukuwento ng nakakatawa si Eman.Gayun din naman ang magamang si Abby at tataCelo.Animo
,matagal na silang magkaka-kilala.
Palagay ang loob nila lahat sa binata,masarap itong kakuwentuhan at hindi ka maiinip kapag kasama ito.
Hindi boring kasama ika nga.Kaya kang tangayin sa mundo ng kasiyahan
kung entertainment din lang ang paguusapan.Masarap kausap,'DAMING ALAM!!

Naulinigan naman ni Minerva ang mga nagkukuwentuhan.Hindi nakatiis na sumilip ito sa sala.Ang tutuo ay mabuti naman ang pakiramdam niya ayaw lang n'ya talagang bumangon.

"Ang buwisit na lalaking iyon pala...'Ng makita nito si Eman sa siwang ng pinto.

"Anong ginagawa no'n dito.!"Hindi nya alam na dumating ito dahil nakatulog siya.Naalimpungatan lang siya ng marinig na may nagtatawanan sa sala.

Naisip naman niya na baka dinadalaw si Abby.

"Kailan pa nakilala ni Abby ang lalaking ito?"Tanong sa sarili.

NAGING KASIYA-SIYA ANG GABING IYON,LALO'T HIGIT SI EMAN!

Hindi pa rin ito natutulog.nag-iisip.

ANO ANG PAPEL ANG GINAGAMPANAN NIYA AT GANUN NA
LANG ANG MARUBDOB NIYANG HANGARING MAPALAPIT KAY NANA ISKA,MINERVA AT KAY...ABCEEDEE?

Abangan.....!

       ※※※※※Rcj.28※※※※※2020※※※※※

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon