Kabanata 11:
#KSBAKMay magbubuwis ng buhay!
Hindi magkamayaw sa pagiyak ang mga babae lalo na si nana Iska takot na takot s'ya hindi para sa kanya,kundi para sa mga babae higit lalo sa kanyang anak.
Kasunod na bumaba si Minerva na nakayakap sa ama.
'Itayyy,natatakot ako 'tay,hu,hu,hu.'
Hinagod-hagod ni tata Kadyo ang likuran ng dalaga para kahit paano ay makalma ito.
Inilawan ni Bolo ang mukha ng dalaga
pababa sa katawan nito.Hindi maitagong kasiyahan ang mababakas sa mukha,ngising-ngisi.Halos lumuwa ang mga mata.Animo naglalaway na aso ang
itsura.Napasunod naman ng tingin si Tagalog ng pasadahan ni Bolo ng flashlight ang kabuuan ng dalaga,ewan niya may kung anong
bagay ang naramdaman n'ya sa sarili ng makita ang babae.Bigla-bigla'y humanga siya dito.Napabuntung-hininga siya ng malalim,Napalunok ito.
Sumunod na bumaba si nana Iska.Nangangatal sa takot,halos di maihakbang ang mga paa sa pagbaba
sa truck."Para n'yo na pong awa.Huwag n'yo kaming sasaktan."
Maging si Dora at Ida ay nanginginig
sa takot ng bumaba ang mga ito ng truck.Magkakayakap silang papunta sa harapan ng truck.
Ang dalawang lalaki sa likod ng truck ay tuwang-tuwa rin ng may marinig na may mga babae.
"P're,narinig mo yun!"May mga babae raw?"Ngising-ngisi ito.
'Oo nga,tamang tama d'yetang-d'yeta na'ko!Sawang-sawa na ako sa kama-maryang palad!"Pinaikot-ikot pa nito ang mahabang dila sa labi.
'Oo nga,ako rin,eh!hak,hak,hak!
Hagakagak nito.Hindi nila napuna na habang naguusap sila,nagtitinginan at nagsesenyasan ang tatlong binatilyo.
Walang sabi-sabing nagpulasan ang mga ito sa iisang direksyon papasok sa talahiban.
"Aba hoyyy,bumalik kayo ditoooo!"
Agad na hinabol ng mga ito ang tatlo.Pumasok din sa talahiban ngunit
Wala na silang nakita.Hindi naman sila makapag paputok ng baril,dahil iyon ang bilin ng pinuno."Patay,lagot tayo nito kay kumander!"Sabi ng isa.
Lumapit ang pinuno.Inilawan nito ang mga babae,pinigurahan.
Makikita rin sa hilatsa ng mukha nito
ang kasiyahan.Hinawi nito ang buhok na nakatakip sa mukha ni Dora.Itinaas ang mukha at iniharap sa kanya,tatango-tango ito.
Panay naman ang iwas ni Dora diring-diri ito sa paghawak ng lalaki sa kanyang mukha.Kapagkuwa'y lumipat
sa katabi nitong si Ida."Hmmm,!Tatango-tango ito.
"K-KUMANDER,baka p'wedeng pakawalan na natin sila....pera at g-gamit lang ang kailangan natin...."
Singit ng lalaking ang tawag ay Tagalog.
"Pera at ngayon...may mga babae pa....
di ba masaya,Tagalog?"Humarap ito kay Tagalog at binulyawan.
"Hindi komo at binigyan kita ng karapatan sa ibang bagay ay saklaw mo na ang lahat ng desisyon ko!"
"Kaya ako pa rin ang masusunod!"
Umikot ito at ipinaririnig sa lahat ang kanyang sinabi.
Muling binalingan ng pinuno ang mga bihag.
Hinimas ang lampas balikat na buhok ni Minerva na nakayupyop sa dibdib ng ama."ITAYYY,itayyyy,hu,hu,hu...!!"Palahaw nito.
Inispatang mabuti ang mukha ni Minerva na tigmak sa luha ang pisngi.
"Hmmm,napakaganda mo pa rin kahit puno ng luha ang iyong mukha
binibini?"Wika nito."LAYUAN mo ang anak kooooo...hayup kaaaa!"Gigil na sabi ni tata Kadyo,habang yakap nito ang anak.
"AH,Ha,Ha,Ha,ha,ha,ha,ha,ha,ha,ha,!"
Bunghalit na tawa ng pinuno.Gumawa ng "echo"ang halakhak nito.Na pumuno sa kapaligiran.Animo sumaliw sa makapal na hamog na nakakalat sa paligid at nagsasaad na sa lugar na iyon siya ang makapangyarihan.
※※※※※#Diyos ko,iligtas n'yo po kami!
※※※※※RCJ.※※※※※2020※※※※※