Kabanata 17:
#KSBAKBagong Bihis
Gising din si Minerva ng mga sandaling iyon,na nasa kabilang silid.
Narinig niyang nilalagnat si Abceedee.
Tamang hindi nas'ya abalahin ng ina.
dahil hindi rin niya papansinin kung may sakit ba o wala ang bata.Kung kumain na ba ito o hindi pa...ah,wala siyang pakialam,kampante lang ito sa pagkakahiga.Wala nga palang siyang katabi ngayon sa higaan.Wala si Abby.Nagpaalam ito
sa ama kay tata Celo,duon muna daw siya makikitulog sa isang kaklase.Dahil meron daw silang rerepasuhing subject na kailangan-kailangan sa eskwela,bukas araw ng Lunes.Kaya nagiisa lang siya sa bahay.
Si Ona na nagaalaga kay Abceedee ay isinama di nila sa ospital.Kaya nagiisa lang siya ngayon sa bahay.
LINNGO NGA PALA NGAYON,araw ng palengke ngayon at siguradong maraming mamimili at iyon ang araw na malakas ang benta ayon na rin sa
Ina,pag naririnig niya itong maganda ang kita pagaraw ng Linggo.Pabiling-biling s'ya ng higaan,naiisip ang ina.Naaawa rin siya rito,ito ang tumataguyod sa kanya...at...at...sa bata.Nagpapakahirap maghanap buhay para lamang maisalba ang pangangailangan nila sa araw-araw.Lalo na sa kanyang apo...sa kanyang pinakamamahal na apo,na bunga ng isang mapait na nakaran.
"Napaluha si Minerva sa naisip na iyon,nabasa ng luha ang unan.
Tahimik lang na umiiyak.Maya-maya ay pinahid ang mga luha.Kasabay sa pagtilaok ng manok sa madaling araw,umupo ito,kinalma
ang sarili.Nagtungo sa kusina at nagtimpla ng kape pagkatapos ay nagbalik sa kwarto kumuha ng bihisan.At nagpunta ito sa banyo at naligo.At pagkatapos maligo ay dumaan ito sa mesa at ininom ang mainit pang kape.Mag-aalas singko na ng umaga ang oras na iyon.
At muli itong pumasok sa kwarto.Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang muli ito humarap sa salamin,ngayon ay namalas niyang muli ang sarili.Bagamat masasabing malaki ang ipinayat nito ay nanduon parin ang ankin nitong kagandahan.
Ang kilay nitong parang ignuhit,ang katamtamang tangos ng ilong na bumagay sa kanyang bilugang mukha.
Ang mga labing naging pinid,na ipinagkait ang matamis na mga ngiti.
Ay kulay rosas pa rin.Ang mata niya noong punung-puno ng buhay,ng mga pangarap.Ngayon ay nalambungan ng
kalungkutan.Sa kabila ng lahat,naruon pa rin ang ganda bagamat salat sa kinang.Nagsuot ito ng simpleng kasuotan.Bestida,na lumabas ang natural nitong ganda.Na ipinagkait sa sarili,dahil mula noon ay kung ano-ano na lang pambahay ang isinusuot niya.
Inipit ang buhok na ngayo'y abot na bewang.At muling sinipat ang sarili sa
salamin ngunit hindi nakitaan ng kahit anong ekspresyon sa mukha nito,lumabas ng silid.Pumasok sa kwarto ng ina.Kinuha ang susi sa likod ng pinto.Isinarado ang mga pinto at tuloy-tuloy
na bumaba ng bahay.Isinara ang tarangkahan.MALAPIT lang naman ang kanilang bahay sa palengke.Ikatlong kanto lang iyon,kaya hindi kailangang sumakay ng traysikel.
Kung sakali namang may dumating sa bahay na wala siya,madali lang mapuntahan ang tindahan.
NAA-awa na rin s'ya sa ina.Pagod na rin siguro ito sa pagtitinda hindi lang nagrereklamo.Naisip pa ni Minerva.
At hindi naman talaga mareklamo ang ina.
Magliliwanag na rin ng sumapit ang dalaga sa palengke at natanaw na niya ang tindahan,nasa tabi lang ito ng sidewalk kung saan dumadaan ang mga tao.※※※※※
(May liwanag ba?)
※※※※※Rcj.28※※※※※2020※※※※※