Kabanata 21:
#KSBAKMahahawi na ba ang ulap?
Walang alam si Abby sa nakaraan ni Minerva.Ang alam lang nito ay tinakasan ng nakabuntis kaya nagkaanak sa pagkadalaga.Kaya napunta sa lugar nila ay upang matakasan ang kahihiyan at lumayo sa lalaking hindi s)ya kayang panindigan.
Ang tanging nakakaalam ng lahat ay si tata Celo.Duon na sa pinanggalingang bayan nanganak si Minerva bago sila lumipat dito sa Caingin.
"TAPOS MO NA BA YUNG SINASABI MONG KAILANGAN MO SA ESKWELA?"Pagpukaw nito sa nagiisip na si Abby.
"Ah o-oo,ate Mine...kaya umuwi na'ko."
Inilapag ni Abby ang mga gamit at muling humarap kay Minerva.
"Teka,...palagay ko hindi ka pa nagmemeryenda...sandali ate,bibili lang ako ng mamemeryenda,ha."At tuloy-tuloy na lumabas ito ng tindahan.Dumaan siya sa stall na pagaari nila Patrick.Napansin siya ni Bela na nasa may harap ng tindahan.
"Hoy,Abby,dumating ka na pala!"Sabi nito.
"Oo,ngayon-ngayon lang..."
"Sino ba yung babae d'yan sa tindahan n'yo."Ininguso ang tindahan nila Abby.
"Ah,si ate Minerva...bakit?"Tanong nito.
"Kasi ang suplada,tinulungan na nga ni kuya Patrick sapagbubukas ng tindahan n'yo,pinagsupladahan pa ang kuya ko...!"Pagsusumbong nito kay Abby na nakapamewang at nakataas ang kilay.
"N-naku pasensya na Bela ganun lang talaga yun...ako na ang humihingi ng pasensya sa inyong magkapatid."
"Mabait yun natiyempuhan n'yo lang na mainit ang ulo."Pageesplika pa ni Abby.
"Hayaan mo ipapakilala ko kayo sa kanya."Sabi nito.
"Sandali Bela,bibili lang ako ng mamimeryenda,tapos pagbalik ko dadaanan kita dito at ipakikilala kita."
Sa lalabas si Patrick at narinig ang paguusap nila.
"Ako na ang bibili ng meryenda at dadalhin ko na lang dun sa inyo,pwede?"Sa tonong may pakiusap.
Nagkatinginan ang dalawang babae.
At parang naguusap ang mga mata.Iisa ang nasa isip.Umarko ang kilay ni Bela.Gusto rin ni Patrick na makilala ng lubusan ang dalaga.Kahit na nasupalpal na s'ya kanina.Alam niyang mabait ang dalaga may parang pinagdadaanan lang ito.
"Sige,kung hindi makakaabala sa'yo,Patrick."
Dumukot ng pera sa bulsa si Abby at iniabot kay Patrick."Eto o,pakibili mo na lang kami."
"HUWAG na,ako na taya,okay?"Nangingiti ito.
"Galante?okay ka lang kuya?"Sabi ni Bela.
"Oo,naman!"Sabi ng mabait na binata.
PINAKIHARAPAN naman ni Minerva
ang magkapatid dahil na rin kay Abby.
Humingi ng dispensa ito sa nangyari kanina.Ngunit hindi ito nagpakitang giliw kay Patrick,umiiwas ito ng tingin kapag nagsasalubong ang kanilang mga mata.Halatang iwas ito sa lalaki."Tatapatin ko kayo Bela,Patrick ayokong mag sinungaling sa inyo...isa akong dalagang ina."Prangkang sabi nito.
Nanganga si Bela,kaya pala masungit sabi ng isip nito.
Ngunit hindi si Patrick,na sa malas ay humanga pa sa pagiging prangka nito.
"Kaya kung gusto n'yo pa ring maging kaibigan ang tulad ko,salamat."
Bago sila magsara ng tindahan ay...
"Ate,hahabol ako sa huling misa,baka gusto mong sumama."
Matagal na rin siyang hindi nakakapasok ng simbahan.
"S-sige...."Ani Minerva.
Walang kamalay-malay ang dalawang
babae na may nakamasid sa kanila sa di kalayuan.ANG LALAKING BUMILI NG T-SHIRT KAY MINERVA!
※※※※※(Subaybayan!)
※※※※※Rcj.28※※※※※2020※※※※※