Kung Sakaling Bumalik Ang Kahapon

39 3 0
                                    

Kabanata 7:

Mataman na lang nakamasid  si nana Iska sa dinadaanan.Samantalang si Minerva ay nakasandal ang ulo sa upuan.Nakapikit ito ngunit hindi makatulog,Sino ba naman ang makakatulog sa ganito katagtag na daan.Sabi ng isip nito.

Bukod sa matag-tag na ay matatarik na bangin pa ang naghihintay sa ibaba kung sakaling magkamali ng kalkulasyon ang drayber,buti na lang maingat ang drayber nila.

Hindi naman sanay sa ganoong byahe si Minerva,lalo ang magbyahe sa gabi.

Binasag ni nana Iska ang katahimikan ng kanilang paglalakbay.

"Nakow,napakahirap ng katayuan ng mga lugar dito,liblib na nga e,nakapangit pa ng daan hindi man lang mapansin ng ating gobyerno,di sana kahit paano ay umasenso namam ang mga tagarito,di baga mamang drayber?"

"Eh,wala po tayong magagawa nana,ganon talaga siguro ang kalakaran dito sa atin."Sagot ni Tomas.

"Ku,ay oo nga,kailangan ay sumabay na lang tayo lagi sa kalakaran ng ating gobyerno."Saad ng matanda.

"O,e maiba 'ko,malayo pa ba ang pupuntahan natin?"Tanong ni nana Iska.

Sa tutuo lang nililibang lang ni nana Iska ang sarili.Hindi pa rin maalis anf kanyang kaba at pagkabalisa.Samantalang ang dalawang babae sa kanilang ulunan ay tulog na tulog.

"Siguro Nana,mga dalawang oras pa ang ating tatakbuhin,may malapit na bayan tayong madadaanan puwede tayong tumigil muna at magpahinga sandali.Makapagkape man lang,sobrang lamig na rin ang nararamdaman ko."

"At mabisita rin ang mgagulong kung nasa ayos pa.Hindi naman tayo pwedeng tumigil sa ganitong lugar."

Ilang lusong,paahon at mga bangin pa ang tinahak ng truck sa bako-bakong daan.Maging salamin ng truck ay lumalabo sa kapal ng hamog sa daraanan.Kaya lagi itong pinupunasan ng drayber.

MAYA-MAYA sa di kalayuan ay may napansin silang lalaki sa di kalayuan.Pinahihinto ang truck,ikinukumpas ang dalawang kamay ng pababa at pataas.Ang lalaki ay nakasuot ng patig kagaya ng suot ng mga sundalo sa checkpoint na nadaanan nila.Nakasuot ito ng black sweatshirt at may bonet sa ulo,nakakawit sa balikat nito ang isang high-powered gun,mabulto ang lalaki.

NAALIMPUNGATAN si nana Iska na noon ay hinihila na rin ng antok.Naramdaman nito ang parang tigil-hinto na pagusad ng sasakyan.
Namimilog ang mga matang kinapitan  uli ng nerbyos na kani-kanina lang ay humuhupa na.

Napa-antanda ito,"K-kadyo nasa bayan na ba tayo?"

PAGTATAKA ang unang sumaisip kay tata Kadyo.....Malayo-layo pa ang bayan at wala pa uling checkpoint silang nadadaanan,ano't may lalaki sa di kalayuan at sila'y pinahihinto?"

Hindi naman masasabing checkpoint
dahil wala namang palatandaan na ito ay checkpoint?Ang gilid ng daan ay madawag,napapaligiran ng lampas taong talahib.Walang palatandaan na yon ay dinadaanan ng mga tao?O,anumang makitid na daan papasok duon!

Maliban sa madawag na talahib,maririnig ang lagaslas ng tubig sa ilog sa bandang kanan.

"T-tata Kadyo,anong gagawin natin?
Tanong ng drayber sa matanda na wari ay nakakaramdam na rin ng panganib!

(#Isa sa mga highlight ng istorya,subaybayan!)

    ※※※※※RCJ.28※※※※※2020※※※※※

KUNG SAKALING BUMALIK ANG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon