Kabanata 30:
#KSBAKPagkabigla!
Halos magkapanabay na lumingon sa pintuan si nana Iska at Minerva sa lalaking nakatayo roon.
"IKAW SI TAGALOG?!!!"Hindi makapaniwalang sambit ni nan Iska.Na ikinagulat din ng lalaki sa pintuan,ang nakangiting labi ay napalitan ng takot at pangamba.Ngayo'y alam na nila ang tutuo!
PAANO NA?!....
Si Minerva naman ay halos pagdiliman ng pagiisip.Narito sa harapan niya ang lalaki....ang hayuppp na lalaki...ang hayuppp na lalaking lumapastangan sa kanya,ang lalaking nagbigay ng pasakit at pagdurusa...ang yumurak ng kanyang
dangal!!.Nawala sa sarili si Minerva,lumikot ang mga mata nito,at nasulyapan ang kitchen knife na nasa loob ng basket.
Walang babalang kinuha iyon at dinaluhong ang lalaki na walang iba kundi si EMAN,ang TAGALOG na tinatawag.Na hindi nakahuma at natulala rin ng sandaling iyon."HUUWAGGGGGG....!!!!"Sigaw ni Dora.
Ngunit huli na naitarak na ni Minerva
sa binata ang kutsilyo.Nasa ospital na si Eman ng magkamalay.Hindi naman napuruhan
ng ito'y saksakin ni Minerva.Nasa gawing kanan itaas ng dibdib ang tama ng binata.Nasa tabing kama ni Eman si nana Iska at kaibigan nitong si Roy."Eman salamat,at gising ka na...E-Eman...p-patawarin mo si Minerva.A-ako na ang humihingi ng tawad para sa kanya,....alang-alang sa apo ko...hu,hu,hu!Panangis nito.
Ginagap ni Eman ang kamay ni nana Iska."Ako ho ang dapat humingi ng tawad sa inyo nana Iska."
"Noon ko pa gustong ipagtapat na ako si Tagalog.Natakot lang akong sabihin sa inyo,nana Iska."
"W-wala kang kasalanan Eman...ang lahat ng iyon ay mga pagsubok lamang ng tadhana..."Pinunasan ng matanda ang mga luha sa mata....
"Kaya pala...kaya pala...pamilyar ang boses mo sa akin noong una tayong magkita."
"Huwag na po kayong umiyak,tapos na po ang lahat."
"Eh,eh,nasa'n po si Abceedee?"
"Ah eh,nasa bahay.Hayaan mo ipapasyal ko siya dito minsan....basta magpagaling ka agad ,ha?"
Samantala ng mga sandaling iyon sa bahay.
"Hindi ka dapat nagpadalos-dalos M8nerva.Buti na lang hindi naging kritikal ang kalagayan ni Tagalog."Si Dora,bumuntung-hininga ito.
"Mabuti s'yang tao Minerva,ng binihag kami ni Gaspar siya ang umalalay sa amin ni Ida."
"Ginawa akong asawa ni Gaspar kahit labag sa loob ko. Dahil kung hindi pagpapasa-pasahan nila ako ganundin si Ida na sinalo naman ni Bolo...kagat labi itong maluha-luha na habang nagkukuwento.
"..Wala kaming magawa ni Ida..Si Gaston at mga kasamahan niya ay hindi mga lehitimong rebelde na may ipinglalaban...sila'y mga tulisannn..mga mandarambonggg!"
"Mga walang pusu...na sumisila sa mga walang kalaban -laban..."hu,hu,hu."
"Taliwas sila sa mga rebeldeng ang adhikain nila ay maipaglaban ang kanilang karapatan!...si Tagalog naging bihag din nila...isang grupo sila ng mga mga mountain climbers ng tambangin din nila Gaspar,pinag babaril sila at,..at si Tagalog lang ang nabuhay na ginawa rin nilang bihag."
"Wala rin siyang magawa,kaya mula noon kasa-kasama na ri siya nila Gaston,pero kinamumuhian nya rin ang ganuong klase ngvpamamalakad ni Gaston..."
Nakikinig lang si Minerva...tama ba ang isiping paniwalaan nya si Dora sa rebelasyong mabuting tao si Eman?
Malalim ang buntung-hininga nito sumagap ng hanging magpupuno sa kanyang dibdib...Kahit ginawa niyang kanang kamay si Tagalog ay hindi pa rin nalubos ang tiwala nya rito.Kaya todo bantay pa rin sila sa bawat kilos niTagalog...Ngunit minsan tumakas ito at nagsuplong sa mga sundalo at itinuro ang pinagkukutaan namin...kaya ng gabing iyon,nasakote ang mga hayup!..naubos silang lahat,sinawimpalad na tinamaan si Ida ng ligaw na bala."
Tumutulo ang luha ni Dora habang nagsasalaysay ito.Matamang nakikinig lang si Mine na nakatanaw sa malayo...●●●●●
Subaybayan...!
※※※※※Rcj.28※※※※※2020※※※※※